Chapter 2

194 2 2
                                    

Alyssa's POV

Dismissal ~~

Thank God it's Friday! \m/

Andito ako ngayon sa hallway ng school. Hinihintay ko mga friends ko. Ayoko naman maglakad. Ang laki kaya ng school na to. Ayaw ko mapagod.

Kaya, andito lang ako. Umuupo. Tinitingnan mga taong dumadaan. Iba't ibang lahi at kulay. Haha!

Twitter muna. . . .

Habang tweet ako ng tweet, eh bigla namang may kumuha ng atensyon ko.

"Psst" May narinig akong sit-sit. Sino yun? Ang creepy lang ha. Alam ko mga Pinoy lang ang mga sumisitsit eh. Pinagtritripan na naman siguro ako. Hay nako.

"Psst" Tumingin naman ako sa paligid ko. The heck?! Wala namang tumitingin ah. Makasoundtrip na nga lang.

Nagsalpak na lang ako ng earphone sa tenga ko. Bahala kayo sa buhay niyo.

Naka ilang music na ko, wala pa din ang mga bruha kong kaibigan. Saan naman sila pumunta? Di kaya iniwan nila ako? Makakatikim talaga sila sa'kin pag iniwan nila ako.

Every Friday kasi gumagala kami. Walang Friday na lumalagpas na hindi kami lumalabas. Kung saan-saan lang kami pumupunta.

Ang tagal lang.

Tatayo na sana ako para hanapin sila. Naiinip na ko eh.

"HOY!" Maka-Hoy lang?!

"Ay Chanak!" Ako. Nagulat ako. Mga lokang to!

"Wow! Chanak agad, di ba pwedeng si Barbie muna?" Lala. Isa sa mga kaibigan ko.

"Banat ba yun Lala? Mukhang hindi eh." HAHA! Loka talaga tong si Lala.

"Oh tama na yan. So, saan tayo ngayon gagala?" Si Aiza. Bestfriend ko yan. Mahal ko yan *u*

Sina Aiza at Lala mga kaibigan ko dito. Since pareho kaming mga dalagang Pinay, eh nagkakaintindihan kami. Laki sila sa Pinas ako lang hindi -___-

Syempre, marunong ako magtagalog kasi tinuruan ako ni Mommy. At marami din kaming pamilya ko dito sa Canada kaya natuturuan nila ako. Swerte ko nga nakatuto pa ako magsalita at intindi eh.

"Punta na lang tayo ng lake?" Ako. Maganda dun at hindi naman gaano kalamig kaya pwede na.

"Pwede na din at kain na lang tayo sa malapit na fastfood chain" Lala.

"Sige, dun na lang tayo. Pero baka mauna ako kasi, alam niyo naman, may work pa ko." Aiza. Ang sipag talaga nitong Bestfriend ko. Kaya mahal ko to eh.

"Ok lang yun" Ako. "Pero bago tayo umalis, pwede punta muna tayo ng announcement board? Next week na kaya finals natin. Di ko alam ang schedule." Kailangan ko din mag-aral no. Haha!

"Ay! Oo nga pala." Aiza. Kita mo to. Basta gala alam pero pag studies, nakkuuu! Pero alam ko kaya niya naman eh. Pinagsasabay niya nga ang work and study niya eh.

"Sige, tara na." Lala.

Kaya ayun, naglakad na kami papunta ng announcement board na malapit din sa exit ng building na to. Medjo malayo pa >.< Pero bago kami maka-abot dun. Punta muna kami ng lockers namin para kunin mga pag-aaralan namin. Ang bigat ng binders! >.<

"Oy dapat sabay tayo mag-aral. And then gala ulit tayo pagkatapos ng exams." Lala. Naglalakad na kami papunta ng announcement board. Ang daldal talaga ng babaeng to. Pero kahit na. Mahal ko din siya.

"Eh kung sama tayo mag-aaral for sure wala tayong isasagot sa test, lalo na ikaw Lala. Tinutulugan mo lang mga yun eh." Aiza. HAHA! Parati talagang ganyan yang dalawang yan. Maiingay.

