Proust Joseph's PoV
Kumakain ako sa canteen ngayon, dalawang magkasunod yung activity period namin ngayon eh, tapos wala pa yung teacher namin pagkatapos ng dalawang activity period kaya eto ako ngayon, nakatanga lang.
Aayain ko sana si Kyleng kaso may klase siya, section A siya, section C ako, diba! HAHAHA, mas mababa, mas magagaling.
Kaunti lang ang mga studyante ngayon, kami lang kasi walang klase eh.
"Proust!" sigaw ng babae kong ka klase.
asdfghjkl, crush ko yun eh. Dapak.
Hihihi nikikilig akue.
"O-oy." nahihiyang sagot ko naman dito.
Tumabi siya sa akin, dala yung mga iilang libro at isa nyang notebook.
"Alam mo ba yung formula at solution dun sa Chemistry natin ngayon?" wow. sakin. siya. nagtanong. nyan. ha.
WALA NGA AKONG ALAM DUN EH! PASADYA BA TO?!
"N-nako pasensya ka na, nakalimutan ko na kasi eh." palusot ko naman dito.
"Ah ganoon ba, sige salamat." ngumiti siya sa akin bago niya bitawan ang mga salita na iyon.
Habang siya ay paalis, nakita ko sa malayo na may nahulog na papel mula sa kanyang libro.
Tatawagin ko na sana siya kaso,
"Proust!" sigaw nung schoolmate ko.
"Hmm?" sagot ko.
May dala itong tubig, malaking bag, at iba pa, nakasuot pa ito ng head band.
"Pwede pa bang sumali sa Dance Club niyo?" tanong nito.
Gusto ko ng tumawa ng malakas dahil sa itsura nito, para bang susugod sa laban.
"A-ah oo pwede pa, kay Sir Martin ka nalang lumapit." tumalikod agad ako tsaka tumawa.
Mukha akong tanga, tawa ng tawa.
Nung pagkabaling ko ay wala na si crush, pero natanaw ko pa rin yung papel na nahulog mula sa kanyang libro kaya tumakbo ako palapit doon.
Ganto yan eh, sa mga storya na nababasa ko, may nahulog na mga papel tapos doon nakalagay yung mga secret niya, tapos yung secret niya ay gusto din pala ni babae yung lalaki tapos kakausapin ni lalaki si babae dahil nabasa niya yung papel na nahulog, symepre mahihiya si babae, pero kinilig si lalaki, kaya naging sila.
Lagi namang ganon sa mga story eh, korny.
Pero sana ganon din mangyari sa akin hihi, para crush din ako ni crush.
Nung malapit na ako ay napansin ko yung papel,
katulad ng mga binibigay niya..
Kulay pula at sobrang bango ng amoy, nakaka akit talaga ito.
Hmm, bakit napunta doon sa mga gamit ni crush yon?
Pinulot ko naman agad iyon at binuklat,
Inaasahan kong sa akin talaga iyon dahil kami lang ang pakay niya, pero alam kaya ni crush may nakaipit na ganto sa mga gamit niya?Binuksan ko ito,
Look left, because you're always right.
What? wasted ba si 251521? humuhugot eh.
Ginawa ko naman ang nakasaan doon, tumingin ako sa kaliwa.
Doon ako nagpa practice palagi kaya naman pumasok ako doon.
Gumagawa talaga ako ng ikapapahamak ko eh.
BINABASA MO ANG
Just A Game | BTS AU |
Fanfiction"this is a game, you may hurt, you might be hurt." "Don't make human as your world, world is world, human is human." "I don't know what I am." "Hurt me with a truth, but never comfort me with a lie." Katagang nagpasakit sa akin ng lubusan, Kahit ang...