Chapter 2

31 1 0
                                    

Sam

"Malapit na tayo kuya?"

Di ko na mabilang kung nakailang tanong na ako sakanya nito. Patungo kami ngayon sa bago kong condo. Kakalapag lang namin at sobrang pagod na ako. Like I want to sleep for the rest of my life.

"Tumahimik ka na lang at matulog!" Sungit.

Inirapan ko nalang siya at tumingin na lang sa kalsada. Kinakabahan ako. Alam niya kayang nandito na ako? Matutuwa kaya siya pagnakita niya ako? Syempre hindi! Sino bang matutuwa pag nakita niya yung taong mahal na mahal niya pero sinaktan lang siya?! Sabi ng leche kong konsensya. Bwst.

Binugahan ko ng hininga ang bintana ng sasakyan at isinulat ang pangalan ni Ezekiel na nakapaloob sa isang malaking puso.

"Move on sis. Di ka na niya mahal." Fvck.

"Shatap! Eyes on the road brother." Sabi ko ng hindi siya tinitingnan. Humalakhak naman siya.

"Focus on your studies. Not on boys Sam." Ramdam ko ang seryoso sa boses niya. I just rolled my eyes again.

"Yeah right! We all know that you have a brainy sissy kuya. Sadyang bitter ka lang. Kasi kami, pwede. Eh kayo?" This time nakatingin na ako sa kanya. Di siya sumagot and he just clenches his jaw.

"I know your deepest darkest secret brother." Nakakalokong ngumisi ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

Tinigil niya naman ang kotse sa gilid at tumingin sakin. Uh oh...

"Alam mo or nag aalam-alaman ka lang? You didn't know a thing but I know yours sis." Kumindat siya sakin at tumuloy na kami sa byahe.

Ako na naman ngayon ang banas na banas sa kanya. Damn! Siya na naman ngayon ang tanong ng tanong habang oo at hindi lang ang sinasagot ko sa kanya. Talagang wala na ang mood ko. Gusto ko ng magpahinga.

"Pagkatapos mong kumain matulog kana, maaga ka pa sa school bukas." Agad? Wala man lang pahinga?!

Nasa condo na kami. Sa wakas! gusto ko na talagang matulog. Papasok na sana ako ng hagitin ni kuya ang kamay ko.

"Ano?!" Pasigaw kong sabi.

"Sorry. I just want you to be safe. That's my job. Ikaw nalang ang natira saakin. Maguguho ako kung pati ikaw mawala." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Take care always okay? I'm just one call away. Remember that I'm always here for you little sis." At hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko. Napangiti ako. At niyakap din siya ng mahigpit.

"I love you kuya. Take care too. Ikaw nalang rin ang natira sakin. I can't afford to lose you too."

"I love you more. And I promise I will. Pumasok ka na. May pupuntahan pa kasi ako. I can't join you now." Tumango nalang ako at pumasok na.

Bahagya kong inilibot ang paningin ko sa bago kong tirahan. Ito ang dating unit ni kuya nung nag-aaral pa siya dahil malapit lang ito sa school nya na siyang magiging bagong paaralan ko rin bukas. Malinis ang paligid at maaliwalas. Walang glass wall pero may balcony naman so okay na. Di na ako nag abalang kumain at pumasok na sa kwarto't natulog.

May naramdaman ang may tumatapik sa mukha ko. Di ko lang ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagtulog pero dahil di parin ito tumigil ay minulat ko na ang mata ko. Mukha agad ni muffin ang sumalubong sakin.

"5 mins muffin!"

Ganyan lagi ang pusa ko pag alam niyang may pasok ako ng maaga. Di ko na kailangang ng alarm clock dahil may muffin na ako. Pero agad aking bumangon ng naalala kong nasa pilipinas na pala ako at may pasok pa ngayon. Sht! 8:30 ang nakalagay sa first subject ko at alas 8 na. Nagmamadali akong naligo at nag ayos. Hooo! late na ako.

Not YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon