“THANK you for watching Lost Love in Time! See you on my next movie!” Nakangiting aniya bago nag-bow sa libo libong taong dumalo sa mall show niya dito sa MOA. Medyo pagod na si Mhelanie pero nakangiti pa rin siya sa mga fans. Ayaw naman niyang masayang ang pinunta ng mga ito dito.
Nagsigawan ang mga fans niya nang bumaba siya ng stage, limang bouncer kaagad ang pumalibot sa kanya para mapigilan ang mga agresibong fans.
Kumaway pa siya, kaya mas lalong nagsigawan ang mga fans niya. May ilang nag-abot sa kanya ng mga gifts na tinanggap niya naman ang ilan ay napaunlakan niya pa ng autograph pero hindi lahat dahil nagmamadali na rin siya, may meeting pa sila ni Mama G ngayon sa studio kaya kailangan niya pang bumyahe mula rito hanggang sa ASP Studio.
“Grabe! Iba talaga kapag Mall show mo! Ang daming tao Miss Mhel. Congratulations sa success ng bago mong movie!” Salubong sa kanya ni Hunny sa backstage, iyong singer na kumanta ng theme song ng movie.
“Thanks! Congrats din nag top ang song mo.” Nakangiting aniya.
“Nagtop iyon kasi ang lakas ng hatak mo sa tao! Kayo ng Hollywood actor na leading man mo! Gosh! Ang gwapo ni Chris Evans! At ang ganda ganda mo po, perfect match.”
Tipid siyang ngumiti binigay niya kay Prada iyong mga gifts sa kanya ng Fans, ito na ang bahalang magdala sa bahay niya. Kailangan niya pang dumiretso sa ASP.
“Nandyan na si Kuya Ted?” Tukoy niya sa driver.
“Opo Miss Mhel, ready na po ang sasakyan pati iyong securities na mag e-escort sa inyo hanggang sa parking.” Sagot ni Prada.
“Let's go then.” Sabi niya.
As usal kahit na sa parking lot may mga nakapasok na fans para salubongin siya, halos maatrasan na nga siya dahil kahit na limang securities pa ang nakapalibot sa kanya ay hindi kaya ang mga agresibong fans. Pinaulakan niya naman ang iba hanggang sa sawakas ay nakapasok na rin siya ng sasakyan.
Hindi pa nga sila nakaalis dahil halos harangin na sila ng mga fans niya. Mabuti na lang at napakiusapan ng binaba niya ang bintana para kumaway.
God! It's a tiring day pero okay na rin kaysa ma-bored siya sa bahay niya. Ayaw niyang i-cancel ang mga schedule niya dahil ayaw niya ng mag isa lang siya.
“Miss Mhel, tumawag po si Mama G kanina habang on going ang mall show niyo, doon ka na lang daw po mag dinner, nagpadeliver na raw siya ng pagkain.”
“Paano kayo?” Iritadong tanong niya. “Alam niyong ayaw na ayaw ni Mama G na sumasabay kayo sa akin.” Bagot na binalingan niya si Kuya Ted. “Kuya Ted, magdrive thru muna tayo para may pagkain kayo ni Prada.”
“Opo Ma'am.”
Mabait naman si Mama G pero iba lang talaga ito sa mga staff niya. Kahit naman maarte at may pagkamaldita si Mhel, ayaw naman niyang pinapabayaan ang mga staff niya tho madalas niyang napapagalitan ang mga ito.
Sinunod naman si Kuya Ted ang sinabi niya bago sila nagpunta ng ASP Studio. At least, makakakain ang dalawa habang nasa meeting sila ni Mama G.
“Doon na lang kayo sa staff room, tatawag ako Prada kapag tapos na kami ni Mama G para masundo mo ako sa office niya, kumain na kayo.” Utos niya.
Tumango naman ang dalawa at sinunod ang sinabi niya. Dumiretso si Mhel sa office ni Mama G. Malaki rin ang opisina nito, malaki naman kasi ang kinikita nito sa mga artist nito, sa kanya pa lang, milyon na ang kinikita nito!
“Mama G!” Aniya nang makapasok sa loob.
Mabilis naman itong tumayo para halikan siya sa pisngi. “Mhelanie! Kumusta ang mall show mo? Hindi kita nasamahan, ang dami mo kasing project na naka-line up na nire-review ko.” Paliwanag nito.