Macro Tyron's PoV
Kasama ko ngayon si Johann na namimili ng mga iluluto niya mamaya.
Nakakapagtaka dahil hindi man lang niya ako kinakausap o iniimik, basta ang sabi lang niya kanina sumama ako sa kanya dahil mamimili siya.
"Hindi mo talaga ako kakausapin?" tanong ko dito.
Hindi nanaman niya ako pinansin, nakatuon lang siya sa pamimili.
"Nagmumukha na akong eng eng kakasalita tapos snob mo lang ako." pagrereklamo ko dito.
"Busy akong namimili kaya pwede ba manahimik ka lang muna." wow.
Minsan lang maging masungit si Johann, may mentration ba yon? o mentrable? basta yung nilalabasan ng dugo.
"Papasama tapos magsusungit." bulong ko na maririnig niya.
"Pwede ka namang humindi eh, hindi kita pinipilit." pagsusungit niyang muli.
Hayst, dapat pala naglaro nalang ako sa bahay eh, kung hindi lang ako natatakot magisa sana di nalang ako sumama.
Binuksan ko nalang yung cellphone ko, baka sakaling nagke kwentuhan yung anim, makikisali nalang ako, palaging maingay doon pero ngayon ay napaka tahimik.
Macro Tyron: Helllllo!!
Wala man lang online, eh lagi ngang mga naka online yung mga yon, kakaiba ha. Nung nilock ko na yung phone ko ay biglang may nagchat sa akin.
Krypton Jhon: dude, hindi pa sila nagoonline o nagcha chat.
Macro Tyron: oo nga eh.
Krypton Jhon: feeling ko may kakaibang mangyayari eh, feeling ko eto na yon.
Macro Tyron: baka feeling mo lang yon :\ tapos siya wala paring feelings sayo, saklap ;(
Krypton Jhon: Ikaw pa talaga yung online no? walang kwentang kausap.At biglang nagoffline. Same province lang kami ni Krypton, mga 30 minutes lang yung byahe papunta sa kanila. Nagkita na kami pero isang beses palang.
Hinanap naman ng mata ko si Han dahil nalingat na ako sa phone.
Ang napansin ko lang ay babae..
Itong mga nakaraang araw ay lagi nalang akong may nakikitang babae na palaging nakatingin sa akin na para bang minamanmanan ako.
..Siya din yung babaeng palagi ko ng nakikita, pero hindi ko nalang pinapansin, ayokong kainin ako ng takot ko.
Pero malaki ang posibilidad na siya si alien :P
Nakita ko naman na si Han na nakapila na pala upang bayaran ang mga napamili, tumakbo ako palapit sa kanya, kinakausap ko nanaman siya at dinadaldal pero tango lang ang sinasagot nito.
Nang matapos na niyang bayaran ang lahat at naglakad na kami palabas ng grocery store papuntang parking lot, dahil yaya niya ako, ako lahat ang may dala.
It's already 2pm, matagal tagal din pala kaming namili.
Inilagay ko na yung mga pinamili sa compartment ng kotse na dala namin, nakita kong may ordinaryong papel dito, may nakasulat na "Here we go :)"
Mapapakanta ka nalang ng What do you mean eh.
"Bilisan mong kumilos!" sigaw ni Han, kaya naman pumasok agad ako sa kotse.
Habang nagmamaneho si Han ay binging bingi na ako sa katahimikan.
"May babaeng lumapit sa akin, tinutukan niya ako ng patalim." banggit nito habang nakatingin lang sa dinadaanan namin.
"Ha?" nakakapagtakang tanong ko.
"Tinutukan niya ako ng patalim." sabi niya ulit sa akin.
BINABASA MO ANG
Just A Game | BTS AU |
Fanfiction"this is a game, you may hurt, you might be hurt." "Don't make human as your world, world is world, human is human." "I don't know what I am." "Hurt me with a truth, but never comfort me with a lie." Katagang nagpasakit sa akin ng lubusan, Kahit ang...