One year later
ANGELA began to panic but she tried hard to keep calm. Napag-aralan na niya ang ganitong pagkakataon sa swimming lessons niya. Ang sabi ng swimming instructor niya, dapat daw ay manatiling kalmado para makapag-isip nang maayos. The water was so cold at sumisigid na iyon sa mga buto niya. Idagdag pa ang lamig na dala ng hanging-dagat.
Kampay pa, Angela. Kampay... Pero hindi na kaya ng mga binti niya, namimitig na iyon. Masakit na at hindi na niya kaya pang kumampay. Gayunman, lumalaban pa rin siya at ginagawa ang lahat para hindi siya tuluyang lamunin ng kanyang takot.
Nanlaki ang mga mata niya nang mula sa ilalim ng dagat ay may mga kamay na humawak sa binti niya. Pilit siyang hinihila niyon pailalim sa tubig. Nagkakawag siya ngunit malakas ang kung sino mang humahatak sa kanya, nagawa siya nitong mapailalim sa tubig. Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang malademonyong pagkakangisi ng lalaking humatak sa kanya. Iisa ang ipinahihiwatig ng nag-aapoy na mga mata nito. He was going to kill her. She was at the bottom of the sea, fighting for her life. She tried so hard to push him away, pero hindi niya ito kaya. Sanay siyang huminga nang ilang minuto sa ilalim ng dagat at naituro na rin sa kanya ng swimming instructor niya ang technique kung paano pababagalin ang tibok ng puso niya nang sa gayon ay tumagal siya sa ilalim ng dagat. Pero sa pagkakataong iyon ay tila nauubusan na siya ng hangin. Puputok na ang mga baga niya at naghuhumiyaw na iyon sa paghingi ng hangin. She needed to get to the surface to breathe some air or her body would shut down in an instant.
Pero tila hindi papayag ang lalaki na makaalis siya mula sa pagkakahawak nito. To her horror, he put his hands on her neck and squeezed tight. Sa sobrang higpit ay wala siyang nagawa kundi ibuka ang kanyang bibig para makahinga. Agad na pumasok ang tubig sa kanyang bibig. Patuloy sa paghigpit ang mga palad ng lalaki sa leeg niya. Pakiramdam niya ay humihina na ang katawan niya. Hanggang sa unti-unti nang nagdilim ang lahat sa kanya. The next thing she knew, her body was floating above the vast sea. She was dead.
"No!" Malakas na tili ang lumabas sa lalamunan ni Angela bago humihingal na bumangon. Naramdaman niyang basang-basa siya ng pawis at nananayo ang lahat ng balahibo niya. Habol ang hiningang bumaba siya ng kama at kumuha ng isang basong tubig sa refrigerator na naroon mismo sa silid niya.
Dinalaw na naman siya ng panaginip na iyon. Hindi pala panaginip kundi bangungot, ang bangungot na binubulabog ang tulog niya. It was a nightmare that always haunted her dreams and then lingered in her mind when she woke up.
What was happening to her? Bakit nakikita niya sa bangungot na iyon ang isang batang Angela na lumulutang sa dagat at walang buhay? Kitang-kita niya na siya ang naroon ngunit kailanman ay hindi niya nakita ang mukha ng lalaking nais siyang patayin at hindi niya iyon maintindihan. Bakit iisa ang bersiyon ng bangungot na iyon? Natatandaan niya na nagsimula siyang guluhin ng bangungot na iyon mula nang umuwi siya sa Pilipinas nang makatapos siya ng pag-aaral sa San Francisco at mag-iisang taon na iyon. Kung gayon, isang taon na rin siyang hindi pinatatahimik ng bangungot niya. Hindi kaya may nais ipahiwatig sa kanya ang bangungot na iyon?
Napapikit siya bago niyakap ang mga tuhod at pilit binubura sa kanyang isip ang bangungot. Gayunman, duda siya kung magagawa niyang burahin ang bagay na iyon. Mayamaya pa ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid. Kahit hindi siya dumilat ay alam niya kung sino iyon.
"Angela!" anang humahangos na kanyang ina. Dumilat siya at agad na yumakap dito. Muli siyang napapikit nang maramdaman niya ang ginhawang hatid ng paghagod nito sa kanyang likod. Tila pinapawi ng mainit na palad nito ang kanyang mga takot. Ah, mabuti na lang at naririto ito ngayon sa tabi niya.
