"FRANCE!!!!!" sigaw ng kaibigan Kong si Roxy na nagmamadali.
"Oo na sandali Lang!" dali-dali Kong tinali ang aking mahabang buhok habang bumababa ng hagdan, nandun sya naghihintay.
"Bakit ba nagmamadali ka ha? Ang aga pa naman" Pagrereklamo ko.
"Hay naku! Mabuti pang Maaga kesa ma late no" Sagot pa nya, Napangiti nalang ako.Ako si France Kenneth madrigal isang working student sa Manila, Independent ako habang ang aking parents at mga kapatid ko ay nasa province. Industrial engineering ang kinukuha ko at nasa 3rd year college na sa Lycium University.
Sa Gabi naman isa akong Room Steward sa okada hotel. Hindi ako pinanganak ng may gintong kutsara sa bibig Kaya todo kayod ako para makapag tapos ng pag aaral.
Habang naghihintay sa professor sa chemistry ay naririnig ko ang mga usapan ng Grupo ni gizelle, I mean talagang maingay Lang talaga sila.
"Ang gwapo ni jimin ang galing pa Sumayaw!!"
"Tapos si jungkook ang yummy ahhh!"Usapan Nila na Hindi ako pamilyar sa mga pangalan. Sobra ang kilig Nila, halos umabot na ang mga balikat sa tenga. Palumbaba nalang ako habang pinapaikot ko ang ballpen sa mga daliri ko.
Dumeretso ako sa canteen ng matapos ang ibang subjects ko, kanin at adobo ang pananghalian ko, na miss ko tuloy ang Luto ni mama. Mag uumpisa na Sana akong Kumain ng matanaw ko si Roxy papalapit saken na para bang naiirita.
"Oh anong itsura Yan?" tinanong ko agad sya nang makaupo sya.
"Hay naku! Kalat na talaga ang virus!" napaisip ako.
"Virus? May virus daw? Kelan binalita?" pag aalalang tanong ko.
"Kpop virus, Matagal na yan Diba?" Agad nyang pag Sagot. Napapikit nalang ako sa pagkadismaya.
"Kpop? You mean annyeong haseyo?"
"Tumpak! Nag sasasayaw ang iba Doon, kesyo may mag co-concert daw dito"
"Hayaan mo na, ikaw talaga" pagtatanggol ko pa, kahit na Alam ko sa sarili ko na Hindi ko rin gusto ang kpop.
Napahinto ako sa pagkain ng mag ring ang cellphone ko. Ang kapatid Kong si Kath ang tumatawag.
"Oh Napatawag ka?"
"ATE!!!!ate ate ate!" sigaw nya agad na masakit sa tenga, nailayo ko ng di oras ang cellphone sa tenga ko.
"Pwede bang kumalma ka? Ano ba nangyayare sayo?"
"Ate malapit na concert Nila! Mamayang Gabi na ang dating Nila ate" pag aarte ng kapatid ko na para bang mamamatay Kung di makakapunta.
"Oh eh anong gusto mong gawin ko ha?"
"Pautang ate!" Kahit Hindi masakit sa tenga ang boses nya Ngayon ay sumakit nalang tenga ko sa narinig ko.
Tinanong ko sya Kung magkano ang ticket, 25k ang VIP, napagsabihan ko Nalang sya pero humingi nalang kahit 6k sa dulo ang upo.
"Teka, Kelan ba Yan?" tanong ko.
"Sa 23 na ate"
"Sa 23 na??!!!! Teka 2weeks nalang ah" napasigaw nalang ako. Di ko na pinansin mga taong nakatingin saken.
"Titingnan ko" tipid na Sagot ko.
"Sana ate Mapahiram mo ko, baka last na nilang concert to dito sa pinas" pagdadrama nya.
"Kath, titingnan ko ok?" then I ended the call.
Nawalan ako ng ganang Kumain, saan ako Kukuha ng 6k sa loob ng Dalawang linggo? Malaki na saken ang 6k sa loob ng 2weeks, at isa pa sakto Lang sinasahod ko para sa sarili ko Dahil may binabayaran pa akong upa ng Bahay at bills. Nasapo ko Nalang noo ko.
"Naku! Yang kapatid mo ha, sobra na sa pagka-kpop" galaiti ni Roxy.
"Mukhang kailangan Kong bumaleeee uuhhhhh" inilayo ni Roxy ang tray na kinakainan ko Dahil Alam nya na isusubsob ko ang mukha ko sa Mesa.
Nang matapos ang Klase ko ay dumeretso na ako sa trabaho ko at ganun din si Roxy pero magkaiba kami ng work, isa syang waitress sa fast-food.
Napansin ko na ang daming security guard sa labas ng okada hotel at may media pa, may artista ba na nag check-in? Hindi naman nakakagulat Yun Dahil sikat ang hotel na ito.
Nang makabihis ako ay agad akong tinawag ng housekeeper namin na si Ms. Yvette na para bang nagmamadali, ibinigay nya saken ang isang Susi at pinapalinis saken ang isang room para sa importanteng bisita, 30 minutes ang Binigay saken na oras para matapos.
Agad ako nag umpisa sa pag lilinis, mukhang wrong timing ang pag aadvance ko ng sahod Dahil busy ang lahat, presidente ba ang pupunta? Bakit wala akong nababalitaan na magkakaron Pala kami ng importanteng bisita? Kahit kailan talaga itong housekeeper namin Laging sumesekreto, tapos matataranta, di ko Alam Kung paano ito tumagal dito.
Inayos ko ang kama, isang double bed at single bed, mukhang Tatlo matutulog dito, tyaka ko Nalinis ang Mesa, Malaking salamin at sahig, hinuli ko ang CR, pero patapos pa Lang ako ay may narinig akong pagbukas ng pinto at pumasok, mga boses lalake at iba ang lenggwahe Nila.
Napaisip ako kung paano nasara ang pinto? Hindi Kaya? Pinagtripan nanaman ako ng kapwa ko room steward na si Lucy? Sumisigaw ang Utak ko Kung paano ako makakalabas, sigurado na e che-check ng mga ito ang CR.
Bathtub agad ang nalingunan ko kaya agad ako pumasok Doon at sinara ng shower curtain na sakto naman may pumasok, nagsasalita sya pero di ko maintindihan, siguro nagtataka sya Kung bakit bukas ang ilaw ng CR, pero Yung mga gamit siguradong nakita nya!
Narinig ko na may mga lumabas, lumabas na kaya silang lahať? Titingnan ko Sana pero napahinto ako ng may Tao sa CR at sinara ito. Papunta ba sya dito? Parang sasabog Utak ko Dahil sa sumisigaw na ito, napapikit nalang ako, nang marinig ko ang shower curtain ay napadilat ako at isang lalaki ang bumungad sa harapan ko na walang saplot ang itaas Kaya napasigaw ako.
"Ahhhh!!"
⭐⭐⭐
BINABASA MO ANG
2 weeks, we've known each other ✔
FanfictionMeet France, an ordinary girl has no taste in comes of korean songs or boy group idols, untill she accidentally meet Taehyung and the other members of korean group named BTS. In 2 weeks staying in the philippines for a concert, the story of a man a...