From: MadisonBabe
Good Morning Drew <3
Receiving a simple text like this from the woman I love first thing in the morning could make my bright day even brighter.
To: MadisonBabe
Good Morning Babe <3 Sunduin kita. Sabay tayo papuntang school. Love you.
Bumangon na agad ako't naligo. Simula nung sagutin ako ni Madison parang naglalakad ako parati sa ulap. Alam mo yung pakiramdam na sobrang sarap. Yung kahit badtrip kana. Basta't maisip mo lang na, na sayo na ang babaeng pinapangarap mo lahat sasaya sa paningin mo.
Aaminin kong nahirapan akong makuha siya lalo na't iba ang nagugustuhan niya. Kaya lahat ginawa ko at masasabi kong worth it lahat yun lalo pa't ngayon masasabi kong akin siya. Ang sarap lang ipaglandakan sa buong mundo kaso iilan lang kaming nakaalam. Di ko alam kung bakit, pero sabi niya gusto niya private life, para walang nangengealam. Di ako okay dun, pero dahil yun ang gusto ng mahal ko. Tatanggapin ko.
Katatapos ko lang magbihis ng biglang may kumalampag sa pintuan. Leche sinisira talaga ang araw ko eh.
"DREEEEEWWWW!!! BUKSAN MO 'TO BILIIIISSSS!!"
Inhale.. Exhale.. Inhale.. Exhale.. Relax Drew. You're too handsome to be Angry. Nagmomodel pose muna ako sa salamin. Tsk! Ang gandang lalake mo talaga Andrew Matteo De Vega. Kaya maraming babaeng nagkakandarapa sayo e. Pero sorry sila, my heart only belongs to Madison West.
Nagtungo na ako saking pintuan at pinagbuksan ang nagwawalang panget na babae.
"Sinong nagbigay sayo ng karapatan mangkukulam para magwala sa labas ng silid ng prinsepe?" Taas noo kong sabi habang ang kamay ko ay nasa dibdib.
"Aray! Aray! Di na. Araay! Ang ganda mo po ate! Sobra. Ikaw pinakamaganda sa lahat! Aray! Naman eh" napahawak nalang ako sa kawawa kong tenga. Tss. Pipingutin ba naman ako. "Ano na? Bat ka ba nandito?" Inirapan lang ako ng loka.
"Iiiiiihhhhhhhhh!!!" Napatakip ako ng tenga ng biglang syang sumigaw. Jusq! Bat mo ba ako binigyan ng kapatid na ganito. Para syang timang na nagtitili. Parang kinikilig.
"Ano ba ate!!"
"Kasi bro. Umuwi na si Tristan. Yung sinabi ko sayo dati na classmate ko na crush na crush ko" at ngayon para na siyang bulateng binudburan ng asin. Leche yun lang pala.
"So? Mas gwapo naman ako dun" Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa dining table. Sumunod naman siya.
"Ew no way. Tsaka kasama nya yung kapatid nyang babae. Balita ko dun daw sa school nyo siya mageenroll. Di ko pa nakikita yung kapatid nya. I'm sure sobrang ganda nun. Sobrang gwapo ng kuya nya eh." At nagsimula na naman siyang kiligin.
Mas maganda parin si Madison dun for sure. Di ko na siya inimikan at nagsimula nalang kumain.
Kami lang ni ate at mga kasambahay lang ang kasama namin dito sa mansion. Laging wala si Mom at Dad. Minsan lang kami magkakasama kaya minsan nakakalungkot. 3rd yr college na ako sa kursong business administration habang si ate Andrea Marie naman ay police. Nakakatawa nga eh. Siya lang siguro yung police na maarte. Wala eh. Yun daw yung passion nya.
"I'll go ahead ate. Susunduin ko pa si Madison"
"Sige. Ingat."
Pumasok na ako sa kotse at umalis na. 6:30 pa lang. Maaga pa. Huminto muna ako sa nakita kong flower shop. Sosorpresahin ko nalang ang mahal ko.