Alyssa's POV
Pinasakay na ako ni Maggie sa taxi. Sorry naman, di ko alam paano magcommute eh. (_ _)"
Ewan ko ba dun sa babaeng yun. Bigla bigla na lang iiwan ako. May research daw. Tsk. Babaeng yun, di talaga nagtitino sa pag-aaral. Palibhasa, mukhang pasaway. Tssss. . .
"Ma'am, nandito na po tayo sa address na binigay sa'kin ng kaibigan mo."
Di ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay nina Tito. Bumaba na ako since binayaran na kanina ni Maggie ang pamasahe. Sobra sobra pa nga ata yung binigay niya eh. Well, I don't care, sa kanya namang pera yun eh. Haha!
Napansin ko, may nakaparada na car sa labas ng bahay nina Tita. May bisita siguro silang dumating. Ewan, baka about sa business naman yan. As always, parating busy mga parents ni Maggie. Di naman matitiis yun eh. Para naman sa future ni Maggie yun. Anyways, sino kaya tong bisita nila. Ang ganda ng car ah. Pangmayaman.
Pumasok na ako sa gate. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may marinig ako.
". . . Well then, she needs to study here. She has to."
Oh no, don't tell me siya yung may ari ng car na yun sa labas ng gate at siya ang bisita nina Tito?
Dali dali kong binuksan ang pinto . . . at tama nga ang hinala ko.
"Dad?!" Oo, tama si Daddy nga. Ano naman kaya ang pinunta niya dito?
"Alyssa! Baby!" Sabi niya sabay tayo sa kinauupuan niya at niyakap niya ko ng mahigpit.
Namiss ko Daddy ko. Hindi kasi namin kasama ni Mommy si Daddy papuntang Canada because of some businesses here. Bumibisita naman siya sa amin dun sa Canada pero minsan lang. Kaya nga sobrang namiss ko siya eh.
Kuna naitatanong nyo kung bakit hindi ako nagstay kasama si Daddy, it's because he's always out. Siya lang naman mag isa sa bahay niya, so kapag dun ako magstay sa kanya, mabobored din ako. Kaya dito ako kina Maggie nagstay para naman may libangan ako tsaka mas maraming mapupuntahan dito sa lugar nila.
"I miss you Dad." Sabi ko sa kanya. Niyakap ko muna siya ng mahigpit bago humiwalay sa kanya.
"I miss you more. It's been a long time since the last time I saw you." Sabi ni Dad.
"Oo nga po eh. Kamusta na po kayo?"
"Ayos lang ako Nak. Eh ikaw? Ang laki mo na. Dalaga na anak ko." Sabi pa niya.
"Hahaha! Okay lang din naman po. Eto, nagbabakasyon dito sa Pinas."
"Hindi mo man lang sinabi sa'kin na magbabakasyon ka dito. Nalaman ko lang nung sinabi ng Mommy mo. Yang Mommy mo talaga." Sabi niya sabay iling iling pa.
"Sorry po ah. Dun po tayo sa living room, Dad." Sabi ko at naglakad na ako papunta ng sala.
"Nga pala Dad, bakit po kayo nandito? Gabi na eh. Kanina pa po ba kayo?" Tanong ko pagkaupo na pagkaupo ko sa sofa. Napagod ako sa gala namin ni Maggie kanina.
"Ahh. Kasi may sasabihin sana ako sa'yo eh. Sinabi ko na din sa Tita at Tito mo." Sabay tingin kina Tito. Ngumiti na lang din sina Tito at Tita.
Bakit? Anong meron?
"Ano po ba yon?" Nacucurious ako eh.
"Aaah. Anak, tumawag kasi Mommy mo eh."
BINABASA MO ANG
Summer Love.
Teen FictionI still remember way back then,waking up with you in my arms. Summer together, felt so right. You're the one that opened up my heart. I didn't know just what I had back then. Everytime that summer comes around, I'm reminded of you. I just can't stop...