DANZ was driving his favorite Subaru. Kagagaling niya lang sa coffee shop bago niya naisipang dumiretso sa Hospital ni Edzel which is wala naman sa plano niya. Usually, twice a week lang naman siya nagpupunta roon but he felt different now. Maybe because of that witch who cast spell to him. Damn! After that kiss last time hindi na nakatulog ng maayos si Danz, hindi niya na nga matapos tapos iyong isang poison na ginagawa niya. That witch! He didn't even know why he's acting like this.Nilingon niya ang tatlong cups ng coffee na binili niya kanina sa isang sikat na coffee shop. One for him, for his brother and for that witch. Dalawa dyan ang may love potion, ang sa kanya'y wala. Danz needs to get that witch out of his system because she's like a forbidden fruit, poisonous.
Nawala lang siya sa iniisip niya nang magring ang cellphone niya. Tumaas ang isang kilay ni Danz nang makita kung sino iyon.
He answered the call. “Jade.” Panimula niya. “How are you? Are you getting along with Hellion Davis Fame? I assumed he trusts you so much now.”
“Y-yeah...” Paos ang boses nito sa kabilang linya.
Tumango siya. “Good.” Niliko niya ang sasakyan. “Continie using your real identity para hindi siya maghinala. Slowly enter his life hanggang sa makuha mo na ang lahat gaya ng plano. Are you still on that sorority?”
“Yes, M1. C-can I talk to Lotus and Willow? Nasa b-bansa ba sila ngayon?”
He smirked. Alam niyang hindi tatawag ang babaeng ito sa kanya ng walang kailangan. “Ayosin mo muna ang trabaho mo, Jade. Kapag nagawa mo na, papalayain kita gaya ng gusto mo.”
“Danz... Kahit si L-Lotus lang ang makausap ko.”
Binaba na niya ang tawag. Hindi niya talaga maintindihan ang problema ng babaeng iyon, Lotus and Willow are enjoying their stay at his group. Tho, Willow is a pirate chic, kaya na nito ang sarili nito. Lotus too, itong si Jade lang talaga ang madaling sakalin dahil nagpapasakal naman. She valued her friend so much that her own. Tss... Pitiful.
But it's alright, at least may tao siyang nakabantay kay Hellion. Mukhang magagawa naman ni Jade na patayin ito sooner or later.
Pinark ni Danz ang sasakyan niya sa parking. As usual, marami na namang tao sa tapat ng Hospital. Hindi talaga siya makapaniwala na may mga taong nag aaksaya ng oras para makita ang iniidolo nila. Damn where's the logic? Pare-pareho lang naman tayong tao, hindi niya maintindihan kung bakit kailangang may tingalain pa.
Naiiling siyang pumasok sa loob bitbit ang kapeng binili niya. Binati siya ng gwardya at ng mga nurses na nakasalubong niya habang naglalakad siya papuntang office.
“Good morning Doc.” Bati noong isang Dra. sa OB yata ang babaeng iyon.
Tinanguan niya lang at dumiretso na ng lakad. Sumakay siya sa elevator para daanan muna iyong surgery room, doon yata may next scene ang mangkukulam na iyon.
Isn't he the witch here because he made a love potion just to pissed off his brother. But he made it out of science hindi kung ano-anong pekeng damo lang dyan para maloko ang mga tao. He even calculate it perfectly, gumawa siya ng drogang may epekto sa puso at emosyon ng tao. Kung tutuosin, hindi love potion ang ginawa niya, droga.
Bumukas ang elevator, ang mga nurses na nakikiusisa roon ay nagkanya kanya ng makita siya. Tss. Sasabihan niya si Edzel na magbigay ng memo sa mga ito. Ilang pasyente kaya ang napapabayaan dahil sa ginagawa ng mga nurses dito.
“Good morning Doc...” Nahihiyang bati ng isa.
“Good morning po.” Nakayuko naman ang isa.