"Oy grabe ka ha!" Lala. Makasigaw to, parang nakalulon ng megaphone. Napatingin tuloy mga students sa'min.

"Mahiya nga kayo. Ang iingay niyo." Ako. Eh kasi naman, agaw atensyon beauty namin. Haha!

"Nahiya ka pa Aly? Ikaw nga tong malakas magsalita eh." Lala. Aba babaeng to! Idamay pa ko. Pero totoo naman kasi sabi niya. Haha! Sorry naman! Nasa lahi. Haha!

"Pang untugin ko kayong dalawa eh" Aiza. "Oh ayan na schedule ng exams." Nandito na pala kami.

Tinignan namin schedule ng finals. Walang pasok Monday, ibig sabihin Tuesday, Wednesday at Thursday lang ang tests. Yes naman! Wala na din pasok Friday kasi Graduation na ng seniors namin. Grade 10 pa lang kami and hanggang Grade 12 ang highschool dito. Two more years pa.

"Galing naman. Walang pasok Monday. Wohooo!" Ako. Sabay kembot pa. \m/ Over lang? Haha! Masaya ako walang pasok eh.

"Ingay mo girl." Aiza. Ay KJ. -___-

"Hayaan mo yan, nababaliw eh." Lala. Tse! Nagmana lang din naman ako sa kanila ah. -3-

"You guys sounds like you're speaking an alien language." Bigla namang may nagsalita sa gilid ko. At pagtingin ko--

O__O! Eme.ghed!

Si Crush!  !O//////O!

Waaaah! Ang lapit-lapit niya naman ata. Oh Ghad! Ang ganda naman ng mata niya *u* Kulay green. Naaamoy ko din pabango niya. Pauwi na nga, nagpapabango pa. Tss. Nakakainlove tuloy. Waaaaah! :"">

"Oy! Aly! Hello! Earth to Aly!" Lala. Ay! Nagspace out naman siguro ako. Panu ba naman. Makatitig tong lalaking to, parang tutunawin ako.

"Huh?" Parang ewan lang. "Oh. Hi A!" Bati ko sa lalaking katabi ko. Naman eh >.<

"What's up Alyssa? Going home now?" A. Sabay kindat. Kindat?! As in wink?! Omeghed! Ang hot niya tingnan dun! Kyaaaaa! >.< Walangyang lalaki to! Halikan ko to eh. Joke lang! ^__^V

"Yeah! We're going home now!" Aiza. Sabay hatak sa'kin. "See you around A!" Ay, bakit nila ako nilalayo kay Crush ko? Mga epal toh.

"Alright! Bye! See yah. Take care Alyssa!" A. Naks! Special mention ako oh! :">

Nang makalayo layo na kami. . .

"Teka. Teka." Sabi ko kay Aiza. Makahatak to. "Bakit mo ba ko hinahatak. Madadapa ako niyan eh." Masira pa beauty ko. Ano ba yan?! Haha!

"Panu ba naman girl. Nawawala ka sa sarili mo. Si A lang kaharap mo, lumipad na utak mo sa kalawakan." Lala. Sabay pameywang. Nanay lang ang peg? Haha!

"Oh ano ba masama dun like duuhh?!" Ako.

"Ewan ko sa'yo" Aiza. "Tara na nga. 4:30 na oh. Hanggang 5:30 lang ako. May work pa ako."

"Sige." Lala.

"Tara na nga." Ako.

To be continued. . .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[A/N]

Hello ulit! ^__^

Salamat sa mga nagbasa! :*  Haha!

Sorry po kung boring :/

WALA PA PO TAYO SA MISMONG STORY.

Hindi pa nagpapakilala si Mr. Leading Man eh. Haha!

Sana po wag kayong mainip sa kakahintay ng update(:

Spread Love. Spread this story.

Vote and Comment. They are Appreciated. 

THANKYOUSOMUCH!

Summer Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon