SA wakas! Nasabi ko rin na gusto ko sya, mahirap saakin ang pag amin Dahil nasanay ako na ang mga babae ang unang umaamin, Ngayon ko Lang nagawa ito.
( YESTERDAY )
Hindi ko akalain na ganun kalambot ang kanyang mga labi, napabitaw sya Dahil sa pagkawalan ng Malay nito sa kalasingan, agad ko sya nasalo.
Sa pagkakasalo ko sa kanya ay napansin ko si Shari na Nakatayo ng di kalayuan at nakatingin saamin.
Tsaka naman dumating si namjoon hyong at agad na lumapit ng makita nyang Salo Salo ko si France.
"Anong nangyare?" alalang tanong ni hyong.
"Lasing sya" tanging Sagot ko Lang.
"Ano? Naparami Ata ang inum nya" si hyong.
"Isang bote" kapiranggot ng Sagot ko. Na surpresa sya na nalasing ito sa isang bote Lang.
"Ako na, iaakyat ko na sya sa taas" pag boluntaryo nya.
"Hindi, ako na hyong, kaya ko naman" Boluntaryo ko rin.
Para bang nakaramdam ako ng sakim na ipaubaya sya sa ibang kamay.
"Pinatatawag ka ng stylish mo na nasa venue na, puntahan mo na Dahil wala na tayong oras" si hyong.
Wala akong nagawa Kundi ipaubaya sa kanya si France, napamewang nalang ako habang sinusundan ko sila ng tingin paakyat.
Lumapit naman si Shari, tiningnan nya muna ang mga ito tsaka bumaling saakin.
Hindi sya nagsalita Bagkus ay nakatingin Lang ito saakin. Dahil sa pagka ilang ko ay Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Alam Kong nakita nya lahať kanina, hindi na Ata ako makakalusot.
"Kung Alam ko Lang na nanghahalik ka ng lasing edi sana nagpakalasing ako noong magkausap tayo sa pool ng Osaka hotel" Pagbasag nya ng katahimikan. "Pero alam Kong Hindi mangyayari Yun, Dahil Hindi ako si France" dugtong pa nya sa Madiin na pagkakasabi.
"Ang nangyari kanina, hindi ko pa naramdaman ito sa buong Buhay ko, Ngayon lang----
"Gusto mo sya" pagputol nya. Napatingin ako sa kanya ng deretso.
Bakit napaka imposible para saakin na magustuhan sya sa ilang Araw pa Lang namin magkakilala? Pero Hindi, hindi pa ako kumbinsido na totoo nga ang iniisip ni Shari. Hindi ako makasagot Bagkus ay natahimik nalang ako.
BINABASA MO ANG
2 weeks, we've known each other ✔
FanfictionMeet France, an ordinary girl has no taste in comes of korean songs or boy group idols, untill she accidentally meet Taehyung and the other members of korean group named BTS. In 2 weeks staying in the philippines for a concert, the story of a man a...