CHAPTER 1: STALKING MY CRUSH

6.7K 53 2
                                    

Until now, hindi pa rin ako napapansin at nakikilala ni Oh-So-Famous "RYAN SEIZUKI". Siya ang ultimate crush ng He-- I mean, Charm Academy.

Ginawa ko ang lahat! AS IN LAHAT! Ginawa kong number 1 ang sarili ko sa over all ranking. Ang buong akala ko matutuwa sila, ako natuwa kasi nag TOP 1 ako at naisip kong baka mapansin na din ako ng 'Prince Charming' ko pero I was wrong. Nagalit silang lahat sakin as in buong CHARM ACADEMY! Kesyo pasikat daw ako, papansin daw, bruha at kunwaring matalino. Tinalo ko raw ang kanilang 'LABS' at 'yun ay si Ryan. Maybe, hindi niyo pa ako kilala (hindi niyo naman talaga ako kilala) sino ba naman kasi ang makakapansin at makakakilala sa isang SAMANTHA DELLEJO? Ineexpect niyo siguro maganda ako, matangkad, at crush ng bayan no? Alam niyo, nagkakamali kayo, kabaligtaran lahat.. Si Sam ay nerd, petite, cute size pero hindi masyadong maliit ah? Yung tama lang, kulot ang mahaba kong buhok at naka-brace ang ngipin. Naiisip niyo ba? Oo na, panget na kung panget! Pero wala na naman akong pakialam sa kung anong hitsura ko eh. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang mapansin ako ni Ryan yun lang Lord, pwede niyo na akong kuhanin.

"Oy, Sam! Nangiti ka na naman mag isa diyan!"
"So-sorry Les"
"Umayos ka nga! Ano na naman bang naiisip mo?"
"Na pap--"

Pinutol na niya ang sasabihin ko dahil alam na niya.

"Na papansinin ka na naman niya?"

Ngumiti ako bago sumagot.

"Yup"
"Pwede ba, Sam? Tama na? Maganda ka naman, matalino pero bakit antanga mo?"
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Leslie! 'Di ako maganda! Edi kung maganda ako, matagal na akong pinansin ni Ryan. At saka ang hard mo sa'kin ah? Di naman yun pagpapakatanga eh"
"So? What do they call it then?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"They call it LOVE"

Inirapan niya ako bago magsalita.

"Di pa yan pagpapakatanga ah? Ang daming lalaki dyan, Bes! Hanap-hanap din pag may time. At saka pwede ba? Ayoko ng maririnig pa na lalabas sa bibig mo ang pangalang RYAN! Pagsisisihan mo rin yan".
"Ewan ko sa'yo. Palagi mo na lang pinangungunahan yung tadhana. Let's go na nga".

At sabay kaming pumasok ni Leslie sa He--- Charm Academy. Second year highschool na kami. Alam niyo ba kung pa'no ako napunta dito? Kaya lang naman ako napasok sa school na'to ay dahil kay Ryan. Sinundan ko siya kung sa'n siya nag-aaral at dito 'yun sa Charm Academy. Alam ko ang lahat sa kanya pati favorite food, color, hobbies at ang tipo niya sa babae. STALKER nga di ba? At ayun, naglakad na kami sa hallway, habang naglalakad kami, ang daming nakakapansin sa bes kong si Leslie pa'no ba naman? Sobrang ganda, pointy nose mala-Liza Soberano, sexy, matangkad, maputi, matalino, maganda ang kutis at ngipin. At higit sa lahat mabait. Oo, mabait siya minsan. Minsan lang, pag nasa mood siya. Masasabi kong nasa kanya na ang lahat pero hindi niya gusto si Ryan. Yun na lang ang kulang para masabing perfect na! Maganda kasi talaga siya.

"Hi, Miss Leslie"

Ngumiti siya at sumagot.

"Hello, Rex"

Nakita kong may hawak siyang letter. Hinablot ko ito.

"Ano 'to?"
"Ahmm 'wag niyo na po 'yan pakielaman. Wala po 'yan"

Binasa ko ang pangalan kung para kanino.

"Leslie" bulong ko.

Nilapitan ko si Rex at binulungan.

"Para kay Leslie pala ah? Babasahin ko na ba?"

Nagalit siya sa'kin.

"'Wag mo ngang pakielaman 'yan!"

The Charm AcademyWhere stories live. Discover now