Chapter 1

84.6K 743 11
                                    


WELCOME TO CATALINA.

Napangiti si Angela nang mabasa na niya ang landmark na nagsasabing pumapasok na siya sa Catalina—ang isa sa mauunlad na barangay ng Naujan, Mindoro.

Catalina was a wonderful place. Sa entrada pa lang ay pansin na pansin na ang mayayabong na puno ng acacia na nagsisilbing lilim sa kahabaan niyon. Paglagpas ng ilang kilometrong kalsada ay ang malalawak na bukirin sa kaliwa't kanan naman ang makikita. Pagkatapos ay ang pinakasentro na mismo ng Catalina ang makikita. "Centro" ang tawag nila roon. Matatagpuan doon ang mga tindahan tulad ng hardwares, shops, bakeshops, at grocery stores. Naroon din ang plaza, eskuwelahan, simbahan, at marami pang ibang establisimyento na palatandaan ng kaunlaran ng Catalina.

"I'm home!" hindi napigilang bulalas ni Angela. Kagagaling lamang kasi niya sa San Francisco, USA kung saan siya nag-aral ng Medisina at nagpakadalubhasa sa pediatrics. Kaga-graduate lang niya nang nakaraang buwan. Agad siyang umuwi sa Catalina dahil doon siya nagpatayo ng clinic na ngayon ay tapos na. Kaunting ayos na lang sa mga kagamitang naroon at pasisinayahan na iyon para buksan at maging operational.

Hindi niya inasam na magtrabaho sa malalaking ospital dahil kontento na siya sa Catalina. Hindi lang siya nakatanggi sa mama niya noong pilitin siya nitong sa San Francisco mag-aral. Kung siya kasi ang masusunod ay sa Naujan na lang sana siya nagkolehiyo. Pero wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa mama niya. Kunsabagay, tuwing semestral break naman ay nakakauwi rin siya ng Catalina.

"Welcome home, sweetie," natatawang wika ng guwapo niyang pinsan-slash-driver na si Charlie. Pinatay nito ang air-conditioner ng Honda Civic at binuksan ang mga bintana ng sasakyan.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at marahang sinamyo ang pamilyar na sariwang hangin ng Catalina. Ilang ulit na huminga siya nang malalim at pinuno ang kanyang baga ng amoy ng malamig na simoy ng hangin na sinasamahan ng amoy ng mga bagong aning palay.

This is home...

Lumampas na ang sinasakyan niyang kotse sa Centro at lalo siyang na-excite dahil natatanaw na niya ang mataas na burol sa unahan nila. Kung hindi taga-Catalina ang napapadpad doon ay aakalaing dead end o katapusan na ng Catalina ang burol. Iyon din ang nagsisilbing boundary ng maunlad na Centro at ng Hacienda Catalina. Ang hacienda ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Sa ibang bansa nakabase ang karamihan sa kanilang pamilya, ang iba naman ay nasa Maynila. Sila lang ng mama niya ang nakatira sa malaking villa na nakatayo sa gitna ng hacienda. Habang ang mga pinsan niya na nais takasan ang kaguluhan ng Kamaynilaan ay may kanya-kanyang cabin sa loob ng hacienda.

Ilang saglit pa ay narating na nila ang paanan ng burol. Excited na bumaba si Angela mula sa sasakyan. Hanggang doon na lamang ang kotse dahil hindi na iyon papayagan sa loob ng hacienda. She didn't know who made that rule. Nakagisnan na lang nilang magpipinsan na tanging kabayo lamang ang gagamiting sasakyan sa loob ng hacienda maliban na lamang kung may emergency at kung naroroon ang matatanda nilang kamag-anak. So far, the unwritten rule never failed to excite them.

Agad lumapit sa kanila ang isa sa mga guwardiyang naka-duty sa guardhouse. Ibinigay rito ni Charlie ang susi ng sasakyan para maayos na mai-park iyon. Pagkatapos ay tinungo na nila ang kuwadra na naroon din malapit sa gate at kinuha ang kanya-kanyang kabayo.

"Race?" nakangiting tanong nito pero naghahamon ang mga mata. Sa isang iglap lamang ay matikas na itong nakaupo sa ibabaw ng stallion nito.

"What's at stake?" balik-tanong niya. Madalas silang magkarera tuwing naroon sila sa hacienda. Sumakay na rin siya sa kabayo niya at hinawakan nang mahigpit ang renda.

"Hmm, well, kapag natalo kita, tatambay ka muna sa restaurant ko sa Maynila."

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Tatambay? Ibig mong sabihin, aalilain mo muna ako ro'n at pagsusuotin mo 'ko ng waitress uniform? I'm a doctor now, Charlie. Don't forget that!"

Humalakhak ito. "Yes. Kapag ako naman ang tinalo mo, well, puwede mo 'kong gawing temporary assistant mo sa clinic mo sa Centro."

"And what do you know about babies?" nakaingos na tanong niya rito.

"My dearest cousin, you'll be surprised to find that the kitchen is not my only favorite place. Well, why don't you beat me to see what I'm talking about?"

"Call! Sa villa ang finishing line, ha?" She smiled cunningly and then without warning, she urged her stallion into a gallop by pulling the reigns hard. "Hiya!"

"Cheater!" hiyaw ni Charlie bago nito patakbuhin nang mabilis ang kabayo. Nilingon niya ito. There was no way he could beat her. Masyadong malayo ang distansiya nila sa isa't isa at hindi siya nagkukulang sa pagpa-practice sa pagsakay sa kabayo kahit noong nasa San Francisco siya. Nang makaakyat na sa burol ang kabayo niya ay pinahinto na niya iyon at saka siya bumaba mula roon. Si Charlie naman ay nasa likuran na niya. Following suit, he made his stallion stop and then fondly stared at her.

Ah, hinding-hindi niya mapapalampas na hindi tingnan ang kabuuan ng hacienda mula sa tuktok ng burol. It was very familiar scenery yet it left her in awe every time she looked at it. Mula roon ay kitang-kita niya ang maringal na grand villa na nakatayo sa pinakagitna ng hacienda. Tanaw rin mula roon ang mga log cabin ng kanyang mga pinsan. Pagkatapos ay pulos greeneries na ang makikita tulad ng nagtatayugang mga puno, fruit farms, at vegetation. There was also an airstrip. Sa dulo ng hacienda ay naroon ang dalampasigang karugtong ng West Philippine Sea na tila mina ng diyamante ang pagkislap ng sinag ng araw sa tubig niyon.

"I love it here, Charlie. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako naengganyo ng modernong pamumuhay sa Amerika. Kahit sa Maynila, I don't see myself living there. When I think of home, Catalina is the only place that pops into my head."

Inakbayan siya nito. "You belong here, Ate Angela. This is your home."

Ilang sandali pa niyang pinagsawa ang mga mata sa tanawing iyon bago niya niyaya ang pinsan na umuwi. "Tara na. Knowing Mama, baka ipasundo pa tayo n'on dito sa burol. Alam mo naman 'yon, lahat ng pumapasok sa hacienda ay naka-report agad sa kanya. Kaya hindi puwede sa kanya ang mga surprise-surprise."

Charlie laughed. "Yeah, right!"

A Home In His Arms COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon