Kabanata 2

118 10 3
                                    

Nandito parin ako sa isang pamilyar na lugar. Pero hindi ko parin alam kung anong lugar ito. Walay building, walang highway, walang mga bahay, at walang mga sasakyan na dumadaan. Puro pananim at kagubatan lamang ang nakikita ko. Umupo ako sa ilalim ng napaka laking kahoy at niyakap nalang ang sarili ko.

"I miss you dad. Help me." Bulong ko sa hangin at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang takot. "Sorry Lord! I'm so sorry dahil hindi ako naging mabuting anak ni dad at estudyante kay prof. I promise, kung bibigyan mo ako ng isa pang buhay, mag babago na po ako." Sabi ko pa habang naka yuko at yakap-yakap parin ang sarili.

"Pinangako mo na yan noon Ofelia. Kung kaya't nandito ka ngayon dahil sa hindi mo pag tinupad ang iyong pangako." Rinig ko na sabi ng isang babae at dahil sa sobrang pagkabigla ko, napa talon ako. "Anak ng---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang makita ko yung matandang babae na nagbigay sa akin ng singsing sa museum.

"I-ikaw?!" Nanlaki ang mga mata ko. At tumawa lang siya. Tinaasan ko siya ng kilay habang naka crossed arms. Magsasalita pa sana ako kaya lang inunahan niya ako. "Wala kang pinagbago Ofelia. Nalulungkot ako at labis akong nanghinayang kung bakit pa kita binigyan ng tsanya na muling magpakatawang-tao." Biglang nawala ang mga ngiti niya sa kanyang sinabi.

Ano ba talaga ang nangyayari? Anong chance na muling magpakatawang-tao? Reincarnation ba yun?

WHAT?! Totoo ang reincarnation?! At ang mga ala-ala ni Ofelia na pumapasok palagi sa isipan ko ay ala-ala ko? Ako si Ofelia? Ofelia na mapang abuso, manhid at walang awa. Hindi ko napigilan ang luha ko na hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Pinunasan ng matandang babae ang luha kong tumutulo sa mga mata ko.

"Ako si Ezalia. Marahil ay hindi mo pa natatandaan, ako ang diyosa ng buhay at pag-ibig." Pagpapakilala niya at biglang lumiwanag ang kanyang mukha dahilan para lumaki ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Patay na nga siguro ako dahil nakakakita ako ng diyosa. Huhuhu!

Umangat siya ng mga tatlong talampakan mula sa lupa at nagliwanag ang kanyang buo niyang katawan na dahilan para hindi ko na siya makita. Nasilaw ako sa kagandahan ng isang dalagang babae na lumitaw sa harapan ko. 

Matangos ang kanyang ilong, mahaba at medyo kulot ang kanyang buhok, maputi ang kanyang balat at flawless talaga, ang mga labi niya ay kulay rosas at ang nangingibabaw sa lahat ay ang kanyang mahabang pilikmata. Ay hindi pala! 

Ang nangingibabaw pala sa lahat, ay ang kanyang kilay. Wow na wow mga bess! Eyebrows on fleek ang bet niya! Talo tayo dito.

"Ito ang tunay kong anyo. Umaasa ako na sa pagpakita ko sayo ng totoo kong anyo ay matatandaan mo na ang lahat. Maalala mo na ako. Maalala mo ang sumpa mo sa akin. Ngunit binigo mo ako at ngayon ay paparusahan ka. Ikaw ay mananatili sa lugar at panahon na ito hanggang sa matutunan mo ang leksyong na walang ibabg makakaturo sa iyo kundi ikaw lang at ang puso mo."

Tugon niya sakin at bigla siyang nawala out of nowhere. Kung ganun, hindi pa pala ako patay. Pero nasaan ako? Tinignan ko ang mga gamit na suot ko at napansin kong naka gown ako. Wtf? Galing ba ako sa party?

Naglakad-lakad ako at sinundan ko ang daan kung saan walang naka tubong halaman. Parang ito rin ang dinadaanan ng mga tao ngunit ang kakaiba lang ay hindi ito naka semento. Naglakad-lakad ako at halos mga isang oras nadin akong naglakad. Pagod na pagod na ako at hindi ko mapigilan ang pag tulo ng pawis ko sa noo. Oh no! Parang naliligaw na yata ako at tsaka ang haggard ko na!

Patuloy parin akong naglakad hanggang sa naka kita ako ng malaking mansion. Pumunta ako doon at pag dating ko sa pintuan, may nakita akong mga babaeng naka suot ng kulay puti at may suot sa ulo na kulay blue. 

May sinasabi sila sa akin at tumakbo ang ilan sa kanila papalapit. Unti-unting nang hina ang tuhod ko dahilan para mapatumba ako at agad nila akong nilapitan. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil unti-unti nang nag laho ang aking paningin.

Sumpa KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon