Complicated Pangatlo 3

6 0 0
                                    

Hindi ko alam bakit palagi kong katext yung Ranz na yun e. Hindi naman kasi siya boring katext, masaya pa nga kasi ang kapal ng mukha niya. Naiinis ako kasi feeling ko. arrrgh nagugustuhan ko na din siya... haaay ewwws lang.

Isang beses nung magkatext kami..

R: "Ah crush *yan tawag niya sakin pero Boromeo tawag ko sakanya ano siya sineswerte?* Pwedeng magtanong?"

T: "Nagtatanong ka na po =____="

R: "Ah."

T: "Ano?! ang tagal"

R: "Ahh Pwedeng manligaw?"

T: "Hindi"

R: "Ha?! Bakit?"

T: "Una sa lahat kakakilala lang natin, Pangalawa ayaw ko ng galing sa text ayaw kong nagliligawan sa TEXT. para saakin hindi seryoso pag ganun"

R: "Ahh ganun ba"

Yap binasted ko siya ano ako easy to get? papaligawin ko agad porke gusto niya ako? echos.

Dalawang linggo ang nakaraan. lagi pa din kami magkatext

*//

"Okay, class dismissed" Hay sa wakas nakakaantok talaga magaral buong araw. Nakakatamad =___=

Nagaayos ako ng gamit para makauwi na ng bigla may nilagay si Boromeo sa bag ko na papel.

"Aba't! Mukha bang basurahan bag ko? Oo magulo pero hindi basurahan to Mister!" sigaw ko sakanya.

"Ano-- ahh. Halika na hatid kita pauwi. Mamaya mo na tignan kung mahanap mo man sa bag mo na parang jungle" Aba loko to ah =___=

"Bakit mo naman ako ihahatid? Ano ba kita? Tabi nga diyan naghihintay mga kaibigan ko" Sinuot ko na ang bag ko at umalis na. hinihintay na ako nila Monet sa labas. Kami kasi laging huling nadidismiss.

Bigla namang may humawak sa kamay ko at hinila ako.

"Monet ako na bahala sakanya ha? Bye Monet!" huminto kami kila Monet at dahil si Monet lang kilala niya, sakanya lang siya nagpaalam.

"Hoo-ooy! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sakanya. ang bilis niya kasi maglakad.

"Ah! Bye Tel text nalang kita!" sigaw ni Monet hindi na ako nakapagpaalam ng maayos dahil ang bilis nitong mamaw na to.

Paglabas namin sa gate ng school. Biglang siyang bumagal..

"Oh buti naman huuu. kapagod, bitiwan mo nga ako!" hinugot ko agad kamay ko "Ahm? San pala daan sa bahay niyo hehe" sabay kamot sa ulo niya. "Hissh! Yan kasi nagmamagaling! Sa kabila po kaya yung sakayan namin!" tumalikod na ako at naglakad. Hay nako. Kung makahila naman kasi. kainis "Sorry hehe hatid na kita ah?" sumabay siya saakin maglakad. "May magagawa pa ba ako? =___= wala na yung mga kasabay ko oh?" haaay magpapakwento nanaman mga yun -.- hindi nga nila alam na katext ko na yun e.

**//

Hindi ko na pinapasok ng bahay si Boromeo, mamaya ano pa isipin ng kapatid ko at ni Naynay Betty.

Umakyat na ako at nagbihis. Bumaba ako parang kumain ng Bananacue na ginagawa ni Naynay Betty. Ang bangoooo nakakagutom

Pagkatapos kong kumain pumunta na ulit ako sa kwarto, naalala ko yung assignment namin. Nangangalkal ako ng basura--este gamit ng may nakita akong papel na may nakalagay na pangalan ko. Kulay violet siya at yung pangalan ko,mga gupit gupit na letter galing sa magazine. Ah! Naalala ko na yung tinapon pala ni Boromeo na papel. Oo pala sabi niya buksan ko pagnasa bahay na ako.

Louisse Cristeline,

Ang ganda talaga ng pangalan mo, kasing ganda mo. :) Alam mo ba, una ko palang kita sayo tumibok na ang puso ko. Grabe kaya hindi na ako nagpahuli at ginawa ko na ang lahat makuha lang number mo. Gustong gusto talaga kita e -.- Kaya nung sinubukan kitang ligawan. Nasaktan ako kasi nabasted ako. pero siyempre hindi ako susuko. Sabi mo kasi ayaw mo sa text. Nahihiya naman ako na sabihin sa personal kaya ito sinulat ko nalang. Sorry medyo corny ha? :) Pagpasensiyahan mo na din sulat ko. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon para maputanayan na seryoso ako. Oo mapagbiro ako pero promise sa pagkakataong ito seryoso ako. Seryoso ako sayo. Mahal na nga ata kita e. Sana sabay tayo mahulog sa isa't isa. Kahit ilang beses ka mahulog sasaluhin kita basta huwag ka lang mahuhulog sa iba :)

Pwede bang manligaw? :)

Nagmamahal ng totoo sayo,

Ranz mo :)

O.O ohh ehmm.

AHHHHHHHH! Anak ng tinapa!! kinikilig ako. emergerd emergerd talaga!!! :))))) shocks. kaya pala ayaw niyang basahin ko kanina.

*1 msg received

Boromeo

"Ah crush. nabasa mo na ba? :)"

Ako

"Oo hahaha!"

Boromeo

"Awtsu, basted nanaman ba ako? -.-"

Ako

"Oo"

Boromeo

"Haaaaay :(((( :)"

Ako

"Oo, pwede ka ng manligaw"

Boromeo

"Talaga????!! Yeeeees! Yeees! Tingin ka sa labas ng bintana mo"

Ha? O.O bigla naman akong tumingin sa bintana at nakita ko sa kabilang kalsada harap ng bahay namin

*Calling... Boromeo*

"Ah hello? Bakit hindi ka pa pala umaalis diyan??"

"Hindi pa, gusto ko kasing makita at marinig ko galing sayo yung sagot mo" makikita mo na ang lapad lapad ng ngiti niya. hindi ko tuloy maiwasan mapangiti. ano.. ano ba to ayshh.

"Pwedeng manligaw?" Nakatingin siya sa bintana ko at ngiting ngiti naghihintay ng sagot ko.

"Ahm Oo?" sabi ko sakanya ng nahihiya. grabeee!

"Yeeeeees!!!!!" sigaw niya with matching suntok sa hangin.

"Aray! huwag kang sumigaw!" grabe hindi muna nilayo ang phone -.-

"Aww sorry sorry. Salamat sa chance Louisse ko!"

"Hindi pa kita sinasagot huwag kang feeling. At hindi mo pa ko pagmamayari! belat"

"Okay lang. Ang saya lang ng feeling paano pa kaya pagsinagot mo na ako? Basta akin ka na ha? Sige alis na ko Louisse ko" pinatay niya na ang tawag at kumaway saakin. Kahit naglalakad na siya palayo nakikita ko pa din ang ngiti sa kanyang labi.

bye. nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanya.. :)

ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon