“MISS Mhelanie! I have good news for you po!” Parang kiti-kiti si Prada sa sobrang likot nito sa paglapit sa kanya. Kununotan niya ito ng noo, ano na naman ang problema ni Prada? Mukha na namang bulateng tinabunan ng asin.“What is it, Prada?” Tanong niya habang nag i-scroll ng notifications niya sa twitter.
Binalik niya ang tingin sa screen ng cellphone niya, may ilang shots sila off cam ni KSH, well, kailangan talaga ng chemistry on and off cam para mas lalong mabenta ang palabas nila. Strategy naman talaga iyon ng mga artista. May ilang articles din na lumalabas na dating na raw sila ni Jian pero dahil sa mala-showbiz niyang sagot, hindi pa rin natigil ang mga rumors na iyon lalo na't may malaking fans club na sila ni KSH para sa up coming drama nila.
Hinawakan ni Prada ang braso niya at inalog alog nito iyon, iritadong lumingon siya kay Prada.
“What?! Nagbabasa ako ng comments!”
Ngumuso ito pero nanatiling kumikinang ang mga mata. “Nandito si Doctor Hottie kanina!” Kinikilig na naman ito.
Umikot ng 360 degrees ang eyeballs niya sa sinabi nito. “Hindi ako interesado Prada!” Binalik niya ang tingin sa screen.
“Magiging interesado ka kapag narinig mo yung sinabi nila kanina!” Muntanga ito si Prada, di pa i-direct to the point. “Narinig ko sila, crush ka raw ni Doctor Hottie! My gosh! Pinagdamot pa raw iyong cake na pinabili mo kay Kuya Ted!” Tumili pa ito.
Habang si Mhelanie naman ay napanganga, literal niyang nalaglag ang hawak niyang cellphone. I swear, gusto niyang sakalin si Prada kapag nalaman niyang joke lang nito ang sinasabi nito.
Tinaliman niya ito ng tingin. “Sa-saan mo na-naman napulot 'yan!” Damn! Why is she damn stuttering anyway!?
“Nandito nga sila kanina! Nagpaalam akong mag CR diba? Pagbalik ko nasa may labas sila ng ward, nag uusap sila nung kapatid niyang hot din!”
Natulala siya sa sinabi ni Prada, sa totoo lang, parang ayaw niyang maniwala kasi alam niyang gossip queen itong si Prada. Pero may kung ano sa kanya na pinaniniwalaan iyon kaya pigil ang kanyang mga ngiti. Goodness! Siguro kaya napakasungit sa kanya ng binata dahil dakilang tagahanga pala ito!
Pabiro niyang tinulak si Prada sa braso. “Prada! Huwag ka ngang maingay...” Nangingiting aniya. “Nakakahiya...” She murmured.
Inilagay niya sa likod ng tenga ang iilang hibla ng buhok na nagkalat sa kanyang pisngi. Gosh! Ramdam na ramdam ni Mhelanie ang init ng mukha niya. Goodness! She's been attracted to so many idols in her industry, marami na rin siyang nakilalang mas 'hot' pa kung tutuosin sa binata but his effect on her is different... Very different.
Natapos ang shooting ng pang ilang scene nila ni KSH na maganda ang mood ni Mhelanie, even the directors praised her because she really did well today. Hindi niya sinasabing malaki ang epekto ng sinabi ni Prada sa mood niya today, huh? Hmm, masaya lang talaga siya, walang kinalaman sa Doctor na iyon.
Natigil si Mhelanie sa paglalakad nang mapagtanto kung nasaang parte na siya ng Hospital. She used to work here before kaya alam na alam niya ang pasikot sikot. Ngayon, pimagsisisihan na niyang inutusan niya si Prada na bilhan siya ng mansanas sa kalapit na grocery store.
Iyong kinatatayuan niya kasi ngayon, sa tapat mismo ng nurses room sa Hospital. Kung saan nawalan ng buhay ang kapatid niya...
“Nakita ko yan sa table ko, dapat yata sa locker mo ilalagay kaso hindi ka yata nakita. Anong mga gamot iyan Kuya Myst?” tanong niya.
