Chapter 1

67 1 0
                                    

Sam

"Is it time to go back muffin? I badly want to get what's mine. Natapos ko na naman yung pinatrabaho ni grandpa. Tapos na ang problema. Wala ng hadlang. Di ko na kailangang lumayo. Wala ng kailangang ilihim." Tanong ko sa pusa ko. We're on our favorite place—in my condo— in a big glass wall watching the city lights. The scenery really soothes me.

"meow"

"But he already got a new girlfriend." Mahinang sabi ko.

"pprrrrr..." Pumulupot ang pusa ko saking binti. Binuhat ko naman siya at nilagay saking kandungan habang hinahaplos ang malambot niyang balahibo.

"Right. Girlfriend pa naman. Maagaw pa." I pause. "Ah hindi pala, cause in the first place. Akin naman talaga siya. Babawiin ko lang." Binitawan ko si muffin at kinuha ko ang laptop ko sa gilid. Agad ko itong binuhay at mukha nilang dalawa ang sumalubong sakin.

I admit, she's pretty. She's so simple. chinky eyes, narrow nose, thin lips, she's white as snow. Her aura is so calm that even the wildest animal can be easily tamed.

Napatingin naman ako sa lalakeng nasa kaliwa nya. Agad ko itong hinaplos na para bang mahahawakan ko siya. Napangiti ako ng mapait. Its been 4 years since I left him. Naalala ko pa kung pano siya magmakaawa. He even tried to migrate here in France and enrolled to the school I went. He never gets tired. But I also never get tired hiding from him. Until 1 day nanahimik na lang siya bigla. Yun pala tumigil na siya. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Iniiwasan ko talagang makibalita sa kanya. And now looking at this photo alam kong malaki na ang pinagbago niya. He looks intimidating. Wala na yung masiyahing aura niya. Ngumingiti pero di umabot sa mata. His muscles are more toned. I bet mas tumaas siya ngayon.

"Damn Zeke! Baby... I miss you so much"

Nasimula na namang mamuo ang luha saking mata. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Wala akong karapatang masaktan o magalit. Dahil kasalanan ko naman. Iniwan ko siya. Iniwasan. Without a proper explanations. Di ko na napigilan sumumsob ako saking binti at napahagulhol na ako. Sana tanggapin mo pa ako. Sana hindi pa huli. Sana ako parin.

Hindi ko alam kong ilang minuto akong umiyak ng may tumikhim saking harapan.

"Tapos ka na?"

Agad ko siyang tiningnan. All I can see is her silhouette. Dahil may luha pa ang aking mata at madilim ang paligid. Pero alam kong siya yan. Di ko siya pinansin. Pinahid ko ang aking mga luha at tumingin nalang sa labas. Ramdam kong tumabi siya sakin.

"Sorry ha di ko yan mapupunasan. Wala kasi akong dalang panyo. Pero mukhang tapos ka na naman. Lutuan moko. Tiningnan ko kanina ang kusina kaso walang pagkain. Nagugutom na ako." Napasapo ako saking noo. Tangina.

"Panira ka talaga! Alam mong nagmomoment ako dito! Lumayas ka nga!" Nakita ko namang umirap siya.

"PSH." Kinuha nya ang laptop ko at tiningnan. "Woah! Si Ezekiel to diba? Damn! He's sizzling hot. Ang gwapo na ng crush ko!! At sino to? Girlfriend nya? Pfft! Ang panget. Ano ba tong mga tipo ni Zeke! Una ikaw. Tapos ito? Damn I really can't understand him. Ni wala pa nga sa kalingkingan ko yang ganda nyo." Pailing-iling nyang sabi. Di na ako nakatiis at sinabunutan at pinaghahampas ko na agad siya.

"Leche ka!! Lumayas ka dito!!"

"Ano ba! Araaay! Totoo naman ah! Ang papang—ARAY!! Ikaw!!!" At nagsabunutan na kami ng dalawa.

Agad naman akong nakalayo at kinuha ang chopstick di kalayuan sakin at pinusod ko ang aking buhok.

Mata sa mata

Ngipin sa ngipin

"Haaaaaaaaagh!!" Sabay naming sigaw at kapwa nagpaulan ng suntok sa isa't isa.

Not YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon