"Mahal Kita, Mahal Mo Siya. Ang Saya Lang Diba?"

1K 7 0
                                    

Mahal kita, mahal mo siya
Ang saya lang diba?
Nung mga araw na kasama ka
Di ko mapigilang mapangiti
Sa sobrang saya
Sobrang saya dahil ika'y aking kasama
Pero lahat ng sayang nadama
Ay nagwakas ng dahil lang sa mahal mo siya

Mahal kita, mahal mo siya
Ang saya lang diba?
Ako nanaman ay nagpapakatanga
Pero wag kang mag-alala
Di na ako muling aasa pa
Pagkat wala na nga
Wala na ngang pag-asa pa

Mahal kita, mahal mo siya.
Bakit nga ba?
Anong wala ako na meron sya?
Mahal mo siya. Mahal ka nga ba?
Hindi ako tanga na maniniwala sa iyong mga salita. Di ako tanga na aasa ulit sa iyong mga pananakit.

Mahal kita, mahal mo siya
Ayoko na, Pwede ba?
Wala na ngang pagasa eh.
Mahal kita... pero mahal mo siya.... Ang saya saya nga diba?

TULA PARA SA MGA TAONG SINAKTAN AT INIWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon