Chapter 10

4 1 0
                                    

Justin Xenon's PoV

Papunta ako ngayon sa tinutuluyan ni Genos, sinabi niya kasi na may sakit siya kaya hindi siya makakapunta sa amin.

Flashback...

2 am

Umuulan ng malakas, nandito ako sa bahay, kaso wala si ate kaya ako lang ang mag isa.

Takot ako sa kulog, kidlat, at paghampas ng mga malalakas na hangin sa bintana.

Sa tingin ko ay maiiyak na ko dahil sa takot.

Wala si ate, nag aayos ng papeles, lilipat na kasi kami ng bahay, ayaw na niya dito, kay daddy kasi itong bahay na to, ngayong nalaman na niya na si daddy pala yung nakipag hiwalay dito.

Ngayon lang din naman nalaman na may ibang kinakasama si dad, kaya pala lagi siyang busy, ang sinasabi niya ay nasa trabaho siya pero busy siya dun sa kabit niya -_-

Ayon na nga, kay dilim dilim dito, nawalan kasi ng kuryente, hanggang ngayon ay wala pa. help meh.

Ang kaunting liwanang lamang mula sa labas ang nagsisilbing ilaw sa loob ng aking silid.

Naiihi na ako pero pinigilan ko kasi natatakot ako, shettte, nanginginig na yung buong katawan ko.

Ayokong papuntahin si Genos dahil alam kong tulog na tulog yun ngayon, at kapag ginising ko, baka di na ko mabuhay pa.

Tapos sasabihin niya sakin labanan ko yung takot ko, eh kung natatakot ako eh bakit ba!

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto, t*ngna nasa horror movie ba ako.

yung kaninang bumukas at dahang dahang sumarado ito, nakataklob lamang ako ng makapal na kumot dahil sa lamig, at takot na din.

Nararamdaman kong may tao sa loob ng kwarto ko, ayokong isipin na multo yon o ano dahil madadagdagan lang ang takot ko at matuluyan akong maihi sa kama ko.

Inisip kong magnanakaw nalang iyon, hahayaan ko nalang kesa mamatay ako sa takot.

Napansin kong may umupo sa kama ko dahil gumalaw iyon, napapikit ako ng sobrang diin dahil sobra yung kabog ng puso.

Ramdam ko ang paghawak nito sa ulo ko, para bang ginagawa ni daddy sa akin nung bata ako, nag flashback lahat sa akin habang ginagawa nung ewan ko kung sino yon at naiyak ako ng di oras.

"Don't cry Xenon, hindi pa lang iyan ang magpapaiyak sayo." kakaibang pambabaeng boses, ngayon ko lang narinig sa talambuhay ko.

Nilakasan ko ang aking loob para tanggalin ang kumot, pero nagawa ko naman.

Isang babaeng nakaupo sa aking tabi na nakatingin sa bintana.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na may halong takot.

"Binabantayan ka, hindi ka pa pwedeng mamatay, dahil ako mismo ang papatay sayo." sabi nito habang nakangisi.

"Edi sana pinatay mo nalang ako kanina pa!" sigaw ko sa kanya.

"Not now." tumingin siya sa akin, at lumapit, "Intayin mo." at lumayo ito habang nakangiti sa akin.

"H-hindi kita kailangan, maaari ka ng umalis." utos at pagtataboy ko dito.

"Pagdating niya." sabi nito.

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya, baka mamamatay tao nako.

Just A Game | BTS AU |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon