Alyssa's POV
Umaga ngayon at nag-aayos ako. Know why? Kasi. . . papasok na ko. Yes, I'm going to school na. Maaga akong nagising kasi kailangan ko pa mag-ayos. Syempre first day ko to no, kailangan presentable ako para good impression ako sa mga taong makikilala ko.
It's been a week na nung sinabi ni Daddy na mag-aral daw ako dito sa Pilipinas. Nag usap na din kami ni Mommy through Skype at tinanong ko siya bakit dito niya ko gusto mag-aral. Ang sabi niya, gusto niya daw maranasan ko ang lifestyle dito sa Pilipinas kaya niya yun napagdesisyunan. Well, wala naman akong choice, di na ko nakipagtalo.
Sina Tita na ang nag ayos ng enrollment ko so wala akong problema dun. Nalaman din ni Maggie na same school kami mag aaral at excited ang bruha tungkol dun kesyo daw may kasama na siyang mantrip. -___- Kita mo lang, ang sama talaga ng babaeng yun. Tss. . .
Bumaba na ko para kumain ng breakfast and andun na din si Maggie. Binati naman niya ko pagkakita niya sa'kin.
"Good Morning!" ^___^ Si Maggie yan. Mukhang mas excited pa siya sa'kin ah. Haha!
"Good Morning din! Excited na ko sa first day ko! Haha!" Kahit naman papaano, naeexcite akong mag aral dito noh. Lalo na if I get to know new people. ^___^
"Ako din! Haha! Atleast naman may matino na akong makakausap sa school." Gagi talaga. Di ko to minsan maintindihan eh.
Ayun, kumain na kami ng breakfast at umalis na. Hinatid kami ni Tito sa school.
"Ingat ka sa school Alyssa. Good luck na din. Bantayan mo yang pinsan mo." Sabi ni Tito. Ah so ganun? Gagawin akong taga bantay? Lakas trip ni Tito ah. Joke lang. Haha! ^__^V
"Haha! Sige po. Thank you po. Alis na kami! Ingat na din kayo." Sabi ko bago lumabas sa car.
Hayys. Eto na nga. Parang magbabagong buhay dating ko neto eh. Tsk tsk!
Pagpasok namin sa gate, hala lahat nga tao nagtitinginan sa'min or particularly sa akin.
What?! Parang nakakita naman sila ng alien kung makatingin sa'kin. Seriously?!
"Maggie, talaga bang ganito school niyo pag may transferee? Makatingin sila eh, parang matutunaw ako." Naglalakad kami dito ni Maggie sa hallway and yes, pinagtitinginan pa din kami (_ _")
"Hayaan mo yan. Don't mind them." Sabi niya.
Maganda din naman pala tong school niya eh, so far. Di pa kasi ako nakapaglibot syempre kakadating ko lang. Haller?! Sana naman may magtour sa'kin dito noh. =____=
Naglalakad pa din kami dito. At rinig na rinig ko yung bulungan ng mga students sa hallway. Seryoso?! Bulong ba yun? Rinig na rinig ko eh. -___-
"Sino siya?"
"Bago ba siya?"
"Siguro, ngayon ko lang siya nakita eh."
"Ang pretty naman niya. Ang puti pa."
Yan mga naririnig ko. Mga lowerclass students ata sila. eh. Mga Freshmen ata and Sophomores. Nga pala, Senior na ko! ^____^V Ibang iba talaga dito kesa sa Canada.
"Oy ganda pre oh!"
"Chicks to pare."
"Single kaya yan?"
Yan naman mga naririnig ko sa mga lalaki =___= Ang mamanyak lang ha. Kinikilabutan ako.
At ang mas nakakaloka ay yung narinig ko. Pinaparinggan ata ako eh.
BINABASA MO ANG
Summer Love.
Teen FictionI still remember way back then,waking up with you in my arms. Summer together, felt so right. You're the one that opened up my heart. I didn't know just what I had back then. Everytime that summer comes around, I'm reminded of you. I just can't stop...