Kakauwi ko lang galing school este fishbolan. Nagutom kasi kami e alam mo na big girls na.
"Mudra nandito na ako!" At katulad ng dati walang sumagot. Sa Canada nagtratrabaho nanay ko e, Nasa.. hindi ko pala alam kung nasaan si Pader dahil seaman siya minsan lang tumawag pag may oras lang.
"Hoy Este *sister ang ibig sabihin* bakit lagi kang sumisigaw ng ganyan paguwi mo? 3 years na kaya na hindi umuuwi si mama at papa hindi ka pa ba sanay?" sabi saakin ni Tobby kapatid ko 1st year highschool na yan. este pa din tawag niya sakin. hindi niya kasi masabi ang sister, e gusto niya na sister itawag saakin. parang sister Tel. pero dahil hindi niya mapronounce dati nung bata siya "ESTE" ang nasasabi niya. kaya siguro hindi niya pa din nababago. Nasanay kasi.
Kinurot ko yung pisngi niya. Onti nalang matatangkaran niya na ako "Pakialam mo buuuh haaa. ikaw talaga panira ng moment, si Naynay Betty?" Linagpasan ko siya at pumunta sa kusina.
"Nasa likod, nagtatanim, alis na ako" Sabay kuha ng mga gamit niya pangbasketball. May practice kasi sila every 6 ng gabi. at dahil 4 dismisal niya. umuuwi muna siya at nagbibihis
"Magingat ka ha baby bro! Uwi agad" kaway ko sa may kusina. makikita naman niya kahit kamay ko lang hehe.
"Este! Ang tanda ko na pwede ba? Huwag mo akong ibaby! Tiran mo ako ng ulam mamaya ha?" sabay alis. kala mo naman matandang matanda na siya.
Hay nako nakakapagod. Kumuha ako ng tubig. At pumunta na sa kwarto ko.
Simple lang kwarto ko, comfy yun ang tamang term para dito. marami kasing unan. at carpeted ang floor. wala kang makikitang matigas na bagay sa kwarto ko, except sa C.r ko na maraming matitigas lol hahaha
Toothbrush siyempre.
Makagawa na nga ng assignment.
Jooke. Second day palang buti wala pang assignment. manunuod muna ako koreanovelas.
Habang nanunuod ng My Love from the star. Biglang may nagtext
09*********
"Hello sa pinakamagandang babaeng na kilala ko :) Ako nga pala ang pinakagwapo mong kaklase :)"
Ha? sino naman to? aba bolero ang bwisit.
Waaa---it si..si Deo ba to?!
O eeehm geee O eeehm-- teka? Hindi ko kaklase si Deo? O.o Sino tong libag na ito?
Tel: And you are?
Ranz: Sino pa ba? Edi si Ranz! Hello crush :)
T: Yak. pinakapogi? Crush crush mo mukha mo sa pader!
R: Hahaha! pati sa text ang sungit pa din?
T: Pakialam mo ba? San mo kinuha number ko?!
R: Kinuha ni Deo kanina! Ako nagpakuha nun e :)
T: Ang kapal talaga ng mukha mo, nanggamit ka pa
R: Eh ayaw mo kasing ibigay kanina e -.-"
Nagpatuloy pa ang pagtetexan namin ng panget. Wala naman akong ginagawa eh.
**// Sa klase
"Goodmorning Crush!" ngiti ni panget sa akin.
"Tigilan mo ako Ranz pangit" Nilagpasan ko siya at dumiretso sa upuan ko.
"Aww? Pangit ba ako?" Nagacting pa siya na parang nasaktan talaga.
"Oo! Tigilan mo ako. pwede? ang aga aga iniinis mo ako" nilabas ko ballpen at notebook ko at nagdoodle ng mga tao.
"Grabe ka naman Louisse parang hindi tayo friends" Tumabi siya saakin dahil wala pa ang aking katabi.
"Kailan kita naging kaibigan? Close ba tayo para tawagin akong Louisse?" taas kilay ko sabi sakanya.
"Ang ganda ng pangalan mo no? Louisse Cristeline Boromeo-este Ramirez" titig na titig siya saakin, pangiti ngiti na parang aso at tinatas taas pa ang kilay.
"Yak mahiya ka sa balat mo tsong, hindi tayo friends" Umalis muna ako at tumabi kay Monet kakadating niya lang kasi.