Chapter Twenty-three: A little too late

622 32 14
                                    

POV of Luhan

I saw how she smile, without me. She was smiling with them, her friends, the people who stayed by her side. I sighed. I miss her this much…inantay ko silang lumabas, kaso kasama nya si Jin kaya pasimple akong sumunod sa kanila…

“Uhm…k-kasi…a-ano…I-I-I l-l-ove y-y-ou”

 

 

She hugged him…I ranaway in that contact…that means she’s already moved on right? Wala na nga kong pag-asa, I felt tears rolling down my cheeks. I went straight to the dorm and cried to sleep. That’s it, I’m forgotten. Next day, wala na yung crutches nya, medyo move-on na yung classmates namin, wala nang parinig sa kanila, saka wala na si Leslie…sabi may emergency sa family kaya sya umalis.

“Aish—malapit na birthday mo” sabi sakin ni Yoonie

“O-oo nga” I nodded.

“Party tayo?”

“Sure.”

Hindi na masyadong awkward sa room, I’m okay…tanggap ko na, na wala na nga. I ended it right? Pero parang mabigat pa rin sakin. “So class, ang last ng classes ay December 18, excited na kayo for sure di ba?” tanong ni Sir Jihoo saming lahat. Nag-cheer karamihan samin, lalo sina Chen, Chanyeol at Baekhyun. Chill lang ako, 19 birthday ko e. Napalingon ako sa likod, mukhang tahimik ata.

“And…mababawasan pala tayo next year noh?” natahimik lahat sa sinabi ni sir.

“Ano po?” tanong ni Drea

“Diane…baka gusto mong ikaw na lang magpaliwanag sa kanila?” napalingon kami kay Diane

“I-ikaw na lang po” napayuko sya

“Ok…sina Nichkhun at Diane Li ay magma-migrate na sa U.S” sabi ni sir.

Natahimik, yung iba napa-ha? At yung iba tahimik lang na nakayuko. “A-ano…k-kasi ayoko na maging kahihiyan sa section…saka kelangan namin umalis” sabi ni Diane ng nakayuko, rinig mo sa boses nya yung sakit. Natahimik kami hanggang dismissal. Nung dismissal, sabay-sabay kami “Anong gagawin mo Lu?” tanong sakin ni Minseok. “Saan?”

“Lu wag ka nga ganyan, apektado ka din e…ba’t di mo aminin?”

“Nandyan na si Jin”

“SILA BA?”

“Minseok”

“Lu…kelangan nyo lang mag-usap”

I sighed. Dumiretso ako sa locker area at hindi inaasahang makita si Diane dun. “Sorry” nag-bow sya sakin sabay tumakbo palabas, I sighed. Binalik ko na yung mga gamit ko sa locker ko tas pumunta sa cafeteria. Sumama ako kina Kris at kumain kami, as usual kasama nya yung BTS tapos maraming bulungan tungkol sa kanya.

Wolf In Love (Book Three of YW-HW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon