Chapter 1

18 1 0
                                    


Krypton's PoV

Andito kami ngayon ng mga magulang ko tsaka si kuya sa park, alam mo na, bonding, minsan lang kasi kami magkasama sama ng ganito kaya pinaghandaan talaga. My dad is a busy person, kaya minsan nagtatampo ako kasi mas inuuna pa yung trabaho kesa sa amin, lubos na nagpapasalamat ako sa katrabaho ni dad, ang kwento kasi sa amin ni dad ay dapat magbebenta pa siya ng mga lupain at mga bahay ngayon, madami na kasing kumukuha kay dad, magaling makipag usap, nakaka gana, kaya sobrang busy. Pinagpahinga muna daw siya ng katrabaho nya dahil mataas naman yung tungkulin nung katrabaho niya na yon at ibaling muna daw yung atensyon sa amin.

"Ang anak ko, mukhang malalim ang iniisip ah." sabi ni dad.

"Hahaha opo, dad, how did your co worker knew that you don't have time for us? best friend po ba kayo ganon?" tanong ko, ang chismoso ko din eh.

"Actually I don't know. Nagulat nalang ako sinabi niya yon, he's acting very strange." ohhh, mas chismoso pala yung co worker ni dad kesa sakin.

"Dad, what if...we go to the Disneyland?! right Krypt?! magiging masaya yon!" pagiibang topic ni kuya.

"I don't like Disneyland, for childish person." I said.

"Saan nyo ba gusto? Dad nyo na ang bahala." singit naman ni mom.

"Saan nyo ba gusto? Para kahit papaano ay makabawi ako at mapasaya ko kayo." awww mata touch ba ako dad?

"Just to be with my parents and my brother makes me happy, that's enough for me." sabi ko, pero totoo naman, yun lang talaga ang magpapasaya sa akin, ang makasama sila sa araw araw, yung walang sagabal sa buhay.

"AWWWWWW! BABY KRYPT!" pang aasar ni kuya tsaka kinurot ako.

"HOY STOP IT! IT HURTS!" sigaw ko, sakit mangurot! PARANG MAY NGIPIN SA DALIRI BWISET.

"SHHHH.." sabay na sabi ni dad at mom, ayiyiyiyiyieeeee!

"SIYA KASI EH!" sabay na sabi namin ni kuya kyler, kaya naman bumalot sa amin ang tawanan, sana ganto nalang palagi, sana hindi matapos yung mga oras na to.

May umagaw ng atensyon ko kaya naman natulala ako, may tao kasi doon sa malaking puno sa malayo, kung hindi ako nagkakamali ay babae yon, nakita kong medyo lumalapit siya papalapit sa isang puno, para bang kanina pa nya ako iniintay na humarap sa kanya. Nakangiti lang siya, para bang yung mga ngiting kaya kang patayin, binalot ako ng takot sa mga oras na yon.

"Baby krypt are you ok?" tanong ni mom.

"Yes mom, I'm fine. teka lang po." pagpapaalam ko, gusto kong kausapin yung babae kanina.

Binaling kong muli yung atensyon sa mga puno at doon sa babae, medyo malapit na yung babae sa akin. Tatlong malalaking puno ang nakapagitan, talagang natatakot ako sa mga tingin at ngiti niya. Nagulat ako ng naglabas siya ng isang baril at itinutok kay dad, sh*t. Itinago niyang muli ang kanyang baril sa may pocket sa harapan ng hoodie niya at narinig ko pa ang mga tawa niya. BALIW BA SIYA? gigil.

"HEY!" sigaw ko sa babae, kinakabahan ako.

"Krypt, are you crazy? sino kausap mo? HAHAHA." di niya ba nakita yung babae? eh magkatabi lang naman kami.

"Huh? may babae doon kanina kuya! She have gun! She tried to kill dad!" halos mapaiyak na ako dahil sa takot.

"shhh krypt, wala yon ok? baka naiisip mo lang dahil kanina ka pa wala sa sarili. Wag mong takutin yung sarili mo, bumalik na tayo don." tsaka naglakad si kuya sa pabalik kila mom at dad.

Just A Game | BTS AU |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon