"Okay lang Ofelia. Hindi ako tututol dahil gusto ko rin naman." Hinawakan ng binatang hindi pala Lorenzo ang pangalan ang kamay. Jusko! Hindi ko naman siya gusto eh! Tinitigan ko ang mga mata niya at hinahanap ko ang kilig, saya at hinahanap ko ang musika na sinasabi ni inay...pero wala.
"Bitawan mo nga ako!" Pilit kong kinukuha ko ang kamay ko nguit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko. "A-ano ba! Bitawan mo ako!" Sabi ko pa ngunit hinila niya ako sa isang madilim na sulok.
Hinila niya ang baywang ko papalapit sa kaniya at napapikit naman ako sa takot sabay sampal sa mukha niya. Napa lingon naman siya sa kaliwa dahil sa lakas ng sampal ko sa kaniya. Oh my God Ofelia! Baka ma rape ka pa dahil sa kagagahan mo!!
Tumingin ulit siya sa akin at ngumisi. "Bakit ba ang hirap mong makuha?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin at sinandal niya ako sa pader. Sasampalin ko sana ulit siya ngunit nahawakan niya yung wrist ko at nadepensahan niya ang kanyang makapal na mukha. Mas inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko. Dahil sa sobrang nag panic na ako, biglang nag move yung legs ko at biglang umangat ng hindi ko sinasadya.
"Kyaaahhh!!" Sumigaw ako at nasipa ko ang ari niya kaya napalayu siya sa akin at kitang-kita ko sa mukha niya na nasasaktan siya. "Aahhhhh!!!!" Sumigaw ako at tumakbo ng mabilis, ngunit sa kasamaang palad, nadapa ako at sinundan ako ng lalaking rapist. "Akin ka Ofelia! Dapat akin ka lang!!" Sigaw niya at pumikit ako sa takot dahil kita ko na hahawakan na naman niya ako. Pero laking gulat ko nung bigla siyang natumba.
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang isang binatang naka tayo sa harapan ko. May dala dala din siyang kahoy at hinampas pala niya yung rapist. Napahawak naman sa ulo niya yung rapist at hinimas-himas niya yung natamaan na part ng ulo niya.
"Ayus ka lang ba binibining Asuncion?" Sabi ng gwapong lalaki na lumigtas sa akin. Naka tuxedo siya na kulay itim at parang galing siya sa mayamang pamilya. Inilapag niya ang kamay niya na para bang tutulungan ako patayo.
Inabot ko ang kamay niya at inayos ang aking sarili. "A-ano ba Miguel! Paano ka naka pasok dito?" Napatingin naman kami sa rapist na nahihirapang makatayo. Inabut naman ni Miguel daw ang pangalan kay rapist at tinulungan siyang maka tayo. "Hindi mabuting bastosin ang isang babae. Nang dahil sa ginawa mo, maaari kitang parusahan." Sabi ni Miguel at tinignan niya ng deritso yung rapist sa mga mata nito, kitang-kita sa mga mata niya na natatakot siya.
Tinignan niya ng masama si Miguel at tumakbo na papalayo sa amin. Tinignan ko naman si Miguel at nakita kong natatawa siya. Kumunot ang noo ko at tumalikod na sa kanya.
Grabe ka talaga Ofelia! Tanga-tanga mo! Dapat kasi hindi ka sumasama sa mga strangers.
Eh malay ko bang uso narin pala ang rapist sa panahong ito.
Oo naman, uso na yun nuh! Mga espanyol nga noon ay hindi pinagpalagpas ang mga panahon na nasa kamay nila ang mga pinoy.
Nag-aaway yung isipan ko. Tsk! Na trauma siguro ako dahil sa nangyari. Aalis na sana ako, kaso may narinig akong biglang nagsalita.
"Wala man lang bang salamat?" Lumingon ako kay Miguel ngunit hindi ko gaanong makita ang mukha dahil may malaking sombrero siyang pang magsasaka at medyo madilim ang paligid. "Kailangan ko nang maka balik doon. Baka mag taka sila na nandun na ang rapist--- ahh este, nandun na yung kasama ko kanina tapos ako, heto pa at hindi pa nakakabalik."
Tumalikod ulit ako at narinig kong muli na nagsalita siya. "Maaari ba kitang makilala?" Hindi ko siya pinansin at dumeretso lang ako sa paglalakad. Narinig kong naman nag giggle siya kaya napalingon ako at tinaasan ko siya ng kilay.
"Saan ka pupunta? Doon po ang daan papasok ng mansyon." Sabi niya sa akin sabay turo sa parang back door ng mansion nina Don Jaime. "Gusto mo bang ihatid na kita? Para hindi ka na tuluyang maligaw?" Pag-aasar na sabi sa akin ni Miguel. Inirapan ko lang siya at tinaasan ng kilay bago ako pumunta sa back door na itinuro niya.
BINABASA MO ANG
Sumpa Kita
Historical Fiction#HitoricalFiction #Romance #Fiction #Sumpakita #Sumpa #Kita Ito ay storya na nagpapatungkol sa isang dilag na nawalan ng pagasa sa buhay. Ngunit nag bago ang lahat nung nakilala niya ang binang na kung tawagin niya ay isang sumpa! Siya ay isang dala...