Alyssa's POV
Kinaumagahan, nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Mukhang magiging maganda ang araw ngayon. Mainit eh. I can feel the Summer. ^__^
Bumangon na ko para maghilamos at toothbrush na din.
Naalala ko tuloy yung away namin ni Mommy. Galit pa kaya siya sa'kin? Ayaw ko nang nag aaway kami ni Mommy eh. Siya lang kasama ko maliban sa mga friends ko. Mahal ko Mommy ko kahit minsan magkagalit kami. Sana di na siya galit sa'kin.
Bumaba na lang din ako. Nagugutom na ko. Di ako nakapagdinner kagabi kasi nga dali dali akong umakyat sa room ko.
Pagbaba ko, naaamoy ko luto ni Mommy. Wala pala siyang work, weekend kasi. Day off niya.
Pumunta na din ako sa kitchen. Medjo takot pa ko kasi baka galit pa siya sa'kin.
Pumunta ako ng fridge para kumuha ng tubig.
Napansin naman ako ni Mommy, kaya binati niya ko.
"Good Noon Nak!" ^_^ Huh? Noon? Aww. Late ako gumigising tuwing weekend. At ano nangyari dito? Kagabi lang galit siya sa'kin ah? (O.o)
"Good Noon din." Dinala ko yung baso ko sa island table dun mismo sa kitchen at umupo sa silya.
"Nagluto ako ng favorite mo!" Sabi ni Mommy sabay lagay ng pagkain sa table.
Wow! Paborito ko niluto ni Mommy. Himala! I Love You Mommy :*
"Thank you." Yun lang nasabi ko. Naiilang kasi ako.
"Nak, sorry nga pala kagabi ah." Sabi niya sabay kuha ng juice niya sa counter at lapit sa'kin.
"Uhhmm. Okay lang po. Sorry din kung tinarayan at sinigawan kita kagabi." Totoo yun. Di ko naman kasi sinasadya eh. Nadala lang siguro ako.
"Sorry talaga Nak ha? Promise, di na uulitin ni Mommy." Sabi pa niya.
Di ko din naman matitiis Mommy ko eh.
"Okay na po. Bati na tayo." ^__^ Then binigyan ko siya ng sweet smile na pinamana niya sa'kin.
"Sige, kain ka na. Di ka nagdinner kagabi. Alam ko gutom ka." Kaya ayun. Kumain na kami.
Pagkatapos namin kumain eh, umakyat na ko para maligo. Wala naman akong gagawin. Kailangan ko nga lang mag-aral para sa finals.
Pagbaba ko ulit, nakita ko si Mommy sa couch, nakaupo. Nanunuod ng movie.
"Mie, wala kang lakad?" Himala ata wala siyang lakad. Kasi every weekend, ako lang mag isa dito kasi umaalis siya kasama friends niya.
"Wala eh." Hmmm. May plano siguro tong Mommy ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Bakit? Di ba pwedeng kasama ko Princess ko over the weekend?" I can sense. May kailangan to sa'kin. Ganyan naman parati eh. Haha! Sweet pag may kailangan.
"Mie, alam ko may kailangan ka eh. Paligoy ligoy ka pa. Sabihin mo na." Sabay lapit at upo din sa couch. Ang Mahal kong Nanay talaga. Marunong din magpakipot. >.<
"Halika dito." Sabi niya. Lumapit din naman ako sa kanya. Niyakap niya ko. Mahal ko talaga Mommy ko. Niyakap ko din siya.
"Ang laki mo na Baby no?" Sabi niya sabay haplos sa buhok ko. Namiss ko si Mommy kahit parati naman kaming kasama. Iba kasi dito eh. Parang nauubos na ang time ng parents mo sa'yo dahil busy silang lahat sa work.
BINABASA MO ANG
Summer Love.
Teen FictionI still remember way back then,waking up with you in my arms. Summer together, felt so right. You're the one that opened up my heart. I didn't know just what I had back then. Everytime that summer comes around, I'm reminded of you. I just can't stop...