CHAPTER 19: TRUST ME

917 16 1
                                    

Sam's Pov

Kakapasok ko lang ng classroom at kalalabas ko lang ng notebook ko para mag review ng tumabi sakin si Ryan na parang andyan na naman ang dark aura niya.

"Problema?" Tanong ko.
"Nothing"
"Hmm okay, kala ko may problema eh"
"Don't mind me"
"Ano pa lang napag-usapan niyo ni R---"
"I said nothing! Nothing, okay?!" Sinigawan niya ako kaya tumahimik na lang ako. Ano na naman kayang nangyari?

Nagulat ako ng biglang may humampas sa pinto ng pagkalakas lakas. Pagtingin namin, si Sienna lang pala.

"Guys! I have an announcement to make! Listen to me! All of you!!" Sigaw niya.

"Ano kaya yun? Pabida masyado eh. Bago bago niya lang dito"
"Masyadong OA kala mo naman class president tss"
"Napaka epal niyan"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa loob ng classroom.

"Papansin masyado" napatingin ako sa nagsabi nun. Si Amber.. Tiningnan niya ako pero nakakapanibago kasi nginitian niya ako dati pag tinitingnan ko siya , iirapan niya ako. Mayron ba akong hindi nalalaman? At parang lahat ng nakapaligid sakin, nagbabago?

Nginitian ko na lang din siya tapos tumingin na ulit ako kay Sienna na nasa teachers table.

"I already have a..... Boyfriend!" Nagtatatalon pa siya habang pinamanalita na may boyfriend na siya..

Sino kaya ang boyfriend niya? Ang swerte ng boyfriend niya. Maganda na, matalino at mabait pa. Kahit dalawang araw pa lang siyang napasok, alam ko na agad na mabait siya.

"Umupo ka na nga! Wala namang maganda sa pinamalita mo!" Sinigawan siya ng class president namin.. Si Amber.. Siya ang class president.
"Wala kang paki! Bleh!" Dinilaan niya pa si Amber. Para silang batang nag aaway. Ang cute nila tingnan.

Umupo na si Sienna at binati ako.

"Hi, Sam ^^.. Hi Ryan!" Nag wave pa siya pero hindi siya pinansin ni Ryan.
"Hello" sabi ko tapos ngumiti siya.

"Ang suplado niya naman! Nakakainis!" Narinig kong bulong niya. Natawa na lang ako kasi hindi talaga siya pinapansin ni Ryan.

Makapag review na nga lang nang may maisagot mamayang quiz..

Leslie's Pov

Nasa loob ako ngayon ng comfort room. Nawiwiwi na kasi ako kanina pa, hindi man lang kami nagkita ni Bessy. Kakamustahin ko sana siya eh.

Palabas na ako ng cubicle ng may narinig akong nag uusap.

"Omg! Si Sienna at Ryan na ulit! Grabe they're so bagay talaga! Nag announce na si Sienna kanina pero hindi niya binanggit yung pangalan pero I'm sure na si Ryan yun. Baka nahihiya lang dun sa Samantha hahaha. Siya lang naman ang kilala ni Sienna dito eh"
"Trulaley? Edi pano yung Samantha?"
"Iyak! Hahaha! Bagay sa kanya yun! Masyado siyang feelingera. Kala niya maiinlove talaga sa kanya si Ryan? Kala lang niya yun no! Sienna pa rin siya"
"Grabe! Kawawa naman si Girly! Hayaan mo pag nakita ko yung Samantha, sasampalin ko siya ng mag asawang sampal! Para hindi na siya mag assume ulit! Hahaha"

The Charm AcademyWhere stories live. Discover now