Chapter 11

23.1K 352 22
                                    

HINDI malaman ni Angela kung ano ang mas bibigyan ng atensiyon—ang kumakabog na dibdib o ang amusement para sa lalaki na nasa tabi niya. Kaya pala tila hindi siya mapalagay kanina at parang may bumubulong sa kanya na tumingin siya sa salamin ng jeep. Iyon pala ay makikita na naman niya ang lalaking ito. Tulad sa mga naunang pagkikita nila, sumikdo na naman ang kaba sa kaibuturan ng puso niya. Hanggang sa mamangha na lang siya nang sumakay din ito roon at umupo pa sa mismong tabi niya. Muntikan pa nga siyang mapasinghap nang bigla na lang sumikip doon dahil tila sinakop na ng binata ang buong unahan ng sasakyan. Gayunman, duda siya kung naitago niya ang kanyang pagngiti. Hindi niya maintindihan kung bakit pumorma na lang ang ngiting iyon sa kanyang mga labi na tila ba napakasaya niya. Was she happy because she had seen him again?

Naitanong din niya sa sarili kung ano ang ginagawa ng lalaking ito sa jeep gayong sa pagkakatanda niya ay naka-Toyota Vios pa ito nang huling beses niya itong makita. Kung kanina ay nasa kanya lang ang paningin ng mga pasahero, ngayon ay nahahati na iyon sa kanilang dalawa ng katabi niya. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin sa lalaking ito. Kahit simple lang ang suot nitong puting T-shirt, hindi naitago niyon ang kakisigan nito. His hair was perfectly neat pero ang mas nakakatawag ng pansin ay ang asul na mga mata nito. Malaki rin ang kaha ng katawan nito. He looked like a foreigner, or maybe he really was.

Sinubukan niyang hindi ito pansinin. But then, how could she ignore him if his presence screamed for attention? Lalo na nang maamoy niya ang suwabeng pabango nito. Dumako ang paningin niya sa mga labi nito. Funny but she finds it so sexy. Manipis ang mga labi nito na tila kay sarap hagkan. Sigurado siya na natural ang pamumula niyon. His nose was high-bridged and proud. Perpekto yata ang tangos ng ilong nito. He was really handsome! konklusyon niya sa kanyang isip. Sanay naman na ang mga mata niya na makakita ng mga guwapong lalaki sa ibang bansa pero tila nahihipnotismo siyang tingnan ang lalaking ito. Such a handsome man with expressive blue eyes.

Isinuot niya ang kanyang dark shades. Mahirap na, baka mahuli pa siya nito na kanina pa niya ito palihim na tinitingnan.

"Hi."

Sumikdo ang kanyang puso nang marinig niya itong magsalita. Baritono ang boses nito at parang gustong manindig ng mga balahibo niya sa lamig na dulot niyon.

Ugali na niyang hindi pansinin ang mga estrangherong lalaki pero hindi yata niya kayang huwag pansinin ang guwapong katabi niya, so she smiled back. "H-hello."

Napansin niyang lalo yatang nangislap ang mga mata nito sa kasiyahan. He grew even more handsome. She could see an enormous blue sea in his eyes, a blue sea that glistened in the shining sun.

Jesus! He's dangerously handsome! She tried to look away, but failed. He turned his head, akala niya ay manunungaw lang ito sa harap ng jeep pero nanindig na lang ang balahibo niya nang lumapit ang mukha nito sa mukha niya at saka mahinang nagsalita.

"Remember me? We meet again, for the seventh time, right?" bulong nito sa tapat ng tainga niya. Naramdaman din niya nang samyuhin nito ang buhok niya.

Hindi niya alam kung ano ang mas nangibabaw sa reaksiyon niya: ang pagkagulat sa kapangahasan nito o ang pagkagulat sa sinabi nito. Kung ganoon pala ay natatandaan nito ang pagkikita nila nang hindi sinasadya. Gayunman, nagtataka siya kung bakit pitong beses ang sinabi nito gayong pangatlong beses pa lang naman nila iyong pagkikita.

"Yes. But this is only the third time," nakakunot ang noong pagtatama niya rito sa mahinang tinig. Sana lang ay hindi ganoon kalakas ang pakiramdam nito para maramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Why on earth that she was finding it so hard to breathe? Ah, sino nga ba naman ang hindi pangangapusan ng hininga sa lalaking ito na tila gusto nang ihimlay ang ulo sa balikat niya?

A Home In His Arms COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon