Chapter 2

9K 206 10
                                    


~

“PRADA!!”

Malakas na tawag niya sa personal assistant niya nang makarating siya sa wakas sa ASP Building. Pakiramdam tuloy ng dalaga ay kinapos na talaga siya ng hininga. Goodness! Nananakit pa ang mga binti niya, take note may sugat ang kanyang mga paa dahil tinanggal niya ang sapatos na suot niya kanina.

“Yes, Miss?” Lapit nito sa kanya na kaagad ring napasinghap ng makita ang kalagayan niya. “A-ano pong nangyari sa inyo?”

Sinamaan niya ito ng tingin. “Give me a goddamned chair first and get some water for me! Hurry!”

“Ah! O-opo Miss.” Takot na takot itong kumuha ng upoan para sa kanya at nagmamadaling bumalik.

Mabuti na lang at nagdala na rin ito ng tubig para sa kanya kundi ay baka nasigawan niya ulit. My God! Sobrang nai-stress siya ngayong araw at dahil iyon sa aroganteng lalaking iniwan siya sa gitna ng kalsada! Shit! Nahabol tuloy siya ng mga reporter, mabuti na lang at pinaangkas siya noong isang delivery boy ng pizza at naitago ang sarili sa mga maiingay na paparazzi na iyon!

Pinapaypayan siya ni Prada habang nagkukuyupos pa rin siya sa galit. She gulped the water before looking at Prada. “Sabihin mo nga kung sino ako Prada. Sabihin mong maiigi.”

Napalunok ito. “K-kayo po si Mhelanie Tschauder and National Goddess po ng bansa. Ang pantasya ng bayan.”

“Paki-isa isa nga kung sino sino ang mga international actors na nakaleading man ko na.” Hinawi niya ang kanyang buhok at sinandal ang likod sa backrest ng upoan.

“Taylor Lautner, Channing Tatum, Henry Cavill, Jamie Campbell Bower, Orlando Bloom and David Franco. You also starred in a movie with Lee Min Ho, Ji Chang Wook and Lee Jong Suk. You also appeared two times in One Direction music video and three times at BTS MV, you're at the top in Most beautiful women Celebrity in the World. You're the highest paid actress and you're also the number one sexiest in FHM Magazines, Miss Mhel.”

“And he fucking don't know me? Ano siya si Matteo Do?!” She was talking about the Korean drama series. “My God! O baka naman tagabundok siya? But he's so hot to be taga-bundok ano. Tsaka his can is pretty expensive! Good God! I'm so mad!” She was really frustrated.

“Miss Mhel, okay ka lang po ba? May photoshoot ka pa po mamaya para sa bagong commercial niyo for Pantene.”

Pumukit siya ng mariin, padabog na tumayo at dumiretso sa dressing room niya, sa kanya talaga ang pinakamalaking dressing room dito sa ASP Station kahit na hindi niya naman masyadong nagagamit dahil panay siyang wala sa bansa. May shooting pa nga siya sa Taipei next week! Dahil kinuha siyang leading lady ni Jackie Chan para sa bago nitong martial arts movie.

Agh! She's so busy! Dapat ay hindi na niya iniintindi ang ibang bagay pero na-bwesit talaga siya ng lalaki kanina! Parang iyong plot lang ng bagong movie na inalok sa kanya, sa ganoon nakilala ang lalaki. It's so corny but since si Li Chen at  Zhang Bin Bin ang magiging leading man niya roon, might as well she'll review it carefully.

“Nandyan na ba si Mama G?” Tukoy niya sa manager niya.

“Nauna na po siya sa studio three, Miss Mhel. Kanina may ka-meeting siya online. Inaalok ka yatang mag commercial ng isang alcohol brand with Chris Evans.” Paliwanag nito. “Nire-review niya na rin iyong movie mo this summer with Korean actor Kim So Hyun.”

Oh diba? Sa dami ng project na naka-line up sa kanya, sinong hindi makakakilala sa kanya? Ah! She's so pissed!

Mhelanie can talked six different languages, Tagalog, English, Chinese, Japanese, Korean and Spanish. Actually, Mama G told her to learn those para na rin sa trabaho niya. Noong nag uumpisa pa lang kasi siya as a model, marami na talagang humanga sa kanya kaya hindi na nagtataka ang iba kung bakit napaka-successful na niya ngayon at the age of twenty seven.

Dangerous DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon