CHAPTER 2: HE IS COURTING MY BFF?!

2.7K 42 0
                                    

Leslie's Pov

Siguro naku-curios din kayo kung ano 'yung pinag-usapan namin at sino 'yung gustong ligawan ni Ryan no? Haayy.. Oo na, ako 'yun.. Ayoko lang sabihin kay Bestie kasi alam kong masasaktan siya at alam kong susugurin niya talaga pag nalaman niya kung sino.. Kahit pa ako 'yun. Oo, ayaw niyang inaagawan siya pero duh? As if namang may gusto ako sa lalaking 'yun!

*YESTERDAY*

Nasa corridor kami nagpunta. Ewan ko ba kung bakit dito niya ako dinala.

"What is it all about?"
"Leslie, kasi.....gusto ko sanang....."

Parang nabuhayan ako pero hindi ko pinahalata. Hehe sasabihin na ba niyang gusto niya rin si Sam? Nice eto na ang pinakahihintay ni Bes! Nakakaexcite hihi.

"Ano ba 'yun? Male-late na kasi ako sa class ko"

Sabihin mo naaaaaaa!

"Gusto ko sanang itanong kung pwede ba akong........."
"Pabitin naman 'to! I'm going, bye"

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa wrist ko.

"What?! Ayaw pa kasing sabihin eh!!"
"Itatanong ko sana kung pwede ba akong manligaw sa----"
"Kay Sam?! Oo naman?! Matagal ka ng crush nun! Yes! Natupad na yung wish niya!"

Natuwa naman ako hihi. May lovelife na si Bes!

"Ahm Leslie, hindi si Sam ang gusto kong ligawan"

Ha? Ano daw? Hindi si Sam?

"Eh sino pala?"
"Ikaw yung gusto kong ligawan"

Yumuko siya pagkatapos niya yun sabihin. Ano?! Sakin siya manliligaw? Iww no way! Naiinis ako sa lalaking 'to!!! Nung nag-sink in na sakin lahat, napasigaw ako.

"WHAT?! ARE YOU INSANE?! ARE YOU OUT OF YOUR MIND?! RYAN, LET ME TELL YOU THIS I DON'T LIKE YOU!"
"S-sorry"
"Siguro naman alam mong matagal ka ng CRUSH ng bestfriend ko?!"
"Yeah I know"
"You know naman pala! Then why do you want to court me?! Para masira ang pagkakaibigan namin?!"
"Hindi naman sa ganun. It's just that I like you"
"You like me huh? Well then, I HATE you!"

I emphasize the word HATE para naman maramdaman niya na ngayon pa lang, rejected na siya! Hays, tumakbo ako pabalik sa may hallway at umakyat papuntang classroom namin. Alam kong masasaktan si Sam pag sinabi ko yun kaya mas pinili ko na lang na wag sabihin. Pag akyat ko naabutan kong sasampalin ni Angel si Sam.. Nagkagulo at na-guidance kami. Pagkatapos namin ma-guidance, tinanong ako ni Sam kung anong napag-usapan namin ng Ryan na 'yun. Balak ko sanang sabihin kung sino pero mas pinili kong manahimik na lang para walang gulo at ayokong masira ang pagkakaibigan namin.. Sorry Sam.

*RING RING*

"Hello, Sam?"
"Samahan mo ako mag-imbestiga!"

Hays. Eto na naman siya. Ilang beses na niya yan ginagawa, wala naman siyang napapala.

"Imbestiga na naman?"
"Oo, mag iimbestiga tayo kung sino 'yung gustong ligawan ni Ryan"
"Ah. Sam, i-ikaw na lang. Masama kasi pakiramdam ko eh"
"Ah ganun ba?"

Halata sa boses niya ang pagkadismaya. Sorry Sam.

"Ahm sige Bes, next time na lang.. Ako na lang muna mag-isa mag-iimbestiga ha? Get well soon! Muah! Ba-bye"
"Sa-------"

*TOOT TOOT*

Pinatayan ako -.- gusto ko ng sabihin ang totoo pero hindi ko alam kung paano hays... Sam..

*DING DONG*

Tumayo ako at bumaba para buksan ang pinto. Nagulat ako kung sino ang nasa pinto..

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!"

