Drew
I really can find inner tranquillity as I look out from the edge of this lofty precipice. My favorite place indeed.
Walang nakakaalam na dito ako pumupunta tuwing kailangan ko ng panahon para sa sarili ko. Masyado na akong lulong kay Madison. Ang pagprepressure ni dad. Dumagdag pa si Samantha at mga tropa ko. Simula nung nangyari nung first day iniiwasan na nila ako. Porke nakakahiya daw ako't pumapatol sa babae. Hindi daw sila dapat sinasaktan dapat pinasasarapan. Mga ulol eh di naman yun babae at mas masahol pa dun ang mga ginawa nila. Tangina. Di ko na alam ang gagawin. Nababanas na talaga ako.
Tumingin ako sa baba. City Lights. Sino bang hindi magagandahan sayo? Napapikit ako ng maramdaman ang malamig na sariwang hangin na humahaplos sakin. Kalma Drew. Kalma.
Dalawang linggo narin ang nakalipas nung nagsimula ang klase. Dalawang linggo naring di nagpaparamdam si Madison. Dalawang linggo narin akong nababanas sa Samantha na yun. At Dalawang linggo narin nila ako iniiwasan at ang malupit pa dun si Samantha na ang trinopa nila. Mga bwesit! Alam naman nilang pinaglalaruan lang ako ng babaeng yun pero mas kinakampihan pa nila. Humanda ka talaga sakin Sam.
Nagpalipas pa ako ng ilang minuto dun ng may narinig akong pamilyar na tunog ng sasakyan. Pano niya nalaman ang lugar na to?
Huminto sya ilang metro saakin. Di niya ako nakita dahil masyadong madilim ang parte na'to. Pero kita ko kung pano siya nahihirapang bumaba sa kanyang motor. Suot parin niya ang kanyang helmet. Naglakad siya patungo sa pinakadulo. Naalarma naman ako kasi baka tumalon siya. Di nagtagal ay napaluhod siya at tinanggal ang helmet.
Narinig ko ang hagulhol niya kasunod non ay bigla siyang sumigaw.
"AYOKO NAAAA!!!! Please take this pain away! Pleeaaaasseee Set me Freeeee!!"
Sinusuntok suntok na niya ngayon ang dibdib niya. Di ko siya maintindihan pero naawa ako sa kanya. Ang nakikita kong Samantha ngayon ay ibang iba sa Samanthang nakakasalamuha ko araw-araw. Gusto ko siyang puntahan at yakapin. Gusto kong matuwa dahil nasasaktan siya ngayon. Pero di ko kaya. Mas gugustuhin ko pang suntukin siya kesa makitang ganito.
Ilang oras akong nagpalipas doon para bantayan siya. Nakatingin lang ako sa bawat kilos niya. Di ko na nga mabilang kung ilang boteng alak na ang tinunga niya. Tsk ibang klase rin maglasing tong babaeng to. Nakaya niyang ubusin yun lahat?
Mukhang balak pa yata niyang matulog rito. Nang mapansin kong di na siya kumikilos ay pinuntahan ko na siya. Sht! Muntik pa akong matumba dahil nakatapak ako ng bote. Nang nakalapit na ako ay narinig kong mahina niyang mga bulong.
"Zeke.. *hulk* Zekeee" natigilan ako ng narinig ko ang isang pamilyar na pangalan.
"Baby.. Shorry.. *hulk* Baby I need you. Zekee pleashh..*hulk* Come bvack tsow mee.."
Humihikbi na naman siya. Binuhat ko siya patungo sa dala kong kotse. Buti pick up ang dala ko ngayon. Di ko pwede iwan tong motor niya dito baka di na ako sisikatan ng araw pagnawala to sakanyang paningin.
Hinatid ko siya sa pinakamalapit na motel. Di ko naman kasi alam kung san nakatira tong babaeng to.
Nilapag ko siya sa higaan. Buti di siya sumuka. Di ko maiwasang di siya pagmasdan. She's indeed a beauty. Oo na't mas maganda siya kay Madison. Oo na't siya na ang pinakamagandang babaeng nakita ko. PAGTULOG. dahil pag ito gising puro kalokohan lang ang nilalaman ng utak. Tss.
"Zekee." Napatigil ulit ako ng sambitin na naman niya ang pangalang ayokong marinig.
Kinumutan ko na siya at umalis na. Sana ibang lalake ang pinapahiwatig mo Sam. Dahil sisiguraduhin kong mahihirapan ang mga taong may ugnayan sa kanya.