CHAPTER 18: PROTECTING HER

952 18 2
                                    

Sam's Pov

Papasok ako kahit wala akong tulog :/ pano? Iniisip ko yung mga nakita ko kagabi... Bakit sila magkasama? Nung tinetext ko naman siya, hindi naman siya nagrereply.. Baka wala siyang load? O Baka kaya niya kasama si Sienna kasi may project sila? Baka yun nga. Ayokong mag isip ng kung ano ano.

"Babe!" Isang malakas na sigaw at sinundan ng malakas na pag busina. Nilingon ko siya.. Oo, siya. Ganun pa din naman ang mukha niya, maaliwalas pa din.

"Hop in" sabi niya. Ngumiti lang ako tapos naglakad na ulit. Ayokong sumabay sa kanya. Baka kung anong masabi ko. Ayokong magdrama.

*HONK HONK*

Nakakabinging pag busina na naman ang narinig ko. At paulit ulit yun. Halos matulig na ako sa naririnig ko! Humarap ako sa kanya.

"Ryan!!! Stop!!!" Sigaw ko at agad naman siyang tumigil sa pag busina.
"I said hop in" sabi niya ng nakangiti.

Nakakapanibago.. Parang nawala na yung pagka-boring ng aura niya.

"Oo na! Wag ka na magbusina ulit. Ang sakit sa tenga" tapos inirapan ko siya.
"What's your problem?"
"Ikaw? Anong problema mo? Anong pinaggagagawa mo?"
"Nothing :)"

Heto na yung chance ko magtanong.
Sumakay ako sa passenger seat at sinarado ang pinto.

"Ahm. Ryan.."
"Why didn't you call me Babe?" But still hindi pa din nawawala yung ngiti niya.
"May tatanong lang sana ako"
"What is it?" Tapos tinitigan niya ako at feeling ko matutunaw ako sa titig niya..

"Wait, are you crying last night? You look like a mess. Are you stressing yourself?" Sunod sunod niyang tanong. Tiningnan ko naman ang mukha ko sa rear view mirror niya.. Oo nga, mukha nga akong stress.

"Ahm. Ry---" he cuts me off.
"Is there something bothering you? Tell me"
"Anong ginagawa niyo ni Sienna sa mall kahapon?"

Nakita kong nagulat siya pero nabawi naman niya agad. May dapat ba akong malaman?

"Ah. Yesterday? We're at the mall cause she call for help for her project. I'm sorry I didn't text you, nakalimutan kong I text ka" naningkit yung mata ko. Bakit naman niya kakalimutan na itext ako?
"Nakalimutan? O kinalimutan mo talaga?" Okay, TH na kung TH.
"Nakalimutan okay? I'm sorry. Don't ruin my morning" seryoso niyang sabi.
"Okay. Stop the car bababa ako" tinatanggal ko na yung seat belt ko. Ganun na lang ba? Ayaw niya palang masira umaga niya eh bakit niya pa ako pinasakay sa kotse niya?

"Stop the car!!" Sigaw ko.
"No. Ayoko" matigas niyang sabi.
"Bababa nga ako eh?!"

Napahilamos na lang ako sa mukha ko kasi ayaw niya talaga itigil yung kotse. Ano bang nagyayari? Bakit parang nanlalamig na siya sakin? Naramdaman ko na lang ang mainit na kamay niya na dumampi sa kamay ko.

"I'm Sorry. I don't want you to feel that I'm cold to you.. I love you. I love you, Sam" then he kissed my hand.
"O-okay lang. Basta magtetext ka na sa susunod. Ayokong makikita muna kita bago ka magsasabi okay?"
"Yes Boss" he smiled sweetly. The smile that can make me weak.. Napangiti na lang din ako. Nakakahawa yung aura na binibigay niya ngayon.

Natahimik na kami pagkatapos ng usapan na yun.. Kaya ang ginawa ko, pinindot ko yung itim na pindutan at biglang tumugtog yung favorite song ko..

You were just a dream that I once knew..
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world..
You're all I need to be here with Forevermore...

The Charm AcademyWhere stories live. Discover now