HAPON na ng matapos kami sa photoshoot namin. Pa lingo-lingo ako at napansin wala si France.
Napansin ko Nalang ang sarili ko na hinahanap ko na Pala ang babaeng Yun. Bakit ba parang may something sa babae na yun at sya nalang lagi nasasagip ng isipan ko?
"Hi V baka gusto mo nitong watermelon, tamang Tama sa init ng Araw" pauna ni Shari sa salitang korean na may bitbit na watermelon.
"Hindi na, salamat" tanging Sagot ko Lang at umalis patungong cottage.
Lumapit si jhope hyong saakin para sabayan ako sa paglalakad.
"Sorry Kung nasabi ko sa kanya ang location ng photoshoot natin, nag pumilit kasi sya eh" paumanhin ni hyong.
"Mukha ngang nadaan ka sa kagandahan nya" panunukso ko.
"Aaminin ko oo, pero Hindi ko naman alam na patay na patay sayo Yan, umayaw pa ako sa ugali nya" dismiyado nyang pagkakasabi.
Huminto ako sa paglalakad at napahinto din sya, hinarap ko sya.
"Hyong, ingat ka, the more you hate the more you love" Sagot ko. Ngumiti ako ng pasimpatiko Kay hyong at lumakad na, naiwan si jhope hyong na tila na surpresa sa Sinabi ko.
"Teka, bakit mo sinasabi yan?" pahabol pa nya, hindi ko na sya sinagot, Natawa nalang ako.
Nang patungo ako saaking aming kwarto ay nadaan ko ang kwarto ni France, huminto ako at binalikan ito. Madadaanan mo kasi muna ang kwarto nya bago ang saamin.
Nandito Kaya sya sa loob? Tanong ng isipan ko.Ididkit ko Sana ang aking tenga sa pinto para malaman na may Tao nga pero dumating si namjoon hyong, at Dahil de-terrace ang hallway ng hotel na ito, pasimple akong nag unat, nag exercise at tumambay Lang sa labas at tumatanaw sa kalayuan.
"Oh V, anong ginagawa mo Dyan?" tanong ni hyong.
"Ha? Wa-wala, Maganda tanawin dito sa taas, tinitingnan ko ang dagat, Maganda rin mag exercise" palusot ko.
"Kelan ka natuto mag exercise? Sa hapon? Hindi ba dapat ginagawa mo sa umaga Yan?" mga tanong ni hyong.
Ang dami nyang tanong, hindi ko alam Kung paano ilulusot, napakamot nalang ako ng ulo at tsaka nagpamulsa.
Humarap si hyong sa kwarto ni France at tiningnan ko sya Kung bakit parang hinahanap nya si France.
"Nandito ba si France?" tanong nya.
Hinahanap ko nga rin eh! Sagot ng Utak ko. Parang ginusto ko na katukin Sana ni hyong ang pinto upang malaman Kung may Tao sa loob.
"Hi-hindi ko alam" Sagot ko sa kanya.
Nilapitan ni hyong ang pinto at hinawakan ang doorknob, ginalaw galaw nya ito at mapapansin mong Naka lock ito. Kinatok nya ito at lumapit na rin ako, pero walang sumasagot.
"Lumabas Yata sya, baka nag lalakad-lakad" Sabi ni hyong.
Naglalakad lakad nanaman? Kanina Lang ginawa nya Yun, ano ba meron sa paa nya at napaka gala nya!" Reklamo ng Utak ko. Pero ano bang pake ko? Bakit kailangan ko ma stress sa kanya?
"Hayyyy! Pupunta na ako sa kwarto, ang init!" untag ko.
"Ikaw itong nag exercise sa init tapos magrereklamo ka" si hyong. Na parang magulang Kung mang sermon.
Hindi ako sumagot, Bagkus ay lumakad ako at Tinaas ko ng Lang ang kamay ko na ibig Sabihin ay paalam.
BINABASA MO ANG
2 weeks, we've known each other ✔
FanfictionMeet France, an ordinary girl has no taste in comes of korean songs or boy group idols, untill she accidentally meet Taehyung and the other members of korean group named BTS. In 2 weeks staying in the philippines for a concert, the story of a man a...