Someone's PoV
Flashback...
"Anong ginagawa mo?" tanong ng pagong na matanda sa amin.
"Wala kang pakialam." kaasar epal epal eh.
"Alam mo ang maaaring mangyari kapag umalis ka dito!" sabi nanaman niya.
"Ilang beses mo bang sasabihin yan ha?! Wala akong sapak sa utak para ulit ulitin mo!" ako'y nanggigigil sa matanda na 'to ah.
"Kapg umalis kayo, baka hindi na kayo makabalik pa!" isa nalang nako, isa nalang talaga.
"Hayaan niyo siya, gusto niya diba?" isa pa ito eh, bakit ba lagi silang nakikialam.
"M-ma'am, pasensya na po kayo." paumanhin niya sa bruha na yon.
"Naiintindihan kita, ginagawa mo lang naman ang tungkulin mo na pagbawalan na lumabas sa lugar na to." santo ba siya para sundin ng matanda na yon tong bruha na to?!
"Sino ka ba ha? Ano bang pakialam mo dito?!" patanong na sigaw ko.
Hinawakan niya ang braso ko at nilakasan niya nag pagkakahawak dito, "Hindi mo ko kilala?" tiningnan niya ako ng deretso sa mata.
"Hindi ba halata?! kaya nga nagtatanong ako eh, bitawan mo ko! nasasaktan ako!" kaasar.
"Masama na bang manigurado? sige, ipapakilala ko ang sarili ko." Tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin, at nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko.
......Siya.....nakita ko lahat....Iisa....
"Magpalakas ka muna kung gusto mong lumabas dito." sabi niya, lalabas na dapat siya ngunit pinigilan ko siya.
"GUSTO KO LANG NAMAN GUMANTI DAHIL--" hindi niya ako pinatapos magsalita.
"Alam ko, kaya ko na yon, kayang kaya ko, mahina ka pa, wala ka pa sa kalingkingan ko, kaya kong hanapin ang hustisya ng ako lang. Nang hindi humihingi ng tulong." bakit ang yabang niya, parehas lang kami ng ipinaglalaban.
"Iisa lang ang kagustuhan natin." sabi ko.
"Sa tingin mo ay may pake ako?" iniwan niya lang kami ng matanda na nakatingin sa kanya habang siya ay papaalis.
Ang yabang niya..
Minamaliit niya ba ako?
Gusto ko siyang sampalin ng dos por dos.
May ibubuga pa ko, kakayanin ko, ipaparamdam ko sa kanya na kaya ko. Ako mismo ang gagawa, uunahan ko siya.
End of flashback..
"Bawal kayong pumatay! paano kung mahuli kayo ng mga pulis?!" tanong ng kasama ko.
"Hindi ko sila papatayin, appetizer palang yan." sagot ko.
"Appetizer? Kung ganon ay hahantong parin sa pagpatay yan! Alam mong batas din sa atin ang pumatay ng tao sa mundo nila!" daldal niya ha.
"Sa tingin mo papatayin ko sila dito? Syempre hindi, gusto kong may magtanim, may bumili, may maglinis, may magsaing, at ako ang kakain." sagot na hindi niya naintindihan.
"Ano ang ibig niyong sabihin?" sabi na nga ba di niya naintindihan eh.
"Iba ang kikilos, iba ang magpapunta sa lugar natin, at ako ang papatay sa kanila." mukhang nalinawan naman na siya.
BINABASA MO ANG
Just A Game | BTS AU |
Fanfiction"this is a game, you may hurt, you might be hurt." "Don't make human as your world, world is world, human is human." "I don't know what I am." "Hurt me with a truth, but never comfort me with a lie." Katagang nagpasakit sa akin ng lubusan, Kahit ang...