Anna was the best mother in the whole world. Bata pa lamang siya nang mamatay ang papa niya at halos hindi na niya matandaan kung ano ang hitsura nito kung hindi lamang sa tulong ng mga photo album sa villa. Gayunman, lumaki man siyang walang kinikilalang ama, hindi naman nagkulang ang mama niya sa pagpapalaki sa kanya. She was loved, and she couldn't ask for more.
Bumitaw ito at pinunasan ang mukha niyang basang-basa ng pawis. "What's happening to you, Angela? Ilang beses ko nang napapansin ang paggising mo sa kalaliman ng gabi. Hinihintay lang kita na kusang magkuwento sa akin pero heto ngayon at binabagabag ka na naman ng kung anong bagay na 'yan. Tell me, what is it?" wika nito na hindi maitago ang pag-aalala.
Ikinagulat niya ang bagay na iyon. Kung gayon pala ay alam ng mama niya ang tungkol sa mga bangungot niya. Ang akala niya ay maayos niyang naitatago iyon. Marahil ay naririnig nito ang mga pag-ungol niya sa gabi kapag binabangungot na siya.
"Tell me, hija, ano ang gumugulo sa 'yo?"
"M-Mama, I've been having nightmares for almost a year now and I do not understand why..." hysterical na wika ni Angela sa ina. Muling bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata nang maalala niya ang bangungot na iyon kung saan ay kitang-kita niya ang paglutang ng katawan niya sa malawak na karagatan. Muling nanayo ang mga balahibo niya.
Palagi na lang siyang hinahabol ng multong iyon sa panaginip niya at hindi talaga niya malaman kung bakit. Hindi niya mahanapan ng sagot kung bakit patuloy na ginugulo siya ng mga iyon sa panaginip niya. Panaginip na palaging gumigising sa kanya sa kalaliman ng gabi at sa tuwina ay hindi na uli siya nakakatulog.
"A-anong klaseng bangungot iyon, hija?"
"Ang batang Angela— Sa panaginip ko, naroon siya at nakikipaglaban para sa buhay niya. May malaking lalaki, Mama. H-he's trying to kill me!" Pakiramdam niya ay kahapon lamang nangyari ang bagay na iyon. Her body was still trembling.
Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pamumutla ng kanyang ina at ang pagtutop nito sa bibig nito na tila nais pigilin ang pakabigla. Nanlaki rin ang mga mata nito. Sa pagtataka niya ay biglang nag-iwas ng tingin sa kanya ang kanyang ina, pagkatapos ay tumitig sa kawalan.
"'M-Ma."
"H-huh?"
"Are you okay, 'Ma?"
"Y-yes, I'm fine. Ano ang eksaktong napapanaginipan mo, hija?"
Pumikit siya. Nang muli niyang makita sa kanyang isip ang mga eksenang palaging gumugulo sa kanya ay sinabi niya iyon dito. Ikinuwento niya rito lahat ng detalye sa panaginip niya, lahat-lahat maging ang kanyang pagkamatay sa huling bahagi niyon.
Her mother stared at her then spoke in a very low voice. "It's time."
Napakunot-noo siya. "T-time? Time for what, 'Ma?" naguguluhang tanong niya. Suddenly, her mind shifted from her nightmare to her mother's ashen face. Bakit nagkaganoon ito pagkatapos nitong marinig ang detalye ng panaginip niya? May alam ba ito sa bagay na iyon?
Bumuntong-hininga ito bago tumayo at tinungo ang pinto. Lumingon muna ito sa kanya bago tuluyang lumabas.
"Freshen up, Angela. Meet me at the library. I have something to tell you. This could change your life—and mine," anito, saka tuluyang lumabas ng kanyang kuwarto.
Naguguluhang hinabol na lang niya ng tingin ang kanyang ina. Ilang sandali muna niyang pinayapa ang kanyang paghinga bago siya bumaba ng kama. She took a quick shower and put on some comfortable clothes. Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng pinto ng library.
%��
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms COMPLETED (Published by PHR)
Любовные романыA Home In His Arms By Aya Myers