Sam's Pov

Ang hirap naman hanapin kung sino 'yung babae na 'yun! Kanina pa ako dito sa coffee shop na laging tinatambayan ni Ryan. Ilang oras na ako dito at pumuti na ang mata ko pero ni Anino niya wala eh. Hays. San naman kaya yun tumambay? Eh eto lang naman yung madalas niyang tambayan eh. Tsk. Nakakainis naman! Ayaw nila magpakita ah! Sino kaya yun?? Ang hirap hulaan tapos ayaw pang sabihin sakin ni Bes! Wala man lang kahit isang clue psh. Nilibot ko pa ang mata ko baka sakaling andito sila, pero may nahagip ang aking mga mata.. Pinikit ko yung mata ko baka namamalik mata lang ako. Pagdilat ko, siya talaga yun eh pero nakauwi na ba siya dito? O copy paste lang niya 'to? No no no. Pumikit ulit ako at tumayo.. Pagdilat ko ulit, nagulat ako kasi nasa harapan ko na siya at nakatitig sa'kin.

"Aaaaaaaaahh!!"

Napasigaw ako! Nakakahiya sa mga tao >.< eto kasing bwisit na 'to eh!

"Gotcha! Hey, Sam"
"H-Hello"

Grrr. Bakit ako nauutal? Ano ba Sam! Behave! Arf! Arf! Haha! Ngumiti ako ng pilit.

"Didn't you miss me?"

Psh. Tinatanong pa ba 'yan? Syempre oo! Ang cute ng smile niya. Nakakainlove! Ayt! Ano ba Sam? Nakita mo lang siya, natulala ka na naman.

"E-ehehehe.. K-kamusta?"

Bakit ka nauutal? Hays! Si Ryan na yung gusto mo di ba? Naguluhan ka na naman Sam! Nabiktima ka na niyan dati, kaya isaksak mo sa isip mo na hindi ka na ulit magpapaloko sa kanya!

"I'm okay, do you still live in our village?"

Napalunok muna ako kasi ang gwapo niya. AS IN!!!

"D-dun pa rin naman.. H-hindi naman nagbabago eh"
"Ahh that's good. I'm bored. Can I go to your house?"
"S-sure" Bakit ka pumayag? Tanga mo talaga, Sam!
"As in Right now?!"

Nagulat ako kasi hinawakan niya yung kamay ko. Hinatak ko ang kamay ko kasi kinikilig ako at biglang lumakas yung kabog ng puso ko. Naglakad na ako palabas ng coffee shop.

"T-tara!"

Nauna na akong lumabas . I tried to hide my feelings. Kasi naman 'to si Stephen eh! Kainis! Iba pa rin pala ang dating sa'kin ng lalaking 'to! Kahit na mas gwapo sa kanya si Ryan. Ang neat niya tingnan, ang bango-bango halatang mayaman at masasabi kong lamang lang siya ng mga limang paligo hehe.

"Sam! Wait!"
"B-bilisan mo kasi!"
"Why don't we use my car?"
"Bakit? Pagod ka na ba?"
"Yeah. Really"

Lumingon ako sa kanya, OH MY GHAD! Ang HOT niya! Napatulala ako at napanganga. Grabe na 'to! Yung nakikita mong tumutulo yung pawis niya sa mukha. Parang gusto kong ako na lang yung pawis niya! Grabe talaga! Yung pagpunas niya sa pawis niya, yung paghingal niya, yung mata niya, yung ilong niya, yung labi niya... Ang HOT sobra!

"Hey, Sam? What happened to you?" Ngumiti siya.
"Are you falling for me again?"

Ihhhhh! Nakita niya yatang nakatitig ako at nakanganga na nakatingin sa kanya. Ang epic talaga!

"Ha? Ah? No! Bilisan mo na nga! 'Wag kang babagal bagal! Ikaw naman nagpresinta na pumunta sa bahay tapos mapapagod ka din pala! Magtiis ka!"

Tumalikod na ako. Hinawakan ko yung dibdib ko, grabe ang lakas ng tibok niya parang may naghahabulang kabayo. Pinagtitinginan kami ng tao kasi ang gwapo ba naman nitong kasama ko. Akala nila alalay or katulong lang ako ni Stephen!

--xxx--

A/N

Ang haba ng update ko xD ginanahan eh! Sana magustuhan at subaybayan niyo 'to. Yun lang, enjoy reading guys! Lovelots!

#PinkyLicious1816 <3

The Charm AcademyWhere stories live. Discover now