Narrator's PoV
Flashback...
"Daddy!" sigaw ng isang lalaking bata sa kanyang tatay.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng tatay niya na nasa galit na tono.
"Wala po kasi akong kalaro sa bahay.." sabi ng bata.
"Ilang beses ko bang sasabihin na bawal kang pumunta dito, You're 9 years old! malaki ka na, hanggang ngayon isip bata ka parin!" sigaw ng tatay niya.
"But I--" hindi pinagtapos ng kanyang tatay ang bata sa pagsasalita.
"Alam mong bawal ka dito."
"I'm asking our neighbors to play with me but they don't want to, daddy. Ni minsan hindi sila nakipaglaro sakin.." paiyak na sabi ng bata.
"Kung ako, ayaw ko sayo, sila pa kaya?! ang kulit mo kasing bata ka!" sigaw ulit ng tatay nya.
"I love the old you daddy, you'd changed alot." tumakbo palabas ang bata sa silid ng kanyang tatay.
Unang tingin palang sa harapan ng silid ng kanyang tatay ay alam mo ng hindi pambata.
Punong puno ito ng nakakatakot na maskara, mga espada na matatalim, ang iba ay luma na.
At pagpasok mo sa kanyang silid ay pula at itim ang kisame at pader. May mga nakakatakot na armas.
Lubos na nagtataka ang anak niya sa kanyang ama dahil hindi ito ganoon, nagkaroon lamang ito ng trabaho ay nagbago ito. Laging nakatutok sa kanyang computer.
Isang araw...
"Yaya!" sigaw ng bata.
"Paki bukas naman po yung tv." pakiusap nito, at binuksan naman.
Ililipat sana ng manang ng channel sa pambatang palabas ngunit pinigilan ito ng bata.
"Ok na po, yaya. Pinapabukas ko lang po, hindi pinapalipat."
Sa isip ng matanda ay hindi naman nanonood ng balita ang bata dahil puro cartoons at anime ang pinapanood nito.
Ang loob ng balita ay isang mayaman at sikat na lalaki ang gagawa ng isang laro, ang mga laro nito ay sumisikat ng sobra, kaya naman napabalita agad ito.
Nagulat ang matanda dahil biglang sumulpot ang tatay ng bata upang patayin ang telebisyon.
"Daddy, nanonood po ako!" sigaw ng bata.
"Sa tingin mo may pake ako kung nanonood ka, bumalik ka sa kwarto mo!" sigaw ng ama nito.
Nagtataka ang bata dahil pati ang pagnood niya ay malaking galit na sa kanyang tatay.
Habang paakyat siya ay nakita niyang nakabukas ang silid ng kanyang ama.
Sinilip nya muna sa ibaba ang tatay niya kung may ginagawa ito, at para makapasok siya dito. Napangiti siya dahil nasa labas ang kanyang tatay. Matagal na niya kasing gustong gustong pakialaman ang gamit ng tatay niya kaya naman nagkaroon siya ng oras para maka kalikot.
Nung nasa loob na siya hinawakan niya lahat ng kanyang nakikita, pati ang upuan na madumi ay ginalaw niya, para bang ngayon lang siya nakakita ng ganong bagay. Manghang mangha siya sa kanyang nakikita sa loob.
Nakabukas ang computer ng kanyang tatay, muli siyang sumilip sa labas upang tingnan ang ama niya para magkaroon siya ng oras na makita ang nasa computer nito, napangiti siyang muli dahil hanggang ngayon ay nasa labas parin ang kanyang tatay na may kausap sa telepono.
BINABASA MO ANG
Just A Game | BTS AU |
Fanfiction"this is a game, you may hurt, you might be hurt." "Don't make human as your world, world is world, human is human." "I don't know what I am." "Hurt me with a truth, but never comfort me with a lie." Katagang nagpasakit sa akin ng lubusan, Kahit ang...