Macro Tyron's PoV
Nagbabasa ako ng mga kwento nila sa gc, t*ngna mas creepy pa sa mga nababasa ko sa Files ganon ganon sa facebook.
Wala namang nangyayari saking masama HAHAHA, nagpapadala lang ng sulat, pake ko ba don? sayang oras, magco computer nalang ako -_-
"BUMABA KA NA DYAN TYRON! Kanina ka pa naglalaro! Hindi ka ba nagsasawa eh paulit ulit lang naman yan.." sigaw ng pinsan ko.
"SHHHH, Shut up, I'm busy, leave me alone." pagsisinghal ko dito.
"Hoy hindi ka pa kumakain! mag aalas dyis na oh! ni hindi ka nga nag tanghalian eh!" sarap tape-an ng bunganga neto, parang naka microphone palagi.
"KAKAIN NAMAN AKO EH! lumabas ka na nga, tsaka mag aala singko palang OA mo, Han!" sigaw ko dito.
"Akala mo naman may mapapala kang mabuti sa kaka computer mo!" galit na galit na siya, ayaw niya kasing nagpapalipas ako ng gutom at nagtututok sa computer.
"Oo Nay!" hindi ko shinut down, maglalaro pa ko eh.
Pagbaba namin ay napaka daming pagkain sa mesa kaya naman umupo agad ako at kumuha ng ulam pero tinapik niya yung kamay ko.
"Patay gutom, magdadasal muna!" sunget nere, tsaka nagdasal naman na kami.
"Sarap naman ng luto ni insan Han, parang siya!" kaya naman inirapan ako neto.
"Can you stop calling me Han? pwede namang Johann, Hanz, pucha nagmumukha akong bakla." sus, pabebe pa.
"Bakla ka naman diba?" tanong ko dito.
"Hindi kaya kita pakainin?!" kaya naman nanahimik nalang ako.
"By the way, yung tungkol sa nagpapadala sayo..." pagiibang topic niya.
"Johann, mamimiss mo ko diba? Hindi mo man lang ba ako ikikiss? ihuhug? malay mo bukas mawala nalang ako bigla?" hinampas naman ako neto, madrama din to eh.
Kami nalang kasi magkasama sa araw araw, tinuring kapatid ko na yan sa sobrang lapit naman isa't isa, sino pa ba ang magtutulungan eh kami lang din naman, iniwan na ko ng nanay ko, may iba ng asawa, may 2 anak sa iba, tapos si tatay, wala na, saklap namin.
"TANGA KA BA?! MALAMANG MAMIMISS KITA! IKAW NALANG NGA KASAMA KO DITO KAHIT PAKING KA AT TAMAD! IKAW NALANG YUNG NAGPAPARAMDAM SAKIN NG PAGMAMAHAL, AT NAGBIBIGAY NG SENSE KUNG BAKIT PA KO NA BUHAY!" magkatabi lang naman kami sumigaw pa.
Ang kwento kasi sa akin ni tatay bago siya mamatay ay pinaiwan ni tita, yung nanay ni Johann, magkapatid kasi si tita at tatay, pinaiwan siya sa amin, nangako na babalikan si Johann pero makalipas ang sampung taon ay hindi man lang nagparamdam si tita, nalaman nalang namin may asawa at may sarili ng anak, niloko kasi si tita ng asawa niya kaya ganoon.
"Kung pwede lang sumama para makasama kita, edi sinamahan pa kita." sabi niya.
"thank you thank you sa pagaalaga sakin, thank you sa pagiintindi sakin, thank you sa pasensya mo, thank you sa pagpapalamon sakin, thank you sa existence mo, sorry kung lagi akong tamad, sorry kung paking ako, sorry kung nagiging pabigat ako, sorry kung--" ok na yung speech ko eh, pinutol niya pa.
"Ako dapat yung magthank you dahil pinalaki ako ng parents mo, iintindihin kita hanggang sa makakaya ko, ako ang matanda, maging matandang binata pa ko para sayo para mabantayan lang kita, at isa pa never kang naging pabigat sakin, sadyang bwiset ka lang." maiyak iyak na siya, aww.
"I love you, Johann babes." pangaasar ko pa dito.
"I love you too babes, bakla kang hayup ka." tsaka naman nagtawanan pa kami.
BINABASA MO ANG
Just A Game | BTS AU |
Fanfiction"this is a game, you may hurt, you might be hurt." "Don't make human as your world, world is world, human is human." "I don't know what I am." "Hurt me with a truth, but never comfort me with a lie." Katagang nagpasakit sa akin ng lubusan, Kahit ang...