Kabanata 4

69 8 0
                                    

Lumipas ang isang linggo na hindi ako lumabas ng bahay. Paano ba naman kasi, pag lumalabas ako, lagi nalang susulpot yung Miguel nayun! Nakakainis! Lagi niya nalang akong sinasabihan ng mga flowering words. Mayroon pa siyang pa tula-tula, eh hindi naman yun ikagagwapo niya! Psh!

Naka higa ako sa kwarto ko habang lumulutang ang aking isipan. Nasaan ba si nanay Linda? Bakit pinabayaan niya lang ako dito? Sabi ko na nga ba eh. Walang tao maliban sa mga magulang mo ang habang-buhay na gagabay at mag s-stay sa iyo. Lahat sila, iiwan at iiwan ka rin.

"Ofelia." Napalingon ako sa balkonahe ko kung saan nang galing ang pamilyar na boses. Sumilip ako at nakita ko ang napakagandang dilag. Si Ezalia.

"Anong ginagawa mo dito? bakit ganyan ang anyo mo?" Tanong ko sa kanya at tsaka binuksan ko ng malaki ang pinto'an para maka pasok siya. Soya si Ezalia ngayon. Isang napakagandang dyosa. "Nabalitaan mo na ba?" Umupo kamo sa upuan at hinarap ko siya. "Ang alin?"

Tinignan niya ako sa mga mata at ganun din ang ginawa ko. "Inimbetahan kayo ng pamilya Cruz, ang kanang kamay ng iyong ama sa pamamahala ng San Andress, na pumunta sa piging ng kanyang anak na si Kristy Cruz. Siya ang kaibigan mo noon." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Tandaan mo, nagkakilala kayo ni Kristy noon dahil pareho kayong nag-aral ng musika sa Maynila. May Dalawang kapatid siya na sina Lorenzo Cruz at si Cello Cruz." Ahh! So, magkapatid pala sila ni Kristy.

"T-tapos? Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya parin inaalis ang mga tingin niya sa akin. "Mamayang hatinggabi, mag-kikita kayo." Sabi niya sakin at nag smile siya. Napataas naman ang isang kilay ko.

"Magkikita nino?" Tanong ko pa ulit ngunit biglang nawala ang kanina'y napakatamis niyang ngiti. "Hindi ko maaring sabihin dahil parte iyun ng misyon mo." Sabi niya at binaling niya sa iba ang mata niya. "Nais man kitang tulongan, ngunit ako ang mapaparusahan. Maghanda ka nalang." Yumuko ako at naramdaman kong hinawakan ni Ezalia ang mga kamay ko.

"Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako. Hindi mo man ako nakikita, pero nandito lang ako sa paligid mo, nagmamasid." Sabi pa ni Ezalia. Tumingala ako sa kanya at ngumiti siya.

"Alam kong mapapagtagumpayan mo iyan." Niyakap niya ako ng mahigpit at unti-unti na siyang naglaho. Dahil sa sinabi ni Ezalia, mas nagiging kampante ako.

Habang naka tutuk ako sa kisame, biglang may kumatok sa pintoan ko. "Pasok." Sabi ko na walang ka effort-effort. Hindi parin ako tumatayo dahil wala akong gana.

Feeling ko sobrang hina ko talaga. Hindi naman ako mapupunta dito kung wala akong ginawa na hindi kasuklam-suklam.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto'an at may dalagitang nag salita. "Mag ayos ka na po binibini. Nandito ako upang tulungan ka." Tumingin ako sa kaniya at nakita ko si Maria na may dala-dalang tuwalya.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo. Malaki-laki din ang banyo. May tub na gawa sa kahoy pero hindi naman magaspang. Sumunod naman si Maria. Wala akong tubig! Ubos na yung naka pundo sa malaking baul.

Bigla akong napatalon ng may bigla akong narinig na pumapasok sa kwarto ko. Sumulip ako at nakita ko ang apat na mga guardia personal na may pinapasan na malalaking tubig.

"Ito na po ang inyung tubig binibini." Sabi noong isang guardia personal at nag bow silang apat. Umalis na ang dalawang guardia personal ngunit nanatili ang dalawa.

"Oh? Ano pa ang ginagawa mo dito?" Pagtataray ko sa kanila habang nakapamewang pa. "Paumanhin binibini. Nais lang namin itong iabot sa iyo. Galing iyan kay ginoong Miguel." Sabi nung isang guardia habang naka yuko at may inabot siya sa aking sulat.

"Psh! Ilagay mo lang yan dyan sa mesa! Mamaya ko na yan babasahin." Sabi ko at tumango naman siya. Tumalikod na siya at nakita kong nilagay niya ang sulat sa mesa at tsaka dumeritso nang lumabas.

Sumpa KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon