Every other day akong nakakatanggap kay Ranz KO--oh diba lumevel up? :)-- ng mga sulat.
Mga banat lang naman at kung saan saan ko pa nakikita. sa notebook ko, sa bag ko. minsan sa bulsa ng vest ko. may vest kasi uniform namin. Nagtataka nga ako paano niya nailalagay -.- ninja moves.
Palagi niya din akong hinahatid pauwi. Hindi niya ako nasusundo kasi ayaw ko. masyadong hustle yun siyempre iniisip ko din naman siya hehe. o diba? ako nililigawan pero iniisip ko pa din siya. siyempre hindi naman ako lagi ang iniisip. ano ako reyna at alalay siya?
Minsan kasama namin mga kaibigan ko. minsan naman mga kaibigan niya. aba siyempre hindi naman porke may something saamin eh iiwan nanamin mga kaibigan namin.
"Loves nalang tawagan natin!" sabi niya saakin habang HHWWWSSP. *holding hands while walking with pasway sway pa* 2 months na pala siyang nanliligaw.
"Bakit naman loves?" tinignan ko siya. hindi na nga ako masungit sakanya eh. lumambot na ang puso ko sakanya achuchuchu hindi ko nga alam paano niya nagawa yun e. Lakas talaga nito.
"Para unique kasi diba yung iba baby? babe? para maiba naman. diba?" sabagay ayaw ko naman siyang tawaging babe. ano siya baboy. e ang tikling niya nga e. hindi din naman siya baby.
"O sige loves :)" nginitian ko ang loves ko.
"May ikakaganda ka pa pala? Ang ganda talaga ng loves ko ang swerte swerte ko!" inakbayan niya ako na parang ihahug.
haaay ang sarap lang ng ganito. ang saya saya namin...
*///
"Loves may pupuntahan lang akong party mamaya. birthday kasi ni Blue" nandito kami ngayon sa harap ng bahay ko. friday ngayon at walang pasok kinabukasan.
"O sige loves ingat ka po ha?" hanggang sa gate lang niya ang hinahatid kasi ayaw ko pang ipaalam kila naynay betty. baka sabihin niya kila mudra at pader.
"Sige loves alis na ko" inantay ko muna siya makalayo bago ako pumasok.
"Nanditooo na ako!" habang paakyat ako ng hagdan nakita kong bukas ang kwarto ng parents ko. Bukas lang yun pag isa sakanila ay umuwi.
"Ahhhh! Paaaaa!" niyakap ko ang papa ko. habang nakatalikod siya nagaayos kasi siya ng gamit.
"Louisse! kamusta ang baby girl ko?" niyakap niya ako at umalis may kinuha sa maleta niya.
"Paaa! 3rd yr highschool na po ako. Hindi na po ako baby. okay naman po ako! Top ten po pala ako. medyo matatalino po mga kaklase ko e mahirap matalo" tinignan ko na kung ano hinahanap niya.
Nakita kong naglabas siya ng isang nakabalot na bilog ang hugis. ano naman daw to? O.O
"Basta ikaw pa din ang baby girl ko ha? o yan pasalubong ko at gift ko sa pagaaral ng mabuti. atleast nasa top ka pa din. pagpatuloy mo lang yan ha?" pinat niya ang ulo ko at hinintay niyang buksan ko ang regalo niya saakin.
Binuksan ko ito at nakita ko na para siyang maliit na maleta na bilog ang hugis. ng buksan ko ang zipper.
*O* Wooow ang daming key chain at yung mga magnet na dinidikit sa ref. iba't ibang place galing. pero ang mas nagpawow saakin ay dahil sa..
"S3! wooow thaaank yoou paaa!!" niyakap ko ulit siya.
"Yan muna ha? nasa higschool ka pa naman. pagpatuloy ang magagandang grades ha?"
"Opo papa salamat po" sabay na kaming bumaba para kumain ng dinner sakto namang pagdating ni Tobby. siya din may cellphone. S3 din para hindi daw kami magaway.
Habang kumakain kami..
"Louisse May nanliligaw na ba sayo? o baka boyfriend na ha?"
O.O nabuga ko tuloy kinakain ko sa mukha ni Tobby
"Esteee naman! Kadiri kababae mong tao!" pinunasan niya yung mga butil na natalsik ko sakanya.
"Sorry tobby! si papa kasi" pinunasan ko na din yung mga nakalat kong butil.
"Bakit anak. mayroon na ba?" napatigil ako at unti unting humarap sakanya.
"Ah meron na po hehe"
O.O <--- itsura ni papa -.-
"Ipakilala mo din ang lalaki na yun bago ako umalis, bukas ng hapon paguwi mo idala mo siya dito" haaay. mga tatay talaga
"Sige po" -.-