CHAPTER 4: TRANSFEREE?!

2.1K 46 2
                                    


Sam's Pov

Papasok na naman ako. Hays. Ang sakit pa ng mata ko kakaiyak kagabe! Tsk. Parang wala akong ganang pumasok. Naglalakad ako ng may humawak sa kamay ko at hinila ako kaya napatakbo ako at nalaglag ang salamin ko, hindi ko tuloy makita kung sino 'to.

"Teka nga! Sino ka ba? At bigla bigla mo na lang ako hinatak?"

Hinila ko yung kamay ko.

"Hays. You're blind if you're not wearing your glasses. You didn't see me or noticed me"

Ah kilala ko na. Si Stephen.

"Sa boses kilala kita. Stephen, right? Bakit ka ba nagmamadali? Di ka naman papasok eh"
"Hays. Kala mo lang"
"Sa amerika ka nakatira at hindi dito"

Ang blur ng nakikita ko pero naaninag kong may pinulot siya sa lupa.

"Ano yan?"
"Tsk. Your glasses are broken! Sorry Sam"
"What? Pano yan?!"

Sinuot niya sakin ang salamin ko.

"T-teka! Di ba basag na yan?"
"I'm just joking" he chuckled.

Nung nasuot ko na ng ayos ang salamin ko, bumungad sakin ang maaliwalas niyang mukha na nakangiti. Umiwas ako ng tingin. Nararamdaman kong nainit ang mukha ko! Hala? Kinikilig ba ako? No no no!

"Ano bang ginagawa mo ha?!"
"Nothing. I just want to accompany you"
"No thanks. I can walk on my own"

Nauna na akong maglakad pero sumusunod pa rin siya. Pinantayan pa ako sa paglalakad.

"Ano bang ginagawa mo? Kanina ka pa ah"
"Nothing. As i've said a while ago. I just want to accompany you"
"Tch -.-"

Ngumiti siya at naunang maglakad. Iwan daw ba ako? Kala ko ba sasabayan niya ako? Hay nako Stephen!!

"Hoy! Wait lang"
"Walk faster"

Sabay na kaming naglakad. Nung nasa gate na kami pinaalis ko na siya. Tinulak ko pa siya, ang lakas niya -_-

"Dun ka na! Safe na ako. Sige na!"

Pero pumasok pa rin siya. Ano bang ginagawa ng taong to? Nakakahiya ah? Tinutulak ko siya sa gate na maraming tao.

"H-hoy! Ano!... Stephen, uwi ka na"

Hindi siya nagsalita. He just smile then he pointed something on his shirt.

"Anong gagawin ko dyan? Mabuti pa umuwi ka na"
"Tsk. Read it!"

Nilapit ko yung mukha ko dun sa tatak ng shirt niya.

The Charm Academy

Nanlaki ang mata ko, tinanggal ko muna ang salamin ko at nilinis. Baka kasi dumi lang yun. Sinuot ko ulit at lumapit ulit sa shirt niya at binasa ulit.

"The Charm Academy"

Hindi talaga ako makapaniwala. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko.

Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti sakin.

"You're so naughty haha! I'm going to study here. Starting today :)"

Ang ganda ng ngiti niya. *_* teka, kanina ko pa siya kasama ah? Pero bakit di ko nakita yung shirt niya. Kaparehas ng akin yung tatak.

"Bakit ka nagtransfer?"
"Nothing. It's just that I just wanna be with you" he stared at me.

Bumabanat ba siya? Kasi effective eh. Kinikilig ako grabe! Ang Great Stephen Tacks hindi pa rin pumapalya para pakiligin ako! Half-american siya but dito siya pinanganak.

The Charm AcademyWhere stories live. Discover now