Chapter 7

48 1 3
                                    

Drew

Sabi nila kung masaya ka tumawa ka. Pero iba rin ang trip nitong babaeng nasa harap ko. Umiiyak habang nakangiti. Kahit umiiyak siya, hindi mo mababakasan sa mukha niya ang lungkot. Dahil kasiyahan lang ang nakarihistro sa kanyang magandang mukha habang hawak hawak ang pisngeng hinalikan ni Ezekiel.

Hindi ko mapigilang ikuyom ang palad ko. Ano bang meron sa ugok na yun na bukod sa nakakasuka nitong mukha ay baliw na baliw sila rito?

Rinig ko lahat ng pinag-usapan nilang dalawa kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa at wala akong pakialam dun. Pero nung sinabi niyang mag-uusap pa silang dalawa sa ibang pagkakataon ay di ko nagustuhan. Imagining them talking and laughing wouldn't be good at my eye sight. Nakakagalit. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero siguro dahil sinabi niyang tutulungan niya ako. At hindi niya ako matutulungan kung magkabalikan sila ng ugok na yun!

Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang kanyang basang pisnge. Halos mapatalon siya sa gulat sa ginawa ko. Pero hindi siya umimik at hinayaan lang ako.

"Ang pangit mong umiyak."

Hindi parin siya umimik at mariing nakatitig lang sakin. Napadako naman ang tingin ko sa kanyang labi. Ang mga malalambot at pula niyang labi. Ang labi niyang nakakahipnotismo. Gusto ko rin siyang halikan. Gusto kong maglapat muli ang aming mga labi. Pero di ko ginawa at napaatras nalang. Tumingin ako sa mga mata niya at kita kong pagkabighani nito.

"Afraid huh?" Ngumiti siya ng nakakaloko at naglakad papasok sa restaurant. "Sumunod ka, mag-uusap pa tayo."

I suddenly want to punch myself. Bakit ba nakakakaba sakin ang ganong bagay? Pero bakit sa kanya parang wala lang? Shit! Calm Drew. I regain all of my senses at sumunod na sa kanya.

-

"So here's the thing—"

"I'll be your boyfriend." I cut her off. Kita sa mukha niya ang pagka bigla dahil sa sinabi ko. Di ko alam kung anong plano niya at wala akong pakealam dun. "Gusto kong ipamukha kay Madison na kaya ko siyang palitan. Gusto ko ring akitin mo yung Ezekiel na yun at kunin sa kanya. Gusto kong walang matira sa kanya Sam. Dapat wala. Gusto kong makita niyang ako lang yung tunay na nagmamahal sa kanya at magmakaawa sakin na babalikan ko siya."

Natahimik sya sandali at di makapaniwalang nakatingin sakin.

"Wait! First things first. Tauhan mo ba ako at kung makapag-utos ka ay parang kung sino?!"

As I've expect, ganyan ang magiging reaction niya. I gave her my evil smirk na siyang ikinataas niya lalo ng kilay. But honestly, kinakabahan na ako. Sana gumana ang ilalabas kong alas.

Dahan dahan kong ibinagsak sa mesa ang kanyang ID sa isang kilalang agency sa buong mundo. Nakuha ko ito nung pumasok ako sa suit niya kaninang umaga. Tsk! Kaya pala iba pakiramdam ko sa babaeng to. Delikado nga siya. But nah, babae parin siya. Still vulnerable. Nangmakita ko ang pagkabigla sa mukha ay ngumisi ulit ako. Kinakabahan na siya. I silently rejoice for my victory.

"Bat n-nasayo y-yan?!" Pumikit saiya ng mariin at galit na napatingin sakin muli. "Sabi ko na nga bat may iba kang balak kung bakit ka nasa kwarto ko kanina eh! Bakit mo kinuha yan!" and just a span of a second napalitan niya agad ang mood niya. Just like that. Tsk

"Chill" nakangisi kong sabi. "Hmm. Pano nga ba?" I gaze at the ceiling while holding my chin. Nagkukunwaring nagiisip. "Sabihin nalang natin na mas magaling ako sa'yo. Mag apply kaya ako jan, kundi palitan nalang kita?"  I chuckle, mocking her more. "Well, anyways. Plano ko ang masusunod or else malalaman 'to ng Ezekiel na yun."

Sandali na naman siyang natahimik. At ang akala ko'y magaalburoto ulit siya sa galit pero hindi. She just smile and shrug.

"Okay. That sounds fair. Pagseselosin ko nalang rin si Zeke." Napaamang akong nakatingin sa kanya. Ganyan ba talaga ka-abnormal ang mga babae? A second she's afraid with just a blink she's raging and now she's okay. The heck...

Not YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon