Complicated High 5

5 0 0
                                    

"Loves kinakabahan ka ba?" Nandito kami ngayon ni ranz sa labas ng gate namin. nakatingin kaming pareho sa bahay namin.

"Siyempre loves, pero dahil seryoso ako sayo. Ipapakita ko sa papa mo na malinis hangarin ko sayo at seryosong seryoso ako sayo walang halong biro" Hinawakan niya kamay ko at nginitian.

Ang swerte ko naman sa lalaking ito. haaay. :) kung baga ang status ko ngayon sa fb ay feeling loved-- at nakatag si Ranz :)

Pumasok na kami sa bahay. Bakit ang dilim? O.O brownout?

"Hala loves brownout sainyo?" Tinignan niya ako. Tinaas ko lang balikat ko which mean hindi ko alam.

Bigla namang nagopen ang ilaw at..

"Papa! anong drama naman daw to?" Paano ba naman kasi akala mo naman nasa movie siya. Bigla ba namang humarap yung upuan niya saamin.

"Maupo kayo" wow serious.

"Goodafternoon po sir!" Medyo kinakabahan pa si loves na magsalita. Naupo nalang kami sa sofa habang nakaharap kami kay papa.

"Ikaw ba lalaki, seryoso sa anak ko?" seryosong tanong ni papa kay loves.

"Ahem ahem. *hinawakan niya kamay ko* *Anong drama naman daw to?!* Sir, mahal na mahal ko po ang anak niyo. seryoso po ako sakanya mas seryoso pa po sa mukha ng aso niyo--*haaano daw? wala kaya kaming aso?!* Hindi ko po mapapangangako na hindi ko po siya mapapaiyak. pero pangako po na pagmapaiyak ko man siya ako po ang pupunas sa luha niya. malinis po ang aking hangarin kasing linis ng tubig dagat. Kaya sana po ay payagan niyo po akong ligawan ang inyong anak. kahit na pumayag po siya importante pa din po ang inyong opinyon. pasensiya na po at ngayon lang po ako nagpaalam. Sana ay hindi niyo kami paghiwalayin katulad ng mga bida sa telenobela" seryoso ba itu? =___=" grabe talaga trip nito. Kikiligin na sana ako eh =___=

"Iho,

dito ka na kumain ng dinner, ako.magluluto" Ngumiti naman si papa. haaay salamat. ang dami pa kasing drama.

"Salamat po sir. pumapayag na po ba kayong ligawan ko anak niyo?" Titig na titig siya kay papa. Hinihintay ang sagot.

"Kung anong ikakasaya ng baby girl ko dun ako. Basta ikaw pagniloko mo anak ko. Uuwi ako agad dito ha? Maliwanag?"

"Salamat po sir, opo kayo na pong bahala saakin"

Napangiti nalang ako. Mahal na mahal ko talaga tong tatlong lalaki na to sa buhay ko. Ako na talaga. Ako na. HA HA HA *insert evil laugh*

**/ After dinner

"Pa hatid ko lang po si Ranz diyan sa gate" kakatapos lang ng dinner namin, nagluto ang papa ko ng paborito kong ulam. Kare kare. kaya ang dami kong nakain. Nakoo baka tumaba ako niyan.

"Alis na po ako sir! Maraming salamat po sa dinner, ang sarap po ng luto niyo" Nakipagkamay siya kay papa at binigyan ng ngiti.

"Sige iho magingat ka ha? Tito na itawag mo saakin. balik ka sa susunod na uwi ko" Nakipagkamay din si papa at nagngitian sila.

"Sige ho Tito :) Maraming salamat po ulit"

**sa gate

"Loves nagpractice ka ba ng sasabihin kay papa? grabe ang ganda ng sinabi mo sakanya. Nakakataba ng puso" magkahawak kami ng kamay at nakatingin sa langit habang nandito sa labas ng bahay namin.

"Ang totoo niyan loves nung sinabi mo kagabi na gusto mo akong ipakilala sa papa mo, kinabahan ako ng sobra, ang sabi ko sa sarili ko kailangan ko ipakita at mapatunayan sa papa mo na maganda at malinis ang hangarin ko sayo , kaya nagpractice na ako kagabi hanggang kanina sa school ng sasabihin ko. para hindi naman ako mapahiya sa papa ng loves ko" Wow naman nagpractice pa talaga siya. akala ko improptu.

"Salamat loves ha? alam mo lagi mong sinasabing ang swerte mo saakin e mas swerte nga ako sayo e" Tinitignan ko na siya ngayon.

"Loves, parehas tayong swerte sa isa't isa. mahal na mahal kita" Hinalikan niya ako sa noo. Napangiti nalang ako sa ginawa niya :) haaay~

Nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi na siya.

**// The next day.

Kakadating lang namin ni Monet sa upuan namin sa may canteen. as usual nandun na sina Ayel. hindi muna kami sabay ni Ranz dahil makikisabay muna daw siya sa mga kaibigan niya.

"Tel! hala nakita mo na ba mga pictures nung party ni blue?" sabi saakin ni Ayel pagkaupo ko.

"Hindi pa ako nakakapagfb eh. bakit?" Tanong ko sakanya. Bakit parang biglang kinabahan ako.

"Girl huwag kang magcoconclude agad ha? Pagisipan mo muna bago ka magdecide, tandaan mo tong sinasabi ko sayo" sabi naman ni Jeswel. Bakit parang may mangyayari?

"Stasha, ipakita mo" sabi ni Jeswel

Nilabas ni Stasha yung phone niya at pinakita sa akin ang isang picture

O.O -->    >:(

Tumayo ako at pinuntahan lugar nila Ranz.

"Tsk Tel. sabi ko huwag kang magconclude agad" Sinundan ako ni Jeswel kahit ang bilis bilis ko ng maglakad. Sinubukan niya akong hawakan pero iniiwas kong mahawakan niya ako.

Grabe parang naninikip dibdib ko sa sobrang galit. Nakadating din naman kami agad sa pwesto nila Ranz. Nakita ko siyang nakikipagbiruan sa mga kaibigan niya. Nung nakita niya naman ako bigla siyang ngumiti at lumapit saakin. Napalitan naman ang ngiti ng pagtataka ng makita niyang hindi ako ngumingiti.

"Ranz magusap tayo" Naglakad ako. at naramdaman kong sinundan niya ako. pumunta kami sa may likod ng puno. na nasa likod din ng building.

"Loves bakit?" Medyo natatakot na din ang boses niya na parang naguguluhan at nagaalala..

Pumikit muna ako at huminga ng malalim "Ano to?" pinakita ko yung mga pictures sa phone ni Stasha.

May picture lang naman siya kasama ang ex niyang si Yesha. Nakapatong ang ulo ni Yesha sa balikat niya at parang alalang alala naman siya. At nakalagay sa comment ng picture ay. "Aww muling ibalik?" "Ranzsha!" at  kasalukuyang may 51 likes.

"Loves. kalma lang mageexplain ako" Trinay niya akong hawakan pero lumayo ako.

"Bakit hindi mo sinabi na nandun yung haliparot mong ex?!" Hindi ko na napigilan at nasigawan ko na siya.

"Loves--"

Pinutol ko ang sasabihin niya "Ano magbabalikan na ba ulit kayo?! Ano?! Ang landi mo kahit kailan! Ito ba ang seryoso?! Wala lang ako sa tabi mo. kung sino sino ng nakadikit sayo?! Nanliligaw ka palang hindi pa kita sinasagot!"

Nakita kong nasaktan siya sa mga sinabi ko at tumingin sa ibang lugar na parang nagpipigil ng luha.

"Louisse mageexplain muna ako. huwag kang magconclude agad" Tumingin na siya at nagmamakaawa na ang mata niya na pakinggan ko siya.

Huminga ako ng malalim.

"Itigil na natin to. Ayaw ko na. Huwag mo ng ipagpatuloy panliligaw mo" at umalis na ako..

Hindi ko na siya tinignan.. Hindi ako iiyak. Bahala sila.. Magsama sila..

ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon