Chapter 32

16.7K 272 2
                                    


I KNOW him, I know him... paulit-ulit na sabi ni Angela sa isip niya. Isa-isang nagsilitawan sa isip niya ang madidilim na bahagi ng kanyang nakaraan. Para iyong mga kislap ng liwanag na sumusulpot sa isip niya at pagkatapos ay agad ding mawawala.

Lalong sumakit ang ulo niya sa mga tila kidlat na liwanag na dumadagsa at agad ding nawawala. It frightened her, yet she took another glance at the picture on the floor. Hanggang sa sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya.

"No!" she cried out loud nang tuluyang manariwa sa kanyang isip ang alaala ng nakaraan. Ang ama ni Marko ay bahagi ng kanyang nakaraan!

Marahas na pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga pisngi bago nagmamadaling nagbihis. Kailangan niyang makaalis agad sa pamamahay na iyon.

"Oh, God! No... No!" desperadong bulalas niya habang walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha. Lumabas siya ng silid at nagtatakbo na siya palabas ng bahay. Kailangan niyang makaalis agad bago pa dumating si Marko. She didn't want to see him now.

Nakalabas siya ng bahay at dahil exclusive subdivision iyon ay tiyak niyang mahihirapan siyang makahanap ng sasakyan kaya tumakbo na lang siya nang tumakbo, na para bang hinahabol siya ng mga multo.

Hindi pa siya nakakalayo nang mapansin niyang masasalubong niya ang sasakyan ni Marko. Nanigas siya, lalo na nang tumigil ito ilang dipa ang layo sa kinatatayuan niya. Agad na nakababa ito ng sasakyan. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkalito at pag-aalala.

"Angela! Honey, what's happening? Bakit ka umi—"

She turned before he could finish his sentence. Mabilis siyang tumakbo papalayo rito. Oh, God! Bakit?

"Angela!" sigaw ni Marko.

Nang lingunin niya ito ay nakita niyang hinahabol siya nito. Pero ibang mukha ang nakikita niya rito. Ang mukha ng ama nito ang nakikita niyang humahabol sa kanya. Katulad noon, lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Kailangan niyang makatakas. Pakiramdam niya ay kusang tumatakbo ang mga paa niya at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga iyon. Basta ang alam lang niya ay kailangan niyang makatakas mula rito.

"Angela, watch out!" Marko cried out in fear.

Bago pa niya maintindihan ang lahat ay namalayan na lang niyang tumatawid na siya sa kalsada at sinasalubong na niya ang isang rumaragasang sasakyan. She froze. Bigla na lang nanigas ang katawan niya at hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Masasagasaan siya pero namamanhid ang utak niya at hindi siya makagawa ng desisyon. Pumikit siya. Inaasahan niya ang sakit ng pagbangga ng matigas na bagay sa kanyang katawan. Pero bago pa niya iyon maramdaman, nagdilim na nang tuluyan ang kanyang paligid.

DAHAN-DAHANG dumilat si Angela. Nasa'n ako? Iginala niya ang kanyang paningin. Pulos puti ang nakikita niya at nangangamoy-gamot ang lugar na iyon. What happened? Bakit nasa ospital ako? tanong niya sa sarili nang mapagtantong nasa ospital siya.

She closed her eyes and tried to remember what happened to her. Sa isang iglap lamang ay bumalik na sa kanya ang lahat. Agad na bumukal ang mga luha niya nang tuluyang luminaw sa kanya ang dahilan ng lahat ng iyon.

Kilala niya ang ama ni Marko. Ito ang lalaki sa bangungot niya. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Nagkaroon na ng linaw ang mga bangungot na iyon...

"Yaya Mina, can you fix my doll, please? It's broken," anang siyam na taong gulang na si Angela. Sa likod ng inosenteng ngiti niya ay nagtatago ang isang kapilyahan—isang kalokohang nais niyang gawin sa kanyang yaya.

A Home In His Arms COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon