"Raaanz!" binatukan ko tong gunggong na lalaking ito, paano ba naman kasi may ginawa nanamang kalokohan! -.-
"Hehe Tel ikaw pala?" tapos biglang tumakbo!
"Bumalik ka dito RAAAAANZ!" sabi ko habang nagpapadyak ng paa na parang bata.
Ano ba sa tingin niyo ginawa niya? Aba ang loko! Sukat ba namang loko lokohin yung substitute teacher namin! kung ano ano sinabi niya -.-" ay grabe talaga yun.
"Grabe talaga si Ranz no? lakas ng trip hahaha" sabi saakin ni Jeswel
"Hay nako, isip bata talaga" kinuha ko na mga gamit ko. kakatapos lang ng klase namin eh.
"Bakit kasi pinoproblema mo pa?" sabay kaming naglalakad ni Jeswel ngayon sa corridor.
"Nasanay na kasi ako" humarap ako sakanya at binigyan ko siya ng tipid na ngiti.
"Hayaan mo na yung girlfriend niyang mamroblema sa kanya, hindi mo na yung gawain eh. pasensiya na ha" humarap siya sakin. at binigyan din ako ng tipid na ngiti.
"Oo na, hindi na pala ako may gawain nun, hindi na ako.." nginitian ko siya at nagpatuloy maglakad..