Complicated Ang Simula 1

8 0 0
                                    

"Tel teeeeel teeeeeel!" sino ba tong impakto na tawag ng tawag sa napakaganda kong pangalan.

"Ano?" kanina niya pa kasi ako kinukulbit. akala mo naman close kami.

Second day palang kasi ngayon ng pasukan at nagbigay na ng seating arrangement. Eh sa kasamang palad nasa likod ko tong si.. ano na pangalan nito? wait isipin ko..

"Teka? paano mo nalaman pangalan ko? atska excuse me. Hindi tayo close para tawagin mo ko sa nickname ko" ang fc lang ng lalaking to.

"Ang sungit mo naman =___= eh kasi narinig kong tinawag ka nun ni Monet kanina. pwedeng kunin number mo?" ngiting ngiti na sabi niya. Nagpapacute o Natatae?

kunin number ko? grabe? agad agad? pbb teens?

"Hoy mister, hindi ko nga alam pangalan mo, number? agad agad? kakakilala ko nga lang sayo e, actually hindi pa nga tayo magkakilala eh" tumingin na ako sa harap. tagal naman ng teacher.

ay nanay ko po! hinarap lang naman ako ng hinayupak sakanya!

"Misis, ako po si Ranz Galo Boromeo, pwede na bang makuha number niyo?"

"Mister! Miss pa po ako! HINDI ko ibibigay! manigas ka!" sabay harap ko ulit sa harapan.

Magsasalita pa ulit sana siya ng..

"Goodmorning class" haay buti naman dumating na si mam.

"Say present if you heard your family name, please listen carefully and correct me if i mispronounce your family name"

"....Louisse Cristeline Ramirez"

"Present" haay simula nanaman ng klase. nakakamiss ang bakasyon. hindi pa ready utak kong magaral.

"....Ranz Galo Boromeo" ay si fc na.

"Gift mam!" ay grabe tawanan mga kaklase ko.

"What's so funny class? Mister.. Boromeo anong sabi mo?" taas kilay na sabi ni Mam kimchi. "Wala mam! Present po! hihihi" sabay tawa ay jusko -.- isip bata!

//* Lunch

Naglalakad kami ni Monet ngayon papunta sa canteen. Dun namin imemeet yung iba pa sa mga barkada namin.

Si Stasha, Ayel, at Jeswel. Puro babae kami at sa kasamaang palad kami lang ni Monet ang magkaklase samantalang hiwa hiwalay na sila Stasha.

"Monet! Tel! dito!" nakikita ko ng kumakaway si Ayel sa dating upuan namin.

Dun na kami since sophomore kaya wala ng kumukuha dun sa place namin. Kahit hindi kami ganun kasikat atleast sa school na to walang agawan ng pwesto sa canteen. Kaya dapat maghanap ka na ng magandang pwesto una palang. Nung freshmen kasi kami hindi pa buo ang barkada namin noon, kami lang ni Jeswel noon. hanggang sa madagdagan at nabuo kami nung sophomore at naghanap na ng pwesto.

"Tel si ano o, mister" tinuro ni Monet si mister dun sa may grupo ng mga lalaki.

Actually kilala ko na siya. Siya si Boromeo--kakasabi kanina diba--medyo sikat din siya eh. Class clown kasi, friendly pa. Laging masaya ang mga klase na napupuntahan niya. Ngayon ko lang siya magiging kaklase. aysh ano ba yan para tuloy ang dami kong alam. hindi ako stalker. narinig ko lang. hehe

"O may geee Tel papalapit si Deo dito!" impit na bulong saakin ni Ayel. Hala bakit siya palapit dito? Crush na crush ko siya e hihi ay grabe! kilig! "Ha?! anong itsura ko daaaali" bulong ko sakanya. tinignan niya ako at sabing "Okay lang girl, may muta lang sa left eye mo tanggalin mo daliiii" Ha?! Fuudge. tinanggal ko ng pasimple at nagkunwaring kumakain.

"Hi tel!" ay grabe ang pogi naman talaga oh! tissue o ehm gee tissue please

"Hi Deo? bakit napadayo ka saaming kaharian--siniko ako ni Jeswel--este palasyo--siniko ulit ako ni Jeswel--ay peeees.. i mean dito?" hehe kahiya. ano ba yan bakit kasi ang pogi.

"Ah pwede bang.. pwede bang makuha number mo? kung okay lang" sabay ngiti!! grabe mahihimatay na ako mahihimatay na talaga ako. pinagpapawisan na ata kili kili ko.

"Ah ah. sige ahm 09---" pinutol niya sasabihin ko at nilabas phone niya "Ahm pakiulit? hehe"

"09*********" grabe kinuha niya number ko! kinuha niya! *suntok suntok sa air kunwari*

"Salamat! sige tel alis na ko! :) Bye Monet Ayel Layne Stasha Jeswel" kumaway siya at tumalikod na

"O ehm geee girrl! ang haba ng hair putulin pleeeeess" sabi ni Ayel saakin sabay tulak tulak saakin.

"Kilig na kilig, Number mo? Number mo?" sabi ko sakanya.

Natawa naman sila Jeswel sa sinabi ko.

"Sorry girl nakakainggit e! hahaha"

ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon