Chapter 36

15.4K 229 3
                                    

MARAHAS na pinahid ni Angela ang mga luhang namalisbis sa kanyang mga pisngi. Nasa hacienda na siya kasama ang daddy niya para ipakita rito ang kanyang kinalakihang lugar. Dumating na rin si Alexander, maging ang mga pinsan niya ay naroon din para damayan siya. Ang sabi ni Alexander ay rehistrado na raw ang marriage contract at wala na itong nagawa para hugutin pa ang papeles. She told him she wanted the best lawyer to handle her annulment case. Umoo ito pero ang sabi nito ay palipasin muna niya ang kanyang sama ng loob bago siya gumawa ng pinal na desisyon.

Hapon na at nasa villa na ang daddy niya kasama ang kanyang ina. Siya naman ay nasa burol sakay ng kanyang kabayo. She didn't know why she was there when there were so many memories left on that hill. Pakiramdam niya ay nakikita niya si Marko sa bawat sulok ng burol.

"Kung puwede lang na akuin ko na ang paghihirap ng loob mo, Angela."

Nang lumingon siya ay nakita niya si Brandon sakay ng stallion nito. Bumaba ito ng stallion, saka lumapit sa kanya.

"K-Kuya..." She bit her lip. Gusto na naman niyang umiyak. Tinatawag niyang kuya ang mga pinsan niya sa ganoong pagkakataon; kapag kailangan niya ng balikat na maiiyakan.

Naupo ito sa tabi niya bago isinandig ang ulo niya sa balikat nito.

"Labindalawang taong gulang ako nang dumating ka sa pamilya namin, Angela. Sa batang isip ko, kinagiliwan na kaagad kita. I even wished you were my sister. I don't know, pero nahiling ko rin noon na sana ay huwag nang bumalik ang alaala mo. I'm sorry about that," anito bago bumuntong-hininga.

Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya sa balikat nito. "Naging mabuti kayong lahat sa 'kin. Ni wala akong palatandaang nakita na hindi ko pala kayo tunay na mga pinsan."

"Everything happens for a reason, Angela."

Hindi siya sumagot. Ipinagpatuloy lang niya ang mahinang pag-iyak sa balikat nito.

"What are your plans now? I mean, your plans with Marko." Biglang tumigas ang anyo nito. "Sinabi ko noon na sa akin mananagot si Marko sa sandaling saktan ka niya at—"

"No!" agad na pagtutol niya sa sasabihin pa nito. "Please, Kuya, huwag kayong makikialam dito. D-do not h-hurt him." Napapikit siya sa huling sinabi niya. Tila nag-aalala pa rin siya para dito.

Bumuntong-hininga si Brandon. "Ang totoo, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. You were hurting pero hindi 'yon kagustuhan ni Marko. Open your eyes, Angela. Marko was just a victim. No, I'm not taking sides here. Gusto ko lang na huwag kang magpapadalos-dalos sa mga desisyon mo, okay?"

"H-hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko, Kuya. Parang gusto ko lang munang takasan ang realidad."

"Umuwi ka muna sa San Francisco, kung gusto mo. Isama mo rin si Tito Roman para naman makilala niya sina Mama. Pansamantala lang naman. Eventually, you have to go back here and face all of this."

"A-ayokong lumabas ng bansa, Kuya. Kahit nasa'n pa 'ko, siguradong hindi rin ako matatahimik. Bukas, babalik na rin kami ni Daddy sa Cavite."

"Ikaw ang masusunod, Angela. Mahal mo pa rin siya, 'di ba?"

Muling humugot ng malalim na hininga si Brandon nang hindi niya ito sagutin. "Give yourself some time. Pero ang masasabi ko lang, lahat ng katanungan sa isip mo, ikaw rin ang makakasagot. Try asking your heart, princess, and not just your mind."

Tumango siya. Ilang sandali pa ay inaya na siya nitong bumalik sa villa. Sumama na rin siya dahil baka mag-alala na ang daddy niya. Bukas ay babalik na sila sa Cavite.

h7qw]�

A Home In His Arms COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon