After 4 months ng panliligaw ni Ranz. Oo 4 months haha. sinagot ko na din siya september 21.
"Loves salamat talaga ha? ang saya saya ko ngayon. saakin ka na sa wakas :) Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita" sabi sakin ni Ranz habang malapit na kami sa gate ng bahay namin.
Kainis nga e umuulan. pero okay lang atleast share kami sa payong. :) nasa iisang payong kami. siya ang nagpapayong siyempre mas matangkad siya eh.
"Mahal na mahal din kita loves, salamat kasi kinompleto mo ang buhay ko, binigyan mo ng kulay at higit sa lahat sa pagpapasaya saakin palagi" Tumigil kami at hinawakan ko ang mukha niya. Nakangiti kami sa isa't isa.
Unting bumaba siya at napapikit nalang kaming pareho. ginamit niya yung payong para hindi kami makita.
Yes siya ang first kiss ko :) at masaya ako na siya ang first kiss ko.
"I love you" sabay naming sabi sa isa't isa.
**//
1 taon na kami ngayon ni loves. hindi naging madali yun. may mga times na nakikipagbreak ako pero gumagawa siya ng paraan para hindi matuloy. Hindi naman perfect ang relationship namin. Nung una madali pero siyempre marami din kaming pagsubok na hinarap. lalo na at 4th year highschool na kami. hindi na kami pinagpala na maging kaklase. Ngayon naman kami ni Jeswel at Ayel ang magkakaklase.
Ngayon ang anniversary namin. ang alam ko kakain lang kami sa labas. Naggreet kami sa isa't isa. mahahabang messages. sabi ko maggreet nalang ulit kami sa personal pagnagkita kami.
Lunch na at excited na ako makita si Ranz.
Nandito kaming magbabarkada sa dating pwesto namin. Nagkwekwentuhan muna kami habang hinihintay si Ranz kasi sabay kaming kakain.
Bigla namang lumakas ang bulong bulungan. bigla nanamang nagkumpol kumpol ang mga tao.
"Ano nanaman daw to?" sabi ko kila Jeswel.
Nagshrug lang sila ng shoulders. at nagtataka kung anong nangyayari.
As usual bigla nanamang nahati sa gitna. at lumabas si Blue may dalang Malaking malaking bag. Blue Magic ang tatak. At binigay saakin. Sumunod si Harry na may dalang Malaking letter. yung binibili sa bookstore. Binigay ulit saakin. Sumunod si Ian na may dalang maliit na Card. binigay ulit saakin. At last na sumulpot si Ranz na may dalang bulalak. ang ganda! Nung binigay niya saakin binigyan niya din ako ng singsing. ang ganda din! parang engagement ring.
"Happy Anniversary Loves!" Bigla niya akong niyakap.
"Aww salamat loves hala nagabala ka pa ang dami nito! grabe ang saya ko! Happy Anniversary loveees!" Niyakap ko na din siya.
"Haaaaaw sweaaaat" Sabi naman nila Jeswel, Ayel, Monet, Stasha.