"Sana Di Nalang

210 2 0
                                    

Sana di nalang umamin
Sana di nalang inilahad ang nilalaman ng damdamin
Sana di nalang sinabi
Nang sa gayon ay hindi ako humihikbi

Nagsisisi ako
Nagsisisi akong minahal kita ng ganito
Nagsisisi akong umabot pa tayo sa puntong ganito
Nagsisisi akong inilahad ko pa ang nararamdaman sayo

Kung kaya ko lang sanang maibalik ang nakaraan
Hindi ko na sana inilahad ang nararamdaman
Kung kaya ko lang sanang maibalik ang nakaraan
Sana'y pinanatili ko na lamang ang ating pagkakaibigan

Kaya, di na sana kita nakilala
Di na sana kita nilapitan pa
Sa gayo'y hindi ako lumuluha
At di sana ako nagdurusa

TULA PARA SA MGA TAONG SINAKTAN AT INIWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon