CHAPTER 13: HER DECISION

1.2K 25 1
                                    


Sam's Pov

Okay, this is the day.. It's been almost 2weeks simula nang sabihin ko kay Mama na magdedesisyon ako after 2weeks. At eto na nga yung araw na yun.. Dapat kagabi kaso hindi ko na naabutan si Mama na umuwi. Kaya ngayon na yung pang 2weeks.

Parang hindi pa rin ako makapagdesisyon. Ang hirap talaga eh.

"Anak? Gising ka na ba? May bisita ka"

Ang aga ng bisita ko. Makapaghilamos na nga para makababa na agad.

"Sam? Anak?"

Ay oo nga pala. Nakalimutan ko sumagot.

"Yes, I'm awake Mom!" biro ko.
"Wag mo kong ini-english ha! Dalian mo na dyan kanina pa yung bisita mo sa baba"
"Owkay!!!" Sabi ko. Ang sarap talaga pag ka-vibes mo yung Mama mo :)

Nang matapos ako mag prepare bumaba na ako.

At....




May isang lalaking nakaupo sa sofa. Siguro mga nasa mid 30's na siya..




Teka? Naalala ko siya...





Oo, tama siya nga.







Si Papa ang bisita ko....






"Anak.." tumayo siya at unti unting lumalapit.

Humakbang ako ng hagdan paakyat. Kinakabahan ba ako? O kinakain na ako ng galit? Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ano bang gagawin ko?

"Anak, Samantha" ngayon ko lang siya narinig na tinawag akong Anak.

Niyakap niya ako...

Hindi ko alam kung anong nangyari? Kung bakit hindi ako makapagsalita. Gusto ko siyang sigawan dahil sa ginagawa niya ngayon pero kahit anong gawin ko hindi nalabas ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Parang bigla akong na-pipi? Gusto ko rin siya saktan pero hindi ko magawa.. Naramdaman ko na lang na may mainit na likido na lumalabas sa mata ko.. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa puting likido na patuloy lumalabas sa mata ko...

"P-papa"

Yan lang ang tanging nasabi ko. It's been almost 13years na Hindi ko nararamdaman na may Tatay ako. Ngayon na lang ulit.. Ang saya sa pakiramdam, parang nabuo ulit ako. Napunan yung kulang sakin.. Ayoko nang matapos to..

"Anak, stop crying. Papa is here" he said smiling.
"N-namiss ko lang po kayo" ngumiti din ako habang pinupunasan ang luha ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Anak, pwede na ba ulit akong bumalik dito? Tinatanggap mo na ba ako?" Malumanay niyang tanong.

Natahimik ako. Tatanggapin ko pa ba siya? Ngayon nasa harapan ko na siya.. Hindi ko alam ang isasagot ko.. Ayoko siyang saktan. Alam ko masasaktan siya pag sinabi kong ayoko. Kaya ....

"Opo, Papa" sabi ko habang nakangiti.
"Salamat, Anak" niyakap niya ako at nararamdaman kong nababasa ang balikat ko.

"Pasensya na Anak. Natutuwa lang ang Papa" habang niyayakap ako ng mahigpit.

Ganun pala talaga pag lukso ng dugo? Ramdam mo agad na siya yung taong mahal mo. Parang kahit di kayo nagkita ng ilang taon basta pag nakita niyo isa't isa iba yung feeling. Ang saya ng pakiramdam ko, ayoko na tong matapos.

"Basta Papa, promise us na you won't leave us again"
"Promise Anak. Hindi na aalis si Papa"

Tapos nagyakapan kaming tatlo :) sa wakas buo na rin ang pamilya ko ^^. Hindi na ako mag iisip ng kung ano ano tungkol sa kanya. Ang mahalaga, kasama na namin siya :)

The Charm AcademyWhere stories live. Discover now