Complicated 6 Si

11 0 0
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil ang dami dami kong naiisip. Pero kahit ganun pumasok pa din ako. Medyo napaaga nga ako e. Buti nalang wala pa si Ranz. Yumuko muna ako sa upuan ko haaay.

"Teeel! tel! omg! silip ka sa labas dali!" sigaw saakin ng kaklase. bakit ang daming feeling close? =___=

Ako naman ay dakilang uto uto, lumabas ako. nakita ko namang nakakumpol mga kaklase ko sa corridor. Ano ba yun? Anong meron?

Bigla namang nahati sa gitna yung mga tao at nakita ko ang nakangiting si Ranz. at may hawak na isang bonquet ng flowers.

O.O daaamn. Tumigil siya sa harap ko at binibigay saakin yung flowers ng nakangiti. napansin ko na parang puyat na puyat naman siya. Hindi din ata siya nakatulog.

"Usap tayo mamaya ah?" nakangiti niyang sabi. Tinitignan ko lang siya. Pinilit niyang kunin ko yung flowers at bumuntong hininga siya.

*// Lunch

Nandito ulit kami sa likod ng puno sa likod ng building. Nakaupo lang kami. Nakatingin ako sa baba at nakatingin naman siya sa malayo.

"Tel, mahal kita ikaw lang wala ng iba" Hindi ako umiimik hinayaan ko siyang magsalita. "Yung sa party ni blue, biglang dumating si Yesha ng hindi namin alam. ininvite ata ng kapatid ni Blue. Pagdating kasi niya dun lasing na lasing na siya. Bigla naman niya ako nakita at medyo natapilok siya, kaya inalalayan ko siya. Yung isang bagong kabarkada namin hindi niya ata alam na may bago na akong mahal kaya kinuhanan niya kami ng picture. Matagal na kaming hiwalay Louisse kaya hindi na maiiwasan na maging kaibigan kami. wala na akong nararamdaman sakanya. Hindi ko siya babalikan. Paniwalaan mo naman ako please" nahihirapan na siyang magsalita. at parang pinipigilan niya na talagang huwag tumulo ang luha niya "Please Louisse maniwala ka. mahal talaga kita, please huwag mo naman akong patigilan na manligaw sayo" nakikita kong unti unting naluluha na siya kaya yumuko na siya.

"Ewan ko, sinira mo tiwala ko sayo Ranz. mahirap ibalik ang tiwala lalo na pagnawala" importante kasi saakin ang tiwala e. hindi ko alam bakit bigla nanamang tumigas ang puso ko.

"Sorry Louisse, please. mahal na talaga kita. at masakit para saakin na ayaw mo na akong pagkatiwalaan ulit" Nakatingin siya sakin. may bakas na umiyak nga siya.

Tahimik lang akong nakatingin sakanya hindi ko kasi alam gagawin ko e. Nasaktan kasi ako sa nakita kong picture.

"Louisse" Nagmamakaawa na talaga mga mata niya saakin. Nasasaktan din naman ako na nakikita siyang ganyan. at sabi nga nila pag umiyak ang lalaki ng dahil sa babae. mahal na mahal niya talaga ito.

"Haaaay. sige na okay na. subukan mo lang ulit gawin yun at tignan mo mangyayari sainyo ng babae mo" Nakita ko namang napangiti siya at gumaan ang loob.

"I love you Louisse, ikaw lang. thank you" Mahinahon na sabi niya. punong puno ng sincerity. hindi niya na napigilan at yinakap niya ako pero saglit lang. mahirap na baka may makahuling teacher.

"Bakit nga pala white roses? favorite ko ngay ang red roses" sabi ko sakanya, kakatapos niya lang akong yakapin.

"Ha?! Sabi ni Monet white daw favorite mo O.O tsk -.- alam mo ba hindi ako nakatulog kagabi. kakaisip kung paano mo ako mapapatawad. tinext ko si Monet para itanong kung ano magandang gawin eh" ang cute niya lang talaga. naniniwala naman talaga ako na mahal na mahal niya ako.

"I love you Ranz Galo Boromeo" Nakangiti kong sabi sakanya.

O.O ganyan reaction niya. ang cute lang haha

"Mahal? mahal mo na ako? O.O" hindi pa din siya makapaniwala dahil ngayon ko lang sinabi.

"I love you Loves" inulit ko ulit ng nakangiti. Bigla naman niya akong niyakap

"Grabe worth it talaga lahat ng ginawa ko. masayang masaya ako na narinig ko yan galing sayo loves. masayang masaya! I love you! mahal na mahal kita! Tayo na ba?" masaya niyang sabi na halos isigaw niya na kung gaano niya ako kamahal.

"Sinabi ko lang na mahal kita hindi ko naman sinabing sinasagot na kita =___= MU muna tayo" humiwalay ako sa yakap niya. makita pa kami ng teacher.

"O sige MU muna, maghihintay ako. :)" nakangiti niyang sabi saakin.

"Ano bang araw ngayon? icelebrate natin ang MU monthsary natin next month!" Masigla kong sabi sakanya.

"June 21 loves :) 21 ang date" 21 aww nasakto pa..

forever 21

ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon