CHAPTER 20: CLUES

1K 22 7
                                    

Sam's Pov

Uwian na ng bumili ako ng favorite kong dried seaweeds. Mahilig talaga ako sa mga gantong pagkain.

Nag eenjoy ako sa pagkain ng may dumukot sa plastic ng kinakain ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Sorry na Bessy" sabi niya sabay subo ng kinuha niya.
"Ayaw kitang makausap. Sinisiraan mo si Ryan sakin. Sinabi niya na hindi daw sila at kung sila daw sasabihin niya sakin. Buti pa siya di ako sinasaktan" tuloy tuloy kong sabi at kumuha ulit ng seaweeds.
"Sam, totoo naman kasi lahat ng yun. Kahit tanungin mo pa yung Sienna"
"Bakit ko naman gagawin yun? Hindi na kailangan, sinagot na ni Ryan lahat ng tanong ko. Bye"

Nag dire-diretso na ako palabas ng school grounds. Ako lang uuwi ngayon mag isa kasi may emergency daw sa bahay nila Ryan eh.

"Bakit mag isa ka lang?"

Lumingon ako at nakita ko yung ngiti niya na nakakatunaw. Charot!

"Oh? Hi Rocky ^_^" bati ko.
"Nasan si Ryan?"
"Hmm may emergency daw eh. Gusto mo?" Alok ko sa kinakain ko.
"Ah no thanks. May ibibigay lang ako sayo" inabot niya sakin yung isang envelope.
"Ano to? Kanino galing?"
"Ahm pwede sa bahay niyo na lang yan buksan? Hatid na kita"

Sabi niya ng nakangiti. Wow, pati siya nagbago na din?

"Hmm sige. Alam mo ba bahay ko?"
"Oo naman"
"Pano mo nalaman?"
"Kay Ryan. Kanino pa ba?"
"Ahh okay"

Tapos sumakay na ako sa kotse niya. Ang ganda! Mukhang sports car! Sana magkaron din ako nito. Bagay sa kanya yung kotse niya na red..

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya.
"Hmm oo eh. Bakit? Lilibre mo ba ako?" Okay, makapal na kung makapal ganun talaga.
"Sure. San mo gusto kumain?"
"Hmm sa Japanese restaurant!"
"May lahi ka bang Japanese?"
"Wala! Pero I love their foods hihi"
"Ahh gusto ko sana sa bonchon eh"
"Korean restaurant yun ah? Ayoko kasi ng sobrang anghang eh. Hinihingal ako"
"Ahh sige dun na lang tayo sa gusto mo"

Tapos pinark niya yung napakaganda niyang kotse sa parking lot. Bababa na sana ako ng hawakan niya yung braso ko.

"Ako na :)" nauna siyang bumaba at binuksan yung pinto kung saan ako nakapwesto.
"Thanks"

Nang papasok na ako, pinigilan niya ako..

"B-bakit?"
"Sa iba na lang tayo" sabi niya.
"Ha? Bakit? May masama ba dyan?"
"Wala. Tara bumili na lang tayo ng favorite mo sa Sm"
"Anong problema? Sm? Ng gantong oras?"
"Oo. Ihahatid naman kita sa inyo eh"
"Hmm sige"

Sumakay na ulit ako. Nung titingnan ko kung anong mali sa restaurant na yun ay bigla niyang binilisan ang pagpapatakbo sa kotse niya..

Tinitigan ko siya at nakikita ko sa kanya na galit siya.. Bakit kaya?

"Rocky--"
"Don't asked, okay? I'm focusing on driving"
"Ah sige"

Tapos tahimik na ulit. Wala ng nagsasalita samin. Ano kayang nangyari? May nakita ba siyang hindi kaaya-aya dun?

"I'm gonna drive you home. Sorry sa ginawa ko. Bibilhan na lang kita ng dried seaweeds mo bukas ha? Ingat ka :)"
"Okay sige ikaw din, ingat" bumaba na ako at nagwave sa kanya.

Pumasok na ako at nakita ko na naman siya. Ano ba yan! Ang kulit niya talaga.

"Sam, maniwala ka na sakin oh"
"Les, uwi ka na. Anong oras na eh"
"Sam, nakita ko sila"
"Ano na naman ba yun?" Naiirita kong tanong. Ang kulit niya talaga.
"Kumakain sila sa Japanese restaurant na malapit dito"
"Wala akong nakitang Ryan at Sienna dun. Pumunta kami ni Rocky. Wag mo kong pinagtitripan, Bessy. Di nakakatuwa"
"Totoo naman eh. Bessy, mag observe ka kasi"
"May emergency sa kanila kaya nauna na siyang umuwi. Wag kang gumawa ng istorya" paakyat na ako ng may sinabi siya.

The Charm AcademyWhere stories live. Discover now