"Tama Na! Di Ko Na Kaya!"

195 3 0
                                    

Tama na! Di ko na kaya!

Wag mo ng ipamukha

Na ika'y di ko makukuha

Dahil tama ka

Sino ba naman ako para magkaroon ng pag-asa

Kaya ngayon nga'y titigilan na kita

Hindi na kita aabalahin pa

At ika'y palalayain ko na

Kahit wala naman talagang nabuong "Tayo" sa ating dalawa

Kaya please lang. Tama na

Sapagkat ako'y nahihirapan na

Hinding-hindi ko na rin talaga kaya

Dahil sobra-sobrang sakit na ang aking nadama

Sana ay wag mo na akong pahirapan pa

Pwede bang lumayo ka nalang ng kusa?

Para naman ako'y makamove-on na

At hindi ko na maramdaman ang sakit na aking palaging nadarama


TULA PARA SA MGA TAONG SINAKTAN AT INIWